2. Liza Soberano!

17 1 0
                                    

Cif's POV

Hi na namn sa inyo! ang energetic ko ngayon kasi aalis na kami ni azazel, binubuksan na nya ngayon ang lagusan para maka punta na kami sa mundo ng mga mortal.

At naka full on winter clothes talaga sya! Talo pako! May pa fur-fur pa sya sa boots! Talagang tinalbugan ako ah. Hahaha. Pero okay lng, mabait ako ngayon eh! Hahaha

*Whooooooooooosh!*

"Your highness! bukas na po ang lagusan!" Exaggerated namn tong si azazel, mukhang sya pa yung excited eh! Maitulak nga sya. Hahaha. Ang sama ko nuh? Malamang im LUCIFER!! Hahaha!

"Araaay namn your highness, bat kaba nanunulak?" Iritadong tanong nya sakin, aba-aba mukhang nakakalimutan yata nya kong sino ako? Hahaha. Ma sampolan nga ito ng talent ko!

"WANNA DIE AZAZEL!?" Sabi ko sabay transform sa demon form ko. Hahaha. Nagulat yata sya mukhang na namumutla pa sya kawawa namn si Azazel! Hahaha.

"Sabi ko nga your highness, kayo na ang mauna baka kasi andyan yung crush nyo baka ma turn off pag ako yung nakita. Hehe." Sabi nya tapos nag peace sign lng sya. Loko talaga.

———————————————————

Axel's POV

Hi sa inyo, kung sino man kayo hello! Hehe. Ako si Azazel, axel for short.  Ako lng namn ang Commander General ng mga demons dun sa hell, ako yung nag co-command sa kanila kung anu yung gagawin.  At ako din ang PINAKA GWAPONG Secretary ni master Cif! Alam nyo ba na mag kasing GWAPO lng kami ni master cif? Lamang nga lang ako ng kunti sa kanya. Hahahaha. *Wiiiiiiink*

Uyyy! Secret lng natin yun ah? Wag nyong sabihin kay Master Cif malalagot ako dun, baka ipakain ako sa mga alaga nyang dragon dun sa hell. Haha

Sayang namn ang ka gwapohan ko kung ipapakain lng ako sa mga dragon dba? kaya secret lng, total friends na tayo paki vote nyo namn yung story namin at paki share nadin sa mga friends nyo. Im sure magu-gustohan din nila yung story namin.

Hehehe. Sorry! Nawala ako bigla, na carried a way lng ako sa excitement.

Excited na kasi akong makita si lilly collins eh! Crush na crush ko kasi yun! Parang gusto ko siyang anakan! Syempre joke lng yun! Malalagot ako kay master Cif kapag hindi ako nag focus sa pag bukas ng lagusang to, kung anu-anu kasi yung iniisip ko. Hehehe.

"Anu azazel matagal pa ba yan? Nababagot nako sa kakahintay nyan ah." Rinig kong bulyaw ni master cif sakin.

Oo master kuting tiis nalng makikita na natin si liza soberano!

Hanuuuuuraw!? Bat sya yung naisip kong isipin pahamak talaga itong iniisip ko, isipin nyo kaya yung iniisip ko? Isipin nyo yun kung maiisip nyo? Nakaka badtrip mag isip, napapa isip palng ako na nag iisip ay mas lalo nakong mapapaisip na isipin yung iniisip kong isipin. Sabi ko sa isip ko nalito tuloy ako. Hayst

PAKTAY! LAGOT! Bumukas na yung lagusan, siguradong mali yung nabuksan ko! PAKTAY AKO NITO KAY MASTER CIF!!!!!

"Your highness! Bukas na yung lagusan!" Sigaw ko sa kanya.

Bat ba kasi si Liza soberano yung inisip ko kanina?

Eh anu ba namn ang magagawa ko eh crush ko din si Liza Soberano at gusto ko rin siyang makita eh. Pero di pwedi to mali yung nabuksan kong lagusan, dapat kasi-

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko sa isip ko kasi namn itong si master cif tinulak ako.  Anu ba ang problema nya? Nag-iisip ako dito ng solusyon tapos itutulak nya ako? Grabi sya!

————————————————————

Naka pasuk na kami ng lagusan ni Master Cif at mukhang excited na excited talaga sya.  At ako namn nag dadasal na sana kunin na ako ni lord bago pa malaman ni master cif na nag kamali ako ng lagusang nabuksan, kasi kapag nalaman ni master cif na di ito america pati siguro buhok ko sa kili-kili sunog. Nakakatakot pa namn siyang magalit.

Nakalabas na kami ng lagusan, kinakabahan na ako sa magiging reaction ni master Cif. Huhuhu. Tulongan nyo namn ako??

"Azazel! Yes! Nasa america na tayo!" Sigaw ni Master Cif.  Wla na Lagot! Paktay na ako dito.

Ahh basta bahala na. "Oo nga your highness, tignan nyo dun may mortal mag tanong tayo." Pag sasang-ayun ko sa kanya.

Nag lalakad kami ngayon papunta dun sa mortal na nakita naming naka tayo dun malapit sa isang poste.

"Ahh kuya pweding mag tanong? Asan kami ngayon? At anung oras na po ba?" Tanong ko dun sa lalaki, mukhang naintindihan nya namn ako kasi tagalog yun, total wla namn kami sa america eh.

Pero nag taka ako bakit di sumagot yung lalaki? Pepe ba sya? Nag mukhang tanga namn ako dun.

Si master Cif namn naka tayo lng sa gilid ko na para bang may iniisip? Nako baka alam na nya na wla kami sa america, lagot nako dito.

"Whats up my men! Hows your spice life?!" Nagulat ako sa sinabi ni Master Cif, nako lagot nako dito nag e-english na sya. F*ck!

"Im good my men! How are you todays? Im bery bery glads to meets all of  you two! where are you going in this direction one direction my men?!" Mas nagulat ako sa sinabi ng lalaki.

Kaya siguro di sya sumagot ng ako yung nag tanong kasi di nya na iintindihan, englisero pala sya. Pahiya ako dun ah.

The Devil Is A Good Kisser (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon