Hindi mapigilan ng aking labi ang magsilay ng ngiti habang sumasabay ako sa malamyos at nakakatuwang tunog dito sa loob ng auditorium. Napapa-indak ako sa bawat bitaw ng beat at napapapikit ako sa bawat high pitch ng musika.
Pinaghalong palakpak at sigaw ang namayani nang umabot kami sa pinakamagandang parte kung saan biglang bumilis ang kilos ng aming mga paa at galaw ng aming mga kamay.
It is our final performance in our PE3. The ballroom dance we've been practicing is now being performed with audience from lower years. Kanina ay kinakabahan ako, but music can really remove stress and helps the heartbeat calm and equal, so now I'm enjoying like I own the dancefloor.
Masigabong palakpakan ang naghari sa loob ng malamig at maliwanag na auditorium ng paaralan. Nakakatuwa. We did the performance perfectly I guess. Ilang beses namin itong inensayo.
"Good job, HUMSS-Peridot. May nagawa rin kayong maganda," nakangiti si Sir Sunga bago siya tuluyang umalis.
Pilit na ngiti ang pinakawalan ko nang nakaharap siya, ngunit lahat yata kami ay umirap, bumusangot, at binelatan siya nang tumalikod na. Ngayon niya lang kami ni-appreciate medyo offensive pa.
Umupo muna kami sa gilid ng stage at ganundin ang iba naming kaklase. We're still enjoying the air-conditioned area. Tinanggal ko ang aking glass slippers at inilagay sa'king tabi. I massaged my ankle a little bit as I listened to my classmates' queries.
"Kahit pa maganda ang outcome ng performance natin, mas mataas pa rin ang grades na binibigay niya sa ibang strand. HUMSS is unwanted. Tigas kasi ng ulo ng iba riyan," pagpaparinig ni Aela sa iba naming classmates. "Gawa ng isa, gawa ng lahat pa naman ang peg ng mga teachers dito."
Bumuntong-hininga naman si Raine. "Ano pa nga ba? At least masaya naman tayo, right? Besides, kahit tayo ay minsan irresponsible din. Hindi lang natin namamalayan."
Biglang tumayo si Ivy at nag-stretch ng kamay. "Kapagod. Tara na sa labas. Gusto ko nang uminom ng soft drinks," aniya. Napansin naming unti-unti na ring naglalabasan ang ibang HUMSS.
"Sure." Tumayo na rin ako at inayos ang aking mala-Disney Princess na gown.
I was just about to pick my glass slippers when I noticed that the other one is missing.
"Nasaan ang pares ng sapatos ko?" tanong ko kina Ivy.
"Aba malay. Wala naman tayong dalang mga bags rito ngayon, kaya sino naman ang nagtago?"
Naglakad akong nakapaa at sinubukang hanapin ito. Bumaling ako kina Ivy at sinabing mauna na sila. Uhaw na uhaw na sila kaya naman nagpatuloy na sila sa pag-alis. Naiwan akong mag-isa rito sa malawak at medyo madilim na auditorium. Pinatay na kasi ang ilaw at tanging sa stage na lang ang natitirang nakasindi.
Umakyat ako sa mga bleachers. Pumunta ako sa back stage. Tinignan ko ang storage room. Wala, hindi ko makita ang aking slipper.
Naglakad ako papunta sa entrance ng auditorium. Dinig na dinig sa loob ang echo ng aking mga yabag, pero minabuti kong tumakbo para tignan kung marami bang tao.
It's break time. Ang daming estudyante sa labas. No, I don't want to walk outside with my bare feet. Partida, nakasuot ako ng magandang bestida.
"Where the hell are my slippers?" I frustratedly talked to the air. Naluluha akong bumalik sa stage at pinulot ang isa kong sapatos. Umupo ako sa gilid at niyakap ang mga tuhod ko.
Did someone get it? Doubtlessly yes, but who?
A tear escaped from my eye. I can wait until the students will go back to their subjects, but I'm also thirsty and hungry. I also want to have a break!
BINABASA MO ANG
I'm Dreaming for a Fairy Tale
Historia Corta[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy tale." Once upon a time, there was a girl in the city of Sangrove who wished that her life would be...