Author's note:
Comments are very much welcome po! Thank youuuu :">At first, it was a closed mouth kiss. Pa-virgin effect din kami noh. Baka ano na lang ang sabihin kung may makakita sa amin dito. Haha. Pero everything changed when he started to lick my face. YES. YOU READ IT RIGHT. HE’S LICKING MY FACE. I didn’t know Kent was into this kind of stuff, pero who cares. THE Kent Reyes is kissing me right now – well, he’s actually licking me pero who cares? Pareho na yun.
“HOI! KADIRI KA DANI! GUMISING KA NGA. BASANG BASA KA NA SA LAWAY NI POTCHI OH! YAAKS!” Huh? Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at… WTH! Everything was a dream! And what’s worse, hindi si Kent ang kahalikan ko, kundi si Potchi,ang pug nang walanghiyang pinsan kong si Gabrielle! Masusuka na ata ako sa pandidiri. Kainis. Bad trip! Naputol na nga yung panaginip ko, in the worst possible way pa talaga ha!
Makaligo na nga. 7:00 AM pa naman kaya I still have 2 hours to prepare for my class today. Dapat magpaganda ang ate niyo kasi magkaklase kami ni Kent ngayon. Malay niyo, magkatotoo yung panaginip ko.
45 minutes din akong naligo. Kung hindi nga lang nagalit si Kuya sa kahihintay sa akin matapos maligo, hindi pa talaga ako matatapos. Aba’t babae ako. My hygiene is very important to me. Namili ako sa mga damit ko and I made sure to look sexy yet demure at the same time. Ito yung gustong-gusto ng mga lalaki eh. At dahil lalaki si Kent, gusto niya rin ito. I wore a black tube blouse paired with a cream sheer sleeveless top tapos kulay itim na bandage skirt which highlighted my curves. I chose to wear my nude ballet flats para na rin may touch of romance itong outfit ko at hindi ako magmukhang professional pokpok.
Tamang-tama lang ang dating ko sa school. Dapat hindi talaga ako ma-late. Model student kaya ako dito. Kahit medyo may pagkapilya ako, I manage to maintain a GPA high enough for me to be a dean’s lister.
Naupo na ako sa bandang likuran ng classroom namin, the exact chair na inuupoan ko every meeting, the exact position na inupuan ko sa panaginip ko. Nagsidatingan ang mga kaklase ko, pero si Kent, wala pa rin sa upuan niya. Saan na kaya yun. Hindi naman sana siya absent, sayang yung oras na inilaan ko sa pagpaganda kung wala siya noh!
Nagring na yung bell, hudyat na dapat na magsimula ang first period. Maya-maya lang ay dumating na si Prof. Hernandez. Agad-agad niyang ichineck ang attendance namin, at hanggang ngayon wala pa rin si Kent.
“Mirafuentes, Danielle.”
Saan na kaya si Kent. Gosh, ha, nagpapamiss ata yung lalaking iyon. Di naman niya kailangang mag-absent eh, mami-miss ko naman talaga siya. HAHA. Ang feeler ko talaga masyado.
“Mirafuentes? Is Ms. Mirafuentes absent?”
“Oy! Dani! Tinatawag na yung pangalan mo!” sundot ng isang kaklase ko sa akin.
“Huh? Ay, Sir present po!”
“Oh, sa susunod Ms. Mirafuentes, please pay attention when I’m checking the attendance.”
Shemay! Napahiya ako doon ha? Pero chin up pa rin ako, huwag pahalata na napahiya ka Dani. And at that moment, may kumatok sa pintuan ng classroom namin.
“good morning sir, Sorry I’m late. I had to take a new student to the clinic. Nagkanosebleed eh.”
“Okay lang yun Mr. Reyes, take your seat and don’t be late again, okay?” Ay ganun? Yun lang yung bilin niya? Tapos ako, di lang nakinig, napahiya na? Iba talaga tong si Prof. Hernandez oh, may pagka-bakla talaga.
Oh well, I don’t care. Basta dumating na sa tabi ko si Kent.
Natapos ang pagchicheck ng attendance si Prof. Hernandez, at nagsimula na siyang magdiscuss about morality. Parehong pareho sa panaginip ko.
“Psst. Dani.”
“Huh?” Napalingon ako sa tabi kong upuan kung saan nanggaling ang boses ng tumatawag sa akin. Gosh. Si Kent ang tumatawag sa akin. Is this it?
“Do you have a class after this period?” Pabulong niyang sabi habang busy namang nagsusulat si Prof. Hernandez sa white board.
“Ah, wala. Bakit?”
“Can we talk? Maybe have coffee na din?” Galing! Dream come true na ata ito!
“Sure. J” Nginitian ko lang siya. Of course noh, pahinhin effect ako niyan! Huwag pahalata na kinikilig. Haha! Pero sa kaloob-looban ko, tumatalon na ang puso ko sa kilig.
Grabeh, ito na ba talaga yun? Is my dream coming true? Magtatapat na ba si Kent sa akin? After being friends for more than 7 years, are we finally going to move to a whole new level?
Natapos na ang klase namin kay Prof. Hernandez. Dumiretso na kami ni Kent sa sasakyan niya at pumunta sa malapit na coffee shop ditto sa school namin. Di naman ito ang kauna-unahang beses na nakasakay ako sa sasakyan niya, pero this is the first time na kinikilig ako at kinakabahan at the same time habang kasama ko siyang nagda-drive.
Tahimik lang kami buong byahe at nang dumating na kami sa coffee shop, nag-order na siya ng maiinom namin. He ordered a frappe while tea yung sa akin. After nun, nabalot na naman ng katahimikan ang table namin. Akala ko ba may sasabihin siya.
“Ehem, uhm, may sasabihin ka sakin diba Kent?”
“Huh? Ay oo nga pala. Nakalimotan ko. Hehe. Sorry.”
Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Itong si Kent talaga, natataranta kapag ako na ang kasama.
“Okay lang yun. So ano yung sasabihin mo?”
“Ahm, kasi…”
“Hmm?” Oh gosh, ito na yun eh. Ito na talaga. Mag-iimprove na talaga ang love life ko. From non-existent to in a relationship!
“Ano, kasi, Dani, ay. Nakakahiya naman ito oh.” Napakamot nalang siya sa ulo niya at yumuko. Ay! Wa’g ka ng magpacute diyan Kent! Baka ano pa ang magawa ko sayo!
“Ano ka ba Kent.” Tumawa ako sa sinabi niya. “Mahihiya ka pa sakin, eh magkaibigan naman tayo.” At matapos ang date na ito, magsyota na tayo! Kaya wa’g ka nang mahiya! HAHAHA.
“Haha. Ay oo nga naman. Ehem!” Ihanda mo na ang sarili mo Dani, dahil after this, magkakaboyfriend ka na! Finally, after a long hard wait of 17 years! “Ano kasi, Dani, pwede bang ligawan – “
At hindi ko na siya pinatapos tulad nung sa panaginip ko! Pero, dahil mahinhin naman kasi daw ako, hindi ko siya hinalikan noh!
“Oo naman Kent! Bakit hindi noh! Matagal ko na ngang gustong marinig yang katagang iyan mula sa bibig mo eh!” Tumawa ako at hinampas ng malumanay ang likuran niya.
“Huh? Talaga? Single ba si Gabrielle? Yes! Palakad naman Dani oh!”
