Days have passed so quickly. Hindi ko namalayang nakalahati ko na pala ang isang buwan. Being in this school is just simply priceless. Kung magiging mabuti ang lagay ko rito hanggang sa matapos ang isang buwan, may posibilidad na papayagan na akong mag-aral dito sa susunod na school year.
Kasalukuyan akong nagpapahangin ngayon dito sa aking teresa. Ginawan ako ni Ivy ng Facebook account kahapon, ngayon parang hindi ko na mapatay-patay ang cell phone ko. Sunod-sunod ang friend requests na naipadala sa akin, karamihan sa kanila ay ang mga classmates ko lang din. I accepted all of them after all. Wala akong makitang dahilan para hindi.
I suddenly thought of changing my profile picture. Ang nilagay kasi ni Ivy ay picture ng bulaklak, hindi ako nagmumukhang tao.
I chose a photo that screams beauty and elegance. Something that is a princess ideal because that's what I supposed to be.
Ilang segundo pa lamang ang dumaan ay ang dami nang reacts ang display picture ko. Umulan na rin ng comments mula sa aking mga school mates. Ang bilis naman nilang makaamoy ng maganda.
Natigilan ako nang may nagpop-up sa notification bar. It's a message request. Agad ko itong binuksan at nakita ang pangalan ni Gray Rhodes, at sa gilid nito ay isang animé na profile picture.
Nagdalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ito o hindi, pero sa huli ay 'di rin ako nakapagtimpi.
Nadismaya ako nang makitang nag-wave lang pala siya. Wala talaga siyang sense na tao. Buti na lang, ang guwapo niya talaga.
Nagpadala ako ng mensahe. "Hoy."
Nakita ko ang symbol na nagtitipa siya. Mayamaya ay may reply na siya.
"Hoy ka rin."
Nabo-bother ako sa DP niya. Wala itong pantaas na damit at kitang-kita ang dibdib nito. Walanghiyang Gray Fullbuster. Kakatitig dito ay bigla kong naalala 'yung araw na sinabi niyang wala akong dibdib. Nakakawalang-gana, lalo pa't hindi naman totoo.
Because of that, I decided to change his nickname into Walang TT and changed the chat color into fuchsia. Pagkatapos no'n, nag-send ako ng emoji na may puso sa mata.
Agad siyang nag-message. "Masaya ka na?" Nalasahan ko ang sarkasmo roon. Natawa akong mag-isa. "Wala kang dibdib," dagdag niya.
"Baka matameme ka?" Nakataas pa ang aking kilay na para bang nakikita niya ako.
"Hahahahahahaha tameme mo mukha mo." Bakit pakiramdam ko naririnig ko ang halakhak niya?
"Ikaw nga jutay," tawang-tawa ako habang tinitipa ito.
"Baka 'pag nakita mo, ma-shock ka."
Ginaya ko ang sinabi niya sa'kin kanina. "Hahahahahaha shock mo mukha mo."
"Okay lang. Tanggap ko naman na wala kang dibdib."
"Halika rito at makikita mo," may panghahamon sa sinabi ko.
"Bakit ba parati kang galit, ha?" Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa halip na mainis sa kanya. Nakakahawa ang emoji na lagi niyang ginagamit, 'yung nakangiti at kitang-kita ang ngipin. "Wala ka na nga'ng dibdib, pikon ka pa."
Tumingala ako sa mabituwin na langit. Ginawa ko ito para pakalmahin ang naghuhuramentado kong puso. Dapat naiinis ako sa isang 'to, sa dami ng nagawa niyang kasalanan sa'kin. Misteryo sa akin kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya nang matagal.
BINABASA MO ANG
I'm Dreaming for a Fairy Tale
Short Story[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy tale." Once upon a time, there was a girl in the city of Sangrove who wished that her life would be...