[6] IT'S THE END... WHERE "THEY" BEGIN... >PART 2<

1.2K 47 32
                                    

dedicated sa aking sisterette na kahit busy sa kanyang stories ay nagagawa pading basahin ang story ko na to.. hohoho..

eto na sis ^O^ tumino na ang jutaks ni watty, pinagpost niya na ako ng story.. hihi

*ok, babala.. magulo to.. nyahahaha, JOKE.. onti lang.. hehe, sana maappreciate niyo pdin siya ^O^

enjoy reading :)))

********************************************************************************************************

DAVE’S POV...

Pagpasok ko ng Bar, hinanap ko agad sina Isha...

Nakita ko siya, nakatayo sa harap ni Travis...

Habang...

May kahalikan itong babae...

Ewan ko, pero... nakaramdam akong sobrang galit... sobrang galit para sa Bestfriend ko...

Dali-dali kong nilapitan si Isha... agad ko siyang hinigit at niyakap, hilam na ang mukha niya sa luha... at iyon ang bagay na nananakit sa akin ngayon, ayoko siyang makitang umiiyak, ayoko siyang makitang nasasaktan, hindi ko kaya... mas gugustuhin ko pang ako ang sumambot lahat ng sakit na pwede niyang maramdaman kesa siya... masyado ko siyang mahal, masyado ko siyang mahal para hayaan siyang masaktan...

“TRAVIS... GAGO KA TALAGA!” galit na sabi ko sa kanya.. gusto ko siyang sapokin, gusto ko siyang bugbugin, hindi ako nagparaya at nagtiis para lang ganituhin niya si Isha, para lang saktan si Isha... napaka’Gago niya... sobrang galit ang nararamdaman ko para sa kanya...

“we’re even now..” saad naman ni Travis...

Lalong nag’init ang ulo ko, ano bang pinagsasasabi ng Gagong to... masyado na siyang lasing, anong pakana niya sa buhay.. katig-kati na ang kamao ko sa kanya, gustong guto ko na siyang sapukin.. kaya lang, bestfriend ko pa din siya...

At siya padin ang mahal ni Isha...

Hinila ko na si Isha..

Tahimik lang siyang nasunod sa akin habang patuloy pading umiiyak...

Nadudurog ang puso ko habang naririnig ko ang bawat hikbi niya, kung pwede lang na akuin ko lahat ng sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na, para hindi niya nararamdaman yan ngayon, para hindi ko siya nakikitang nasasaktan ng ganyan ngayon...

Pagdating namin sa may parking lot... binitawan niya yung kamay ko na nakahawak sa kanya... umupo siya at saka iniiyak lalo ang nararamdaman niyang sakit...

Seeing her right now, it was as if there’s a knife that went through my heart...

Hindi ako sanay Makita ang isang Inah Shaneisha Heimz sa ganitong kalagayan, hopeless, helpless, betrayed, and crying herself to death... hindi ko maiwasang isumpa si Travis sa ginawa niyang iyon, kung may nagawa mang kasalanan si Isha, kailangan bang maging ganun kabrutal ang pag’ganti niya.. kailangan bang masaktan niya ng ganito si Isha...??

Kung mahal niya si Isha, hindi niya gagawin o iisipin na saktan ito makaganti lang sa naging kasalanan nito sa kanya...

3 years... 3 years nilang minahal ang isa’t isa, ng dahil sa isang kasalanan... magiging ganun agad ang ganti niya kay Isha??

Pinagsisisihan ko na ipinagparaya ko siya.... pinagsisisihan kong nagparaya ako para sag ago kong bestfriend...

Kasalanan ko din siguro, kung hindi ko sana siya dinala dito... HINDI SIYA MASASAKTAN NG GANITO...

H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon