Maling Akala

5 0 0
                                    

“Omigosh! Bug! I missed you! Di ka na ba grounded? Ay ang bopols ko talaga ko. Syempre! Naka-gala ka na nga oh!” sigaw ni Gab sabay yakap sa akin na parang sabik na sabik siya sa akin.

“Ah, hehe. Oo nga. I missed you too, bug.” Matabang kong sabi. Gosh, nakikipagplastikan na ako dito. Tiningnan ko lang si Kent na nasa likuran ni Gab at nginitian ng matamlay. Ngumiti lang din pabalik si kent na parang wala silang ginawa para masaktan ako.

Eh ang engot mo naman Dani. Wala naman silang ginawa para masaktan ka. Para ka namang pinaglaruan ng boyfriend niyan eh di mo naman boyfriend yung lalaki. Si Gab nga yung gusto kaya ayun, naglandian in public. Pwe!

“Lunch tayo, bug! Sama ka na sa amin ni Kent! We have a lot to catch up on kaya!” Yaya ni Gab sa kanya. Tatanggi n asana siya dito ngunit nahila na siya ni Gab. Pumasok sila sa isang restaurant at naupo na. Si kent na nag-order para sa kanilang lahat dahil busy na sa pagkukwento si Gab sa mga pangyayari sa buhay niya. Siya pala ang contestant ng college nila for the annual University Icon competition – isang beauty pageant na ginaganap tuwing intramurals ng university nila.

Panay lang ang tango at ngiti ni Dani sa mga kwento ni Gab. Kahit alam niyang wala siyang karapatan para magalit sa pinsan niya at kay Kent sa paglalandiang nasaksihan niya kanina, di niya mapigilang malungkot. Oh, what she would do just to go home and mope for another 2 months. Pero at the same time, kating-kati na siyang tanungin si Gab tungkol sa relasyon nila ni Kent.

“Uhm, excuse me girl, CR lang ako.” Excuse ni Kent at tumayo na. Perfect. Ngayon, pwede na niyang tanungin si Gab.

“Uhm, Gab…”

“Dani, I know what you’re thinking. And it’s a no. We’re not together. In fact, I still don’t like him.”

“Huh? Eh, bug kung nakapaglandian kayo kanina, parang kayo na ah!”

“Haha. Kung makapagsalita naman ito oh, medyo masakit ha? Pero hindi talaga. Iba yung gusto ko. In fact, you know him.” At napangiti nalang si Gab habang sinasabi niya ito. Napagtanto ni Dani na totoo ngang di talaga gusto ng pinsan niya si Kent at medyo malakas ang tama nito sa kung sinong lalaki ang kinahuhumalingan nito. “Kaya, wa’g kang mag-alala okay? My plan is…”

At ayun kinwento ni Gab ang plano niya. Yun naman pala, ang plano  niya is paibigin si Kent tapos iwan sa ere para masaktan. Ang sama nga pero what’s good about it is she’s going to be there for Kent once he gets hurt, tapos marerealize ni Kent na siya talaga ang para sa lalaki. What she would do for love.

Nang natapos ng ikwento ni Gab ang plano niya, di ko na napigilan ang sarili ko. Curious talaga kasi ako kung sino yang lalaking nagpapangiti sa pinsan ko nang di oras eh.

“Pero, Gab, sino ba yang nagugustuhan mo? Dali bago pa yung makabalik si Kent!”

“Uhm, actually, he’s here right now. Kaya nga ako nagyaya na maglunch dito para ma-stalk ko siya.” At bigla namang lumungkot ang ekspresyon sa mukha ng pinsan niya.

Tiningnan ko ang palibot ng restaurant for a familiar face kasi nga sabi naman ni Gab na kilala niya yung lalaki.

“Nandun siya sa may terrace.” Bulong ni Gab.

Tumingin ako sa may bandang terrace. And. Oh my God. Si Cho. Wth!

“Si cho?!?!”napasigaw nalang ako nang wala sa oras. Napalingon lahat ng tao nakapaligid sa kanila sa restaurant. Buti nalang di ata narinig ni Cho at nung kasama niyang babaeng mukhang hooker sa iksi ng damit at revealing ng cleavage yung pagsigaw niya.

“Who’s Cho?” sh**. Dumating na pala si Kent sa table nila. Di niya namalayan.

“Huh? Eh, yun oh. Anak ng business partner ni tito, tapos crush ni Dani.” Kinurot siya ni Gab sa tagiliran niya na nagsasabing sumabay ka nalang, please.

“Aw! Ay oo. Ayun sa may terrace.” – Dani.

“San jan? yung may kasamang hot na babae?”

“Anong hot Kent?!? Eh parang prosti yan eh!” Kung makapagreact naman itong si Gab, baka makahalata si Kent eh.

“Chill lang Gab. Hehe. Sorry. Pero, you can’t deny it. She’s hot.”

“Hot? Really? If that’s what hot means for you, sorry naman kung may dignidad pa akong takpan kung ano ang dapat takpan.” – Gab.

Siniko ko nalang si Gab at baka makahalata na si Kent sa tinatago niyang feelings para sa chinitong nasa terrace na may kalandiang hooker.

“Ah, eh, mas maganda naman ang pinsan ko diyan noh. You don’t need to wear revealing clothes to get a man’s attention.” Bawi ni Gab.

“Ay, oo nga naman. Sorry.” –Kent.

Mabuti nalang dumating na ang inorder nila at medyo nawala sa usapan ang tungkol kay Cho. Kumain nalang sila at nagkwentuhan tungkol sa nalalapit na pageant. Yun naman pala, magkapartners si Gab at Cho. Yun naman pala eh. Kaya pala nagkakilala yung dalawa ng mas mabuti at nahulog itong si bug sa lalaking masungit na yun.

 Habang kumakain kami, bigla ko nalang naramdaman na may kamay na nakahawak sa may shoulders ko.

“Well, if it isn’t the condom girl.”-Cho.

Tinitigan ko lang siya ng masama at nagpatuloy sa pagkain. Napansin niya si Gab na medyo namula yung pisngi at di makatingin kay Cho at si Kent naman, parang litong-lito sa kung sino ang lalaking lumapit sa kanila.

“Ah, kent. Siya si Cho, yung partner ni Gab sa pageant.” I introduced Cho to Kent instead. ‘Yan Kent, siya yung karibal mo. Kung sana, ako nalang. Wala kang kaagaw.

“Oh, hi. I’m Kent, a friend of Gab and Dani’s.” introduce na rin ni Kent sa sarili niya sabay lahad ng kanyang kamay.

“Oh, Gab, you’re there pala. Sorry, I didn’t notice you.” Sabi lang ni Cho na parang walang Kent na nakikipagshake hands sa kanya.

Ngumiti lang si Gab kay Cho, halatang-halata na nahihiya. Siniko ko na siya at baka may mapansin pa si Kent.

“Aw! Ay, why don’t you join us Cho?” –Gab. Salamat at nakarecover din ang lukaret sa kahihiyan niya. Umupo nalang din si Kent. Halatang nainis kay Cho dahil sa pagdeadma sa kanya.

“Oh, no thanks. My date’s waiting for me na sa labas oh. Tingnan mo yun Danielle,”sabay turo niya sa babaeng kakalabas lang sa comfort room, “you should be more like that, para naman may magkagusto sayo.” May patawa-tawa pa siyang nalaman. Eh, lunorin ko kaya siya sa laway niya?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon