[15] OBLIGATION? RESPONSIBILITY?

1K 24 6
  • Dedicated kay to those who still support HL :))
                                    

INAH SHANEISHA’S POV...

 

“have you heard the news? Wala na daw dito sa bansa si Travis. Ayon sa nabalitaan ko, nagfly-fly na daw siya papuntang ibang bansa last week. Grabehan lang no? Pero, mas nakakaawa si Inah, hahahaha. Iniwan na lang basta, nako.nako! karma yun nung malditang ‘yon. Ang sama-sama kasi ng ugali. Akala mo kung sino. Ayan tuloy, nagsawa sa kanya si Travis. Iniwan na lang siyang basta.”

 

Hindi ko alam kung bakit masyado parin akong apektado kahit noong isang linggo pa naman ako tinitira ng mga tao dito. Bakit ba ako apektado? Wala naman akong pakialam sa kanila ee. Mga bwiset sila!

Masyado lang akong nasasaktan. Dahil masyadong tama iyong mga sinasabi nila.

“sumosobra na talaga yang mga babaeng yan eh, makikita nila---”

 

“wag na Sam, ok lang.” Pigil ko kay Sammy noong akmang tatayo na siya at susugudin yung mga babaeng nagchichismisan sa kabilang table.

Tumingin sa akin si Sammy. “wag mo na lang silang intindihin. Wala lang magawa iyang mga malalanding yan. Nako! Kumukulo dugo ko sa kanila. Gusto kong kalbuhin ang mga babaeng yan. Badtrip!”

 

I just gave her a weak smile.

These past few days, wala ako sa sarili ko, aaminin ko yun. Wala akong lakas gumawa ng kahit ano, mas gusto kong magkulong sa kwarto ko. Kaya lang, kailangan ko paring pumasok, ayokong maiwan sa bahay, ayokong mapag-isa. Dahil sa tuwing nag-iisa ako, naaalala ko siya. Naaalala ko ang lahat tungkol sa aming dalawa. Masakit! Sobrang sakit. Mahal ko siya eh. Mahal na mahal ko siya.

Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Sammy. Saka ko lang narealize na tumutulo na naman pala ang mga luha ko.

“Bes, hindi lang naman si Travis ang lalaki sa mundo. May iba pang nagmamahal sayo. tumingin ka lang sa paligid mo *sob* andyan lang siya, hindi mo lang siya napapansin, pero lagi siyang andyan sa tabi mo.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sammy. Sino ang tinutukoy niya?

“sino?” tanong ko bigla, tapos, tumingin ako sa kanya. Pinahid niya ang luhang pumatak mula sa mata niya. Tapos, nginitian niya ako, pero hindi iyon umabot hanggang sa mata niya.

H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon