Author's Note:
Medyo rated spg po ito! Pagpasensyahan niyo po! Pero kahit medyo may pagka-rated spg po ito, demure pa din naman po! Ay ano daw? ang gulo ko! Hehe! Oh well, here goes the first chappie! :) Sana po ma-enjoy kayo. Comments are very much welcome, and votes are mooore welcome! :D
Love lots pumpkins!
xx pumpyumpyumpykin
********************
“Bakit ba kasi ganito pa yung pinapabili sa amin eh. Eeer. Kahiya naman oh!” Nandito ako ngayon sa Shoppe24, namimili ng condom. Oo, tama yung nabasa mo. CONDOM. As in C-O-N-D-O-M. Pero, hoy! Wag kayong mag-isip ng masama. Di ko naman ito gagamitin sa pag-aano noh. Para kasi sa subject namin ito. Oo na, defensive ako. Pero yun naman talaga ang totoo!
Nagmadali akong bumayad sa cashier at tumakbo na palabas ng shop. Nakakahiya nga kasi talaga ano? Baka kung ano nalang ang isipin ng mga tao doon. Ang dami pa naming nakasunod sa akin sa pila. Baka napansin nila yung binili ko.
“Miss! Teka lang! Nakalimutan mo yung condom mo!” Napahinto tuloy ako sa pag-half run sa narinig kong sigaw ng isang lalaki. Liningon ko siya at nakita ko ang lalaking humihingal sa pagtakbo para lang maabutan ako.
“Huh? Wala akong condom kuya!” Shemay! Ideny mo nalang yan Dani, kaysa naman mapahiya ka pa.
“Anong wala? Eto oh! Nahulog mo yan kanina sa convenience store matapos mong bayaran. Kitang-kita ko yun kasi ako yung nakasunod sa iyo sa pila!” Sabi nung lalaki habang winawagayway sa mukha ko ang supot na may lamang condom.
Wala akong masabi. Pero ramdam na ramdam ko na uminit na ang mukha ko. Mabuti nalang at gabi na, di niya mahahalata. Kakahiya talaga. baka isipin pa niyang napakamahalay kong babae. Di naman talaga, medyo lang.
“Oy miss!”
“Huh? Aw!” At ayun. Kinuha ko ang supot na may condom sa loob nito at madaliang tumakbo palayo sa kanya! Bahala na! Di naman niya ako kilala, at sa kalakihan ng syudad na ito, siguradong di na kami magkikita ulit pa!
Dumating na ako sa kwarto ko at dahil na rin sa pagtatakbo ko, napahiga nalang ako sa higaan ko habang humihingal pa. Shemay naman yun oh! Kasalanan talaga ito lahat ni sir. Sa lahat pa namang elastic na bagay dito sa mundong ibabaw, bakit condom pa yung pinapabili niya!
“Danielle, pwede ka bang makausap pagkatapos ng klase?” Bulong ni Kent sakin habang naglelecture si Prof. Hernandez sa harapan namin tungkol sa morality.
“Huh? Ah, sige ba.”
Nang matapos na ang klase namin, nagpahuli na kami ni Kent lumabas kasi nga may sasabihin siya. Siguro mag-coconfess na siya sa kin. HAHAHA.
“Ahm, Dani, kasi… uhm…”
“Yes Kent? Sabihin mo nah.”
“Huh? Ah, kasi Dani… argh! Nakakahiya, pero…”
“Asus, wag ka ng mahiya Kent. Ito naman siya! Para naman tayong di magkaibigan nyan!” Huwag ka ng mahiya, mahal din naman kita.
“Hahaha, ah oo nga naman. Kasi Dani, I don’t know how to start this but here goes. Ehem!” May pafake na ubo pa siyang nalalaman. Ang cute niya talaga oh! “Dani, I’ve been holding on to this since my first day dito sa paaralan na ito. Ahm…” Omg, is he blushing? For real?! Grabeh na ito. Kung hindi niya sasabihin pa ang hinihintay ko, baka di na ako makapagpigil at hahalikan ko na talaga itong lalaking ito.
“Dani, I like you. I’ve had this feelings for a very long time. Sana hindi masisira ng confession na ito ang pagkakaibigan natin even if you don’t feel the same way. I can understand naman if –“ At hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Talagang hinalikan ko na siya. I like you, too Kent Reyes! So much!