Chapter 3 - Ewan

9 0 0
                                    

Alam niyo yung feeling na parang nagkastampede tapos nahulog yung puso mo, tapos nadaganan ng libo-libong tao? Yan – ganyan ang feeling ko ngayon.

Takte! Talaga lang ha, Kent?! Manhid k aba talaga? Di mo ba napapansin ang tanging kagandahan ko at sa pinsan ko pa ka nagkagusto? Bakit? Anong wala sakin at meron kay Gabrielle. Oo, maganda si Gab, morena, matangos ang ilong, natural na mapupula ang mga labi, at ultimate performer. Pero di hamak na mas maganda naman ako.

Nandito na ako sa kwarto ko ngayon, niyayakap ang paborito kong unan. Nag-absent na ako sa remaining classes ko kasi parang di ko yata maatim na Makita ang pagmumukha ni Kent at ng pinsan ko. Alam ko namang walang kasalanan si Gab kung nagkagusto si Kent sa kanya, pero, masakit talaga.

Lumipas ang isang oras ngunit iyak pa rin ako nang iyak. Mabuti na nga lang, wala sina papa sa bahay, kundi lagot ako. Mga magmistulang The Buzz ngayon sa kwarto ko sa kakatanong nila kung bakit ako umiiyak.

Nakatulog nalang ako nang hindi ko namamalayan. Alas kwatro na pala nang nagising ako. Di na ako nakakain ng lunch. As if naman may gana pa akong kumain after sa nangyari kanina. Tiningnan ko nalang ang cellphone ko at may 28 missed calls ditto at 30 messages.

15 missed calls galing kay mama, 5 missed calls naman galing kay Gab at sa kaibigan naming si Lianne, tapos 8 missed calls galing kay papa. Eh, sorry nalang sa inyo. Busy ako dito sa pagiging broken hearted noh.

Binasa ko ang mga messages. Karamihan ay galing sa mga number na di ko naman alam. Puro ‘hi’ at mga quotes lang ang laman naman. Hirap talaga kapag sikat. Tsk.

Pero parang kinirot ang dibdib ko nang nabasa ko ang pangalan ni Kent. Oo, nagtext siya.

Hey. Hope you’re fine na. Sorry talaga sa abala Dani. Gustong-gusto ko na talaga kasi yang si Gab kahit noong grade school pa tayo. Pero parang ang hirap niyang abutin eh. Kaya nga nagpapatulong na ako sayo. Don’t worry, kung mapapasagot natin si Gab, ililibre kita ng pagkain!

Ay P*T* NAMAN KENT. LIBRE? Ano ako? Di makaafford ng sarili kong pagkain?

Tinapon ko ang cellphone ko sa higaan ko at nagpuntang banyo. Maliligo na nga lang ako. Pag dumating sina papa, hihingi talaga akong pang-shopping. Depressed ako. Kung ayaw nila akong mamatay sa depression, they better give me money for shopping.

Bago pa ako makapasok nang tuluyan sa banyo, dumating na si Gab. Aaaah! Ikaw yung kontrabida sa love life ko eh!

“Hoy! GAgita! Kanina ka pa namin tinatawagan. BAkit ka nag-absent ha?”

“Huh? Ay, ano. Masama yung pakiramdam ko.”

“Anong masama ang pakiramdam mo?” SAbi ni Gab sabay hawak sa bandang noo ko. “Hindi ka naman mainit ah?” Napansin kong medyo malapit na yung mukha niya sa akin. Patay. Malalaman nito na umiyak ako kanina.

“Ay, nagkadiarrhea ako eh. Punta muna akong banyo Gab, natatae pa kasi ako!”

Papasok n asana ako ng banyo, nang nahila niya ang braso ko.

“Huwag kang sinungaling Dani. Umiyak ka noh? Anong nangyari sa inyo ni Kent? Nakita ko kayo kanina sa may coffee shop eh. Okay ka lang ba?”

Matapos niyang sabihin yun, di ko na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa sahig at humagulgol. Pilit naman akong tinatahan ni Gab. I just hate it when people ask me if I’m okay whenever something bad happens. Diyan ako mas nasasaktan eh. Para kasing napakawawa kong nilalang. Eh sa totoo naman. SA lahat pa ng magustuhan ng lalaking minamahal ko, ang best friend/pinsan ko pa.

“Anong ba ang nangyari Dan?” natanong ni Gab nung natapos na ako sa pag-iyak. Nandito na kami sa kama ko ngayon nakaupo habang sumusubo ng ice cream. Kaya love na love ko itong pinsan ko eh, kahit siya pa ang nagging dahilan sa pagguho ng lahat ng pangarap ko para sa love life ko. She knows me better than anyone else, and she’s the one I’m most comfortable sharing my problems to.

“Gab, ikaw yung gusto niya. Nagpapatulong pa nga siya sa akin para manligaw sayo.” At napahagulgol na naman ako. Grabeh, parang namatayan lang ako.

“What?!?! Ewww yaks Dani! Wag ka ngang magbiro!”

“Leche ka! Wag mo ngang ma-eww2x si Kent ko.” Sabay sapak ko na sa kanya. “At ano sa tingin mo? Nagbibiro ako? Umiiyak na nga ako dito na parang namatayan ako, tapos sinasabi mo pang nagbibiro ako?! Sometimes Gab, ang bobo mo.”

“Kung makapagsalita ka naman. Ouch ha.” Sabay hawak niya sa kanyang dibdib na parang nasasaktan. Ang OA talaga.

“Eh sa totoo naman eh.” Napatawa nalang ako sa pinsan ko. Maganda siya, sikat, pero minsan talaga, umieksena ang kabobohan niya. Pero kahit ganyan siya, mahal ko yan. Nakuha nga niyang mapatawa ako eh.

“Eeeee—“

Sinapak ko na siya bago pa niya ma-eeew2x niya naman ang pinakamamahal kong si Kent.

“Sabi ng wa’g mong ma-eww2x si kent eh!”

“Patapusin mo nga ako! Gaga ka! Ehem!”

“Huh? Ah. Okay. Hehe.” Nagpeace sign nalang ako sa kanya tapos ngumisi.

“Sabi ko, eeer! So ano na ang plano mo ngayon? Ayoko naman diyan kay Kent. No offense bug, pero di ko siya type eh.”

“Alam ko naman yun noh. Alam kong yung type mo, yung may pagka-beki!”

“Ay! Nanadya ka ba?”

“Eh, hindi. Hehe.”

“Dapat lang. Haha! So ano nga ang plano mo?”

“Ahm…” Napag-isipan ko na to kanina bago pa ako makatulog. Ang problema ko nalang ngayon ay kung papayag ba si Gab sa plano ko. Ngumiti nalang ako sa kanya tapos nagpacute.

“Ano? Sa ngiti mo pa lang, feeling ko dehado na ako eh. May pinaplano ka eh. At feeling ko, masama yan.”

“Hehe. Di naman noh! Ano. Kasi, Gab. Sagutin mo nalang si Kent kung manliligaw na siya sayo!”

“HOOOOI! ANO AKO? BOBO?!”

“Oo.”

“Ay! Anong klaseng pinsan ka!” Sinapak na niya ako. Totoo naman eh. May pagkabobo naman talaga siya. HAHAHA.

“Hehe. Please naman Gab oh. Just give me time. Of course, ikaw pa ang gusto niya ngayon. Pero, I’ll make sure na habang pinaplano namin ang pagco-“confess” niya sayo, I’ll make him like me. Tapos ‘pag kayo na, you don’t even have to be a good girlfriend to him. Just act as if you’re single.”

“Tapos ano?”

“Tapos, mafi-feel niya na hindi mo siya mahal. I’d be there to comfort him and then he’ll realize na mas bagay kaming dalawa kesa sa inyo.”

“Ah ganun? So in the end, ikaw lang ang manginginabang. SAbi ko na nga ba, dehado ako.”

“Eh! Ano ka ba, magiging boyfriend mo ang isa sa mga pinakasikat na players sa school natin, tapos of course, dahil magiging boyfriend mo siya, ILILIBRE ka niya sa lahat ng pagkaing gusto mo.” HA! Kakagat na itong si Gab. Magic word ata ang LIBRE para sa kanya. “Tapos, bakit? Ayaw mo bang sumaya ako? Ito lang makapagpasaya sa akin ngayon Gab. Kaya Please?” Nagpacute na ako. Bonus nay an para sure win na talaga ito.

“Tssss. Sige na nga. Basta ilibre mo rin ako ng pagkain!”

“Yes! I love you Bug!” niyakap ko na siya at akmang hahalikan ang pisngi niya.

“Yaks bug. Wag kang lumapit sa akin, may bahid pa ng luha at sipon yang mukha mo. Kadiri! Makaalis na nga dito. Tsk!”

“Alam mo, ikaw kung makapang-insulto,akala mo kung sinong maganda.”

“Eh maganda naman talaga ako! Haha! Oh sige, maligo ka na. We’re having a family dinner sa labas, kaya kanina ka pa namin tinatawagan. May bagong business partner yata si tito. We’re leaving in an hour kaya madali kang mag-ayos ha!”

“Huh? Okay!”

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon