Fairy Tale 9

302 26 8
                                    

In a perfect storybook, the world is brave and good
A hero takes your hand, a sweet love will follow
But life's a different game, the sorrow and the pain
Only you can change your world tomorrow

"Ano ba?!" asik ko nang may biglang humila sa earphones kong nasa kaliwang tainga.

Kumibot lamang ang labi ni Ivy bago niya itinaas ang cell phone niya sa harapan ko. I saw in her screen my latest status.

"#TragicFairyTale," basa niya rito. "What is it all about?"

Simple akong nagkibit-balikat. "Wala lang." At muling ibinalik ang earphone sa aking tainga.

Halos lumipad ang kamao ko sa makulit kong pinsan nang muli niya itong tinanggal.

"What?!"

"Akala mo hindi ko napapansin? It is already your last day in Emerson. Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, mag-usap na kayo hindi 'yung ini-snob mo siya."

Bumuntong-hininga ako bago ko pinatay ang kanta na kasalukuyang tumutugtog sa cell phone ko.

"Nag-away ba kayo?" tanong niya. "Hindi naman siguro kayo naghiwalay, 'no?"

Tuluyan nang naubos ang pasensiya ko. "Hindi nga kami!" napalakas ang pagkakasigaw ko no'n kaya sinubukan kong ilihis ang maaaring maging impresyon nila. "Hindi nga kami pumunta ro'n." At saka na ako tumalikod.

"Then what is your problem? Hindi pa nga kayo, nag-aaway na kayo. Pey, relationship needs maturity," may diin ang bawat bitaw ni Ivy sa kanyang mga salita, pero hindi no'n mababago ang katotohanang wala siyang alam ni isa sa nangyari.

"So?" Nagtaas ako ng kilay. "Magsama sila ng ex-girlfriend niya."

Parehong walang umimik sa aming dalawa hanggang sa narinig ko ang malutong niyang pagtawa.

"A, kaya pala. Nagselos ang pinsan ko."

"Hindi, 'no!" kaila ko. "Wala akong karapatan."

Naramdaman ko ang malakas niyang pagtapik sa balikat ko.

"Hindi ka p'wedeng magselos kasi wala kang karapatan? Ganyan mag-rason ang mga mababaw ang utak. Ang pagseselos wala 'yan sa karapatan, kasi may puso ka rin naman kaya kusa iyang nararamdaman. When you are jealous then so be it. Jealousy has no limitation, it's unstoppable. Saka lang pumapasok ang salitang 'karapatan' kapag nandadamay ka na ng ibang tao dahil diyan sa nararamdaman mo. May pakiramdam ka naman kaya may karapatan kang magselos, pero wala kang karapatang ipagdamot siya sa iba kasi hindi naman kayo. Nakuha mo?"

Ang haba ng sinabi niya, at bawat isa'y mga punyal na tumama sa akin.

"Hindi lang 'yon." Hinarap ko siya. "Sinabi niya rin sa ex niyang magkaibigan lang kami. Wow, friend-zoned ako."

Saglit siyang nag-isip bago niya muling ibinalik sa'kin ang tingin. "Bakit? Ano ba kayo?"

Ngayon ako naman ang natigilan. Ano nga ba kami ni Brent?

"He said he's falling for me," sagot ko.

"Pero hindi pa kayo?"

"Hindi pa."

"Exactly. That's why you're still friends."

Hindi na ako nakapagsalita. Bakit hindi ko naisip ang bagay na 'yon?

"But why he didn't tell his ex that he likes me?" muli ay tanong ko.

"Why?" Inilapit niya ang mukha niya sa'kin. "Is it necessary?"

"Pero-"

Itinaas ni Ivy ang kamay niya at umiling-iling.

"You know what? Ikaw lang din ang nagco-convince sa sariling mong mali ang ginawa niya. Ikaw lang din ang nananakit sa sarili mo. Mga babae talaga, ginagawang big deal ang lahat ng bagay ultimo pinaka-mababaw."

I'm Dreaming for a Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon