"Anong nangyari, Ma'am Resh?" tanong sa akin ng driver kong kadarating lang.
"M-manong," nanginginig ang boses ko at para na akong nawawalan ng hangin sa dibdib. "Alalayan mo po siya papasok ng sasakyan, please. M-May pilay yata siya." May luha nang namumuo sa gilid ng mata ko habang pinagmamasdan si Brent na may dugo sa gilid ng labi, may sugat sa braso, at halos hindi na makatayo.
"Sige na, Fairy Tale. Umuwi ka na. Masakit lang naman ang paa ko, ayos na 'to mamaya. Kailangan ko lang umupo."
"No! You will come home!" pagpupumilit ko. "At saka baka bumalik ang walanghiyang 'yun at saksakin ka na nang tuluyan."
Matagal pa bago ko napapayag si Brent na sumama sa bahay. Sabi niyang ihatid na lang namin siya sa bahay nila pero hindi naman ako ganoong tao. Hindi ko hahayaang umuwi siyang ganyan ang hitsura pagkatapos niya akong ipagtanggol.
Pare-pareho kaming walang imik sa loob ng sasakyan. Kahit si manong ay hindi na rin nag-usisa pa. Bumaba ang aking paningin sa hawak kong cell phone at wallet. Kung hindi dahil kay Brent ay nasa kamay na sana ito ngayon ng demonyong magnanakaw na iyon.
Dahil sa ginawa niya ay tuluyan na nga'ng nawala ang galit ko sa kanya. Anuman ang dahilan kung bakit niya ginawa 'yon ay wala na akong pakialam. Basta isa lang ang sigurado ako—humanga na naman ako sa kanya.
Pagpasok pa lang namin sa gate ay natatanaw ko na sa harapan ng pintuan si Mama. Wala pa siyang ideya kung napaano ako, at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na muntik na naman akong napahamak.
Pinagbuksan kami ni manong ng pinto saka niya inalalayan si Brent palabas.
"Rel! Didn't I tell you that—" natigilan si mama nang makita si Brent. "Oh my God, who is he?!"
"S-si Brent po, Ma. May sugat siya at nahihirapan siyang maglakad."
"Ipasok n'yo siya," natatarantang utos ni mama. "Dahan-dahan."
Dahan-dahan siyang pinaupo ni manong sa malambot na sofa bago ito lumabas ng sala.
"Oh my God, hijo." Halos takpan ni mama ang bibig niya nang makita ang dugo sa braso at damit ni Brent.
"Mang Nena, pakikuha po 'yung first aid kit sa aparador ko!" malakas na sabi ni Mama sa mayordoma naming nasa kusina. Agad naman itong tumalima.
"What happened?" Nagpabalik-balik sa akin at kay Brent ang tingin ni Mama. She is clueless about everything and I don't want to tell her what happened, to be honest.
"Magsalita ka, Rel," may awtoridad na sa boses ni Mama. "Anong nangyari at nagkaganito si Brent at paano kayo nagkita?"
Nalaglag ang luha sa isa kong mata. "Ma k-kasi..."
"Naghihintay po siya sa labas ng mall nang makita niya akong nasa ganitong kalagayan." Natigilan ako nang nagsalita si Brent. "Sinubukan po kasi akong nakawan ng isang hold upper pero nanlaban ako. Nasugatan lang ng kaunti ang braso ko dahil sa dala niyang kusilyo at hindi naman masyadong malakas ang suntok na natamo ko sa gilid ng labi ko. 'Yung paa ko po, masakit lang kasi pinalo niya ng bat, pero bukas na bukas din mawawala na 'to." Tiningnan ako ni Brent. "Fairy Tale offered me a help. She's kind and helpful."
Umurong na nang tuluyan ang aking dila. Walang lumabas na salita mula sa akin dahil sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwalang pinagtakpan niya ako sa nangyari.
Nakagat ko ang labi ko at napayuko. Nahuhulog ako lalo sa mga ginagawa niya. Nahuhulog ako sa isang kontrabida.
"Really? Mabuti naman kung gano'n. Alam ba ng magulang mo na nandito ka?"
"I already texted them. Uuwi rin po ako ngayong gabi," sagot ni Brent.
But expected from my mother, she disagreed. "Not a chance. Dito ka na kumain at matulog. May mga damit panlalaki naman dito na p'wede mong gamitin. Let your legs take a rest."
BINABASA MO ANG
I'm Dreaming for a Fairy Tale
Historia Corta[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy tale." Once upon a time, there was a girl in the city of Sangrove who wished that her life would be...