Hindi naman ako Kiss 'n Tell na tao. But I cannot say it isn't a good story to tell, that's why I wasn't able to stop myself from telling them what have happened on that particular night.
"Posible pala 'yun? Akala ko sa movies at books lang nag-e-exist ang ganoong mga lalaki. Pa-fictional character naman pala ang peg nitong si Brent, e." Nakahawak pa sa baba niya si Aela habang sinasabi iyon.
"Hindi rin naman siya hashtag FameWhore, 'no?" mataray na segunda ni Raine. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'yo?"
Natawa na lamang ako sa dalawa. Pawang hindi sila saludo sa eksplanasyon ni Brent sa akin nang gabing iyon. Dalawang araw na rin ang nagdaan mula no'n, at sa dalawang araw na iyon ay lagi akong nilalapitan ni Brent at nakikipag-usap ng kung anu-ano. Napansin iyon ng tatlo kaya naman kinuwento ko na sa kanila.
"Well, we cannot judge him. Iba-iba ang way ng mga tao para magpapansin sa gusto nila. It just happened na hindi nakakatuwa 'yung way ni Brent kaya hindi kapani-paniwala." So far, ito pa lang ang pinakamatinong sinabi ni Ivy.
"Sa bagay," kibit-balikat ni Raine.
"Haba ng hair ni pinsan, a," tukso sa'kin ni Ivy. "Sinong mag-aakala na magugustuhan ka ng isang Brent Morgan?"
Parang saglit dumilim ang paningin ko sa binitawang salita ni Ivy. Kahit kailan talaga napaka-bulgar ng pinsan kong 'to.
"Si Brent ang mahaba ang hair," sabad ni Aela. "Akalain mo? Kinikilig sa kanya ang isang Prinsesa?" Siniko niya pa ako sabay kindat.
"Talaga," puno ng confidence kong sang-ayon. "Anyway, kailan nga pala 'yung activity natin sa HOPE 4? Outdoor siya, 'di ba?"
"A, 'yun." Tumayo si Raine. "Guys, kailan 'yung outdoor activity natin sa PE 4?" tanong niya sa buong klase.
Sakto namang sa pagpasok ni Jam ay sinabi niya ang update tungkol sa pinag-uusapang activity.
"Hindi raw matutuloy ang trekking, hindi ni-approve ni Principal. Wala raw siyang tiwala sa HUMSS kaya we're not going to conduct it."
All of us groaned in dismay. Maliban sa napaka-KJ ni Principal, nakakainis din ang mga kaklase ko dahil masyado silang careless sa mga desisyon at behavior nila. Kung hindi lang sila nag-inuman noong nakaraang araw dito mismo sa loob ng classroom ay hindi ito mangyayari.
Gano'n pa man, kaklase ko pa rin sila at tinuturing na pamilya. They don't deserve to be hated. My classmates deserve to be loved despite their imperfections.
"So, saan kukuha si Sir Rico ng grade natin, kung gano'n?" biglang tanong ni Fourth na nasa gilid at gumagawa ng PowerPoint presentation.
"Sa tingin ko ay pupunta tayong Eco Park at sa swimming pool na lang tayo magka-conduct ng activity," sagot ni Jam. "Perhaps an aquatic activity."
Bigla naman kaming nabuhayan ng dugo. We may not be able to see the green of a forest, but at least, we're going to see the blue of a water. Asul kung pinapalad, kung hindi ay baka berde ang kulay ng tubig doon.
"Ano ang tentative day?" tanong ni Brent na nasa tabi ko na pala.
"Bukas," napangiting sagot ni Jam.
"Ano?!" Halos sabay-sabay pa kaming napatanong. Kasasabi lang ngayon, bukas na agad ang actual activity?
"Well, isang linggo na lang ng pinsan ko rito. Mabuti na rin 'yon nang makasali pa siya." Ngumiti sa akin ang pinsan ko.
"Ay oo nga pala," biglang nagsalita ang kaklase kong si Ronald. "Mami-miss ka namin, Resh," madamdamin nitong saad.
Natawa naman kaming lahat dahil hindi niya bagay ang ganoong role.
"Seryoso, Resh." Lumapit sa akin si Aubrey. "We will miss our living Disney Princess."
BINABASA MO ANG
I'm Dreaming for a Fairy Tale
Short Story[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy tale." Once upon a time, there was a girl in the city of Sangrove who wished that her life would be...