Chapter 4 - Revelations

8 0 0
                                    

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naka-black dress lang ako tapos simple nude pumps. Enough na naman siguro ito para sa “family” dinner. Tsss. Wala talaga ako sa mood ngayon, pero kapag si papa na ang nagsabi na magdi-dinner kami sa labas, wala na talaga akong magagawa.

“Tayo na. You’re driving.” At inihagis ni Gab ang mga susi sa akin. Mabuti nalang nasalo ko ito.

“Tss. Broken hearted na yung tao, inaalila mo pa.”

“Shut up and drive.” At naupo na siya sa front seat. Aba’t feeling Rihanna din itong pinsan ko.

Nagdrive na ako patungo sa sinabing venue ni Gab. Nang nakarating na kami, agad din naman ako nakakita ng parking space.

Pumasok na kami ni Gab at medyo nawala na din yung pagkalungkot ko tungkol kay Kent. Ang ganda talaga dito sa Marco’s. Al fresco dining kasi, tapos bago ka pa makapasok sa restaurant talaga nila, dadaan ka pa sa isang butterfly sanctuary. May mga maliliit na lights na nakasabit sa mga puno, enough lang para mailawan ang path way. Kahit gabi na, dahil na rin sa maliliit na lights, makikita mo pa rin ang mga naggagandahang mga paru-paro.

Malapit na kami sa table na inereserve para sa amin sa restaurant, at nakikita ko na sila papa at mama na may kausap na mukhang executive na lalaki tapos isang babae na sopistikadang-sopistikada kung tingnan – ito na siguro yung bagong business partner ni papa tapos asawa niya. May lalaki ring nakapanglumbaba sa may kanan nung babae, mukhang naglalaro lang sa phone niya. Bored ata. Well, that makes the two of us.

“Good evening po, tito, tita.” Sabi ni Gab nang nakarating na kami sa table sabay halik sa pisngi ng mama at papa ko. I did the same but said nothing.

“Oh, bakit ngayon lang kayo ija?” tanong ng papa ko.

“Ah, medyo natagalan kasi itong si Dani tito,” sagot ni Gab. Tiningnan ako ng papa ko, at nagngising aso lang ako sa kanya.

“Okay. Well, let me introduce you to our dinner guests for tonight. This is Mr. Robert Anson and his wife, Felicity. ” Tumayo naman ang mag-asawa at nakipagkamay sa amin. “This is Danielle, my daughter and this is my niece, Gabriella, the daughter of my brother, Anthony.”

“Well, good looks certainly run in your blood Miguel,” sabi nung Mr. Anson nang nakaupo na kami. “By the way, this is my son, Juancho, but you can call him Cho.”

Tiningnan lang kami nung lalaki. Apparently his name is Juancho. I smirked as I thought of his name. What kind of name is that? Para namang ang ancient.

“Do you find something funny, Dani is it?”

Lumaki yung mata ko sa sinabi niya. Sh**. Sorry naman po. Sadyang ang weird lang talaga nung pangalan niya.

“Ah, wala.” Namula tuloy ako. Gosh! “Sorry.”

“Tsss.” At tinitigan niya lang ako ng masama. Grabeh, parang natawa lang naman ako. Kung makaasta, parang pinatay ko ang pusa niya.

“Cho, be nice.” Sabi nung mama niya sa kanya. Dahil dun, bumalik na sa phone niya ang kanyang atensyon.

***

Natapos na ang dinner pero panay pa rin ang pag-uusap ng mga matatanda. I’m bored already. Tss. Makapunta nga sa bar ditto.

Siniko ko na si Gab at tinuro ang liquor station ng restaurant. Madali namang nagets ni Gab ang ibig sabihin ko kaya nagpaalam na agad kami kina mama. My parents don’t have a problem with us drinking. Alam naman nilang di kami nagpapasobra ng inom.

Nag-order kami agad ng maiinom. Mabuti na rin ito para makapag-usap na kami ni Gab tungkol sa plano naming. Pero I was wrong.

“Grabeh bug, ang gwapong nung Cho noh?!?! Pero parang masungit eh.”

“Huh? Well, I don’t care. Solid Kent ako ditto.”

“Kent ka nalang ng Kent. Eh di ka naman type nung tao.”

“Aba’t! Porket ikaw yung gusto ng tao, ginaganyan mo na ako ha. Ang sakit sa puso.”

“OA ka lang. Sh**. Papunta yung Cho ditto! Do I look okay? Breath check bug! Dali!”

Grabeh naman ito makapag-react tong si Gab. Oo, gwapo nga yung cho. Matangos yung ilong niya, may pagkasingkit ang mga mata, siguro may lahing intsik sila, makinis yung balat na parang nahiya na talaga yung pimples na tumubo sa mukha niya, tapos, promise, yung lips niya, sobrang nakakainggit -- ang natural ng pagkapink. Impossible naman sigurong gumamit siya ng tinted lip balm or lipstick noh. Pero lamang parin ng isang paligo si Kent sa kanya noh.

“Hi Cho!” bati ni Gab nang nakarating na yung Cho sa may bar.

Tinanguan lang niya kami at umorder sa bar.

“Sungit. Akala mo naman kung sinong gwapo.”

“Gwapo naman talaga ako.”

“Huh?” inosenteng sabi ko.

“you said akala ko kung sinong gwapo ako, well, FYI miss, gwapo ako. You can’t deny that.”

“Sh**. Did I said that out loud?” tanong k okay Gab. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pag-inom ng drink niya. Ayaw ata niyang makisali sa pag-uusap namin ng Cho na ito.

“Whatever. By the way, you look familiar. Do I know you from somewhere?” – Cho.

Wow ha. From pointing out his good looks, ngayon he’s going to hit on me? Really? Juancho Anson, you’re a first class douchebag.

“Sorry, but gasgas na yang pickup line mo na yan, Mr. Anson. No, I haven’t met you in your dreams. Grabeh ha, if you’re going to hit on me, at least be more creative. Tsk.”

“Wow miss, ibang klase din yang confidence mo ha. I’m serious here. I think I’ve seen you somewhere.” Pinatong niya ang kanyang mga daliri sa kanyang labi at mukhang seryosong-seryoso na nag-iisip. Bigla nalang lumaki ang mga mata niya at I saw an evil grin form upon his face. What the hell is this guy thinking about.

“Really? You’re going to continue with that gasgas pickup line?”

“HAHAHA! WOW MISS, I’M NOT HITTING ON YOU! Alam ko na kung saan kita nakita! You’re that condom girl from the convenience store!”

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sh**! Napahiya ako doon ha. Pero, ang mas importante ay kung paano niya nalaman yung about sa condom. Ni hindi ko nga pinaalam kay Gab yun. Nakita niya kaya ako doon? Tiningnan ko siyang mabuti. And, boom! I remembered him now. Siya yung lalaking nakapulot sa condom na binili ko sa convenience store matapos itong mahulog sa kakamadali ko! Oh God! How can I be so unlucky in one day?

“What condom is he talking about Dani?” Natatawang tanong ni Gab sa akin.

“Yes, honey. What condom is Cho talking about Danielle Lorraine Mirafuentes?!”

Sh**. Of all people na makarinig sa usapan namin, si daddy pa! Lord, sana lamunin na ako ng lupa ngayon. Nag ngising aso lang ako kay daddy, pero di ata tumalab ang kacutean ko. Nanlilisik na ang mga singkit na mata ng daddy ko.

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon