Seven a.m., the usual morning lineup
Start on the chores and sweep 'till the floor's all clean
Polish and wax, do laundry, and mop and shine up
Sweep again, and by then it's like 7:15"Pey! Bumaba ka muna riyan sa k'warto mo at isalin mo itong kare-kare at pansit sa pinggan n'yo. Mainit pa, p'wedeng-p'wede para sa tanghalian." Mula sa pinakamababang palapag ng bahay ay narinig ko ang pagtawag ni tita Vina, ang matagal nang mayordoma ng aming kapitbahay.
Saglit pa akong napaisip kung paano siya nakapasok samantalang isinara ko naman ang pinto kanina.
Isinampay ko muna sa bintana ang hawak kong basang pamunas bago nagtatakbong bumaba. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang mga yabag palabas sa pintuan ng kusina. Sinilip ko ito at nakita si nanay Rosing, ang labandera namin. Siguro ay siya ang nagbukas ng pinto para kay tita Vina.
Nagpatuloy ako sa pagbaba. Rinig na rinig ang bawat paghalik ng aking tsinelas sa hagdan, dahilan kung bakit biglang nagsilapitan ang dalawa kong pusa na kanina'y kasalukuyang natutulog sa staircase.
"Para sa'yo lang 'to ha, Pey. Pakainin mo na lang ng ibang ulam 'yang mga alaga mo."
"Oo naman po," nakangiti kong tugon kay tita habang isinasalin sa ibang pinggan ang mga ibinigay niya. "Mas gusto pa nila ang gulay kaysa karne. Kaya ang lulusog nila."
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni tita. "Puro ka kasi diet. Kung hindi tokwa ay tinapay lang ang kinakain mo."
Hindi ko na tinanong kung paanong nalaman ni tita Vina ang mga 'yan dahil marahil sinabi iyon ni mama sa kanila. Madalas kasi iyong pumunta sa kabila para makipag-kuwentuhan dahil tropa sila ni
tita Berty---ang amo ni tita Vina."Aba, e," hinawakan ko ang kurba ng katawan ko na may nagmamalaking ngiti sa'king labi, "ang tunay na kagandahan, pinaghihirapan."
Umiling-iling si tita habang nangingiti. "Ang tunay na kagandahan, nasa kalooban. Dati na itong nariyan. At nasa iyo na kung tatangkilikin mo o ipagtutulakan."
Pumunta ako sa malapit na lababo para hugasan ang mga pinggan na pinaglagyan ni tita ng mga ulam bago ko ibalik sa kanya.
"Kaya nga nauso ang salitang 'tiis-ganda', tita, kasi minsan kung ano 'yung maganda 'yun pa ang mahirap makuha. At saka, ang tinutukoy ko lang naman ay ang gandang-panlabas. Mabait naman ako, e."
Narinig ko ang pag-meow ng mga pusa ko na animo'y sumasang-ayon sa aking pahayag. At alam ko, kahit si tita Vina ay hindi makakaangal diyan dahil alam niyang totoo.
"Isa kang mabuting tao, Pey. Proud ako sa'yo."
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko. "Pero hindi pa rin ako pinapayagang lumabas." Walang halong sarkasmo ang ngiti ko dahil normal na sa akin ang katotohanang sinabi ko. "But my parents know best kaya hihintayin ko na lang 'yung panahon na magbago na rin ang rutina ng buhay ko."
Ilang segundo ang lumipas ay nakaramdam ako ng marahang paghaplos sa aking buhok. Nakangiti rin si tita sa akin.
"Maghintay ka lang, Pey. Sa ngayon, i-enjoy mo muna ang buhay sa loob ng bahay. May kasama ka namang dalawang pusa." Tiningnan niya ang mga alaga ko. "'Di ba, Pogi at Ryry?"
Natawa ako at muling bumaling sa kanya. "Salamat nga pala sa ulam, tita. Kaya pala hindi na ako ipinagluto ni tita Nena ng ulam kasi alam niyang may magbibigay."
BINABASA MO ANG
I'm Dreaming for a Fairy Tale
Historia Corta[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy tale." Once upon a time, there was a girl in the city of Sangrove who wished that her life would be...