Chapter 6 - Malandi

8 0 0
                                    

Dumaan ang mga araw na iniiwasan ko si Kent at Gab. Madali lang naman yung kay Gab kasi magkalayo naman yung mga buildings namin, tapos di na siya sa bahay umuuwi dahil dumating na yung mommy at daddy niya from Europe. Pagdating kay Kent naman, medyo mahirap. Magkaklase kasi kami sa halos lahat ng subject. Pasalamat na rin ako kasi grounded ako, may excuse ako para di siya makausap after classes.

“Dani! Wait up!" Oh sh**. Si kent yun, tinatawag ako. Nagmadali ako sa lakad ko na halos napatakbo na ako. Sorry Kent, it’s not that I don’t want to talk to you, it’s just di pa ako ready makipagplastikan sayo at sabihing di ako nasaktan sa nangyaring pag-amin mo.

Pero, it seems like di tumalab ang pagbilis ko sa paglakad. Naabotan pa rin ako ni Kent. Hinablot niya ang braso ko at hinarap sa kanya. Humihingal-hingal pa siya, dahil na siguro sa pagtakbo niya at tumutulo ang kanyang pawis. Grabeh, ang gwapo pa niya pa talaga kahit pinapawis siya. At, gosh, ang bango pa!

“Are you avoiding me?” Tanong niya agad ng nahabol na niya ang kanyang hininga.

“Huh?” Yun lang ang nakaya kong isagot sa kanya.

“Danielle Lorraine Mirafuentes, are you avoiding me?” mariin niyang tanong sa akin.

“No kent, I’m grounded. I have to get home. The driver is already waiting for me sa parking lot. Kaya, I need to go. Sorry. Maybe we can talk next time.” At umalis na ako sa harapan niya. Sh**. Di baling magalit siya sa akin dahil sa pagtataray ko. I don’t care. Di naman niya ako mahal, so walang mawawala kung kamuhian niya ako.

2 months went by so fast. Matatapos na ang pagiging grounded ko, at mukhang nakalimutan na ni daddy ang issue sa condom na binili ko para sa bwisit na subject na yun. 2 months went by pero may kirot pa rin akong nararamdaman sa puso ko. Di ko na masyadong nakakausap si Gab pero panay pa rin ang texts niya sa akin, updates sa buhay niya. She was careful enough not to mention Kent’s name to me, pero alam ko naman na pumoporma na ang lalaking pinakagusto ko sa kanya. Di na ata kinaya pang hintayin hanggang matapos ang pagkaka-grounded ko. It’s no secret. But I know that my cousin and best friend will never betray me. She’s doing this for me. She’s making Kent fall for me instead. At dahil diyan, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.

At dahil, di na ako grounded, I decided to go shopping. May mabuti ring nagawa ang pagtigil ko sa paggala. Nakasave ako ng pera para pangshopping. Eh sino ba naman ang hindi makakasave kung ang buhay mo for two months is eskwelahan tapos bahay agad?

Habang naghahanap ako ng bandage skirt sa Forever 21, may nahagilap akong mukhang couple na naglalandian sa may mga accessories. Grabeh talaga, ang haliparot nung babae. Sinusuotan pa ng floral na headband yung lalaki tapos may pakurot-kurot pa sa pisngi ng lalaki. Kahit nandidiri ako sa nakita ko, I just can’t help but stare. Mas lumapit pa ako para mas Makita ang mga mukha nung naglalandian.

WRONG MOVE.

Alam mo yung masakit? Yung ang taong pinagkakatiwalaan mo ng sobra-sobra ay siya pa ang tatraydor sayo. Yung kadugo mo at kasangga mo na mula pagkabata, na pinagkatiwalaan mo para tulungan kang mabuo ulit ang puso mo, ay siya pa ang dudurog nito hanggang sa maging pulbura ito.

At bakit koi to nasabit? Yung couple na sobrang naka-PDA ay walang iba naman kundi si Gab at Kent. Dahan-dahan nalang akong umalis sa pinagtataguan ko, pero dahil na rin sa nakita ko, nawala ako sa ulirat ko. Nabangga ko lang ang isang table na may lamang mga bracelets at nahulog yun lahat sa sahig.

“Oh my, I’m so sorry.” Sabi ko sa staff na nakabantay malapit dun sabay pulot sa mga bracelet na nahulog.

“Dani?” –Gab.

Damn. Nakita pa nila ako. Pretend like you didn’t hear her Dani. Slowly stand up and run outside the store.

Pero bago pa ako nakatayo, nakita ko na sa harapan ko ang wedges na binigay ko pa kay Gab nung birthday niya sa harapan ko.

“Uh, hi bug! Long time no see J. Kent, hi.”

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon