Narinig ko ang pagtunog ng door bell. Pababa pa lamang ako ng hagdan nang makitang pinagbuksan na ito ni nanay Rosing. Nakamasid lamang ako roon hanggang sa makita ko ang pagpasok ng pinaka-guwapong lalaki na nasilayan ko sa balat ng lupa-si Brent Morgan.
He's on his pair of slacks and grayish long sleeves covered with black tuxedo. He looks so masculine and chiseled. Pakiramdam ko nagkakasala na ako sa paninitig sa kanya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagroromansa sa kabuoan niya nang dumako sa'kin ang mata niya. Wala akong mabasa sa paraan ng panunuri niya, pero isa lang ang alam ko: Hindi pa siya kumukurap.
"Jesus, what is an angel doing here?" bakas ang pagkamangha sa boses niya. Ako na mismo ang nailang sa sobrang lagkit ng paninitig niya sa'kin.
Nagbaba ako ng tingin at binilisan ang paglalakad. Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong nagpasalamat sa damit na suot ko. He has a good taste in fashion.
"Nagustuhan mo ba ang kulay?" Tinanguan ko siya sa tanong niya. Little did he know that fuchsia and black is my favorite combination. It's mine and mine alone and no one should dare to be like me.
"Let's go," nakangiti niyang inilahad ang braso niya at umabrisete naman ako rito.
Habang nasa daan kami ay panay ang sulyap niya sa'kin at walang sawang sinabi sa akin kung gaano ako kaganda sa gabing ito. This guy is really into something I can't explain... but I am willingly mystified by him.
Pagdating namin sa bahay nila ay hindi ko napigilang mamangha sa laki ng bahay nila. It's a mansion with wide yard and garden. The gate's entrance is far from the mansion. It's wide and intimidating. Hindi ko inakalang ganito sila kayaman.
"Very rich," komento ko bago ako umibis ng sasakyan pagkatapos niya akong pagbuksan. "Nakakahiyang tumapak dito."
Kitang-kita ko kung paano sumimangot si Brent at saglit akong nagulat doon. He's cute even when he pouts.
"Anong nakakahiya? You deserve more than this. Prinsesa ka, Fairy Tale. An adorable princess." For the nth time, I felt again the butterflies on my belly.
Dumiretso na agad kami sa mismong venue. Dito pa lang ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula roon-ang musika, tawanan, at kuwentuhan. Nasa likurang bahagi ito ng mansion nina Brent, at halos malaglag ang panga ko nang sa wakas ay bumungad ito sa aking harapan.
It's a swimming pool party. Malawak ang space sa paligid ng swimming pool. Doon nagkalat ang iba't ibang klase ng pagkain at inumin. May mga pagkain din sa ibabaw ng tubig, at puro naka-two piece ang mga dumalo. May iba't ibang ilaw din sa paligid at mistulang dekorasyon ang mga cake na halos nakikita sa lahat ng sulok.
"Bakit mo ako pinagsuot ng ganito? Gusto mo yata akong ma-out of place." Naiinis na siniko ko si Brent.
Mahina siyang tumawa. "Relax. Tara sa loob. I will introduce you to my parents."
Bumangon ang kaba sa dibdib ko nang banggitin ni Brent ang tungkol sa magulang niya. Sigurado akong intimidating silang tingnan.
Hindi na ako nakaangal pa nang hilain niya ako papasok sa bahay nila. Dumoble ang aking pagkamangha nang nakita ko ang looban. Dito ay tuluyan kong nakita ang mga kagaya kong nakasuot ng marangyang kasuotan, idagdag pa ang kumikinang nilang mga hikaw, singsing, at kahit ang damit na suot. Out of place ako sa labas dahil naka-gown ako. Pero mas out of place ako rito dahil halatang mayayaman ang lahat ng nandito. Napakayaman na hindi ko na kayang tingalain.
BINABASA MO ANG
I'm Dreaming for a Fairy Tale
Conto[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy tale." Once upon a time, there was a girl in the city of Sangrove who wished that her life would be...