5. College Freshmens!

13 1 0
                                    

Cif's POV

Nag re-ready na kami ngayon ni Azazel para pumasok sa school, kakatapos ko lng maligo tapos ako yung nag ready ng almusal namin, syempre nag upgrade na kami di na cup noddles, pancit canton namn. Chilimansi kasi yung favourite ko kaya bumili ako kanina sa tindahan, ay mali! Di ko pala binili to, inutang ko pala. Hahaha

"Master okay na ba yung almusal natin dyan? Nagugutom nako." Sabi ng mukong, tong si Azazel talaga pag pagkain yung usapan palaging nauuna yan sa lamisa, mapa talikod lng ako ng kunti naka upo na kaagad. Hayst

"Oo ito na luto na, kaya kumain na tayo tapos papasok na tayo sa school." Sabi ko habang hinahanda na ang pag kain sa lamisa.

"Master sa tingin mo kaya maraming mga maganda dun sa school natin?" Tanong nya habang punong puno yung bibig nya ng pagkain. Hayst wala talangang GMRC tong si Azazel.

"Oo namn! Marami dun nakita mo namn pag enroll natin na madami dung mga babae dba? Hahaha kaya kong ako sayo mag ayus ka ng mabuti para madaming mag kagusto sayo." Sabi ko sa kanya.

"Aba syempre master, siguro mag kakagulo dun pag nakita nila tayo mamaya. Hahaha" tawa kami ng tawa ni Azazel habang kumakain, pag katapos naming kumain ay umalis na kami ng appartment at sumakay sa jeep papuntang school.

Ang pangalan pala ng school namin ay St. Celestine University or SCU, ang kinukuha kong course ay Nursing, at kay Azazel namn ay Accounting.

Siguro nag tataka kayo paanu kami naging college eh di namn kami nakapag high school or elementary man lng? Syempre gumamit ako ng kapangyahiran para mapaniwala yung mga teacher at staff dun na naka graduate kami ng highschool. Hahaha.

Ang galing ko mag isip nu? Syempre kaya nga ako naging demon king eh! I have my ways on things. Hahaha

At ayun nakarating na din kami sa school, marami ng mga students ang nandito maraming lalaki at babae marami ding beki at mga tibo. Kagaya to ng mga napapanuod ko sa tv, totoo nga talaga yung mga napapanuod ko. Haha excited nako ma meet mga classmates ko.

"Kyaaaaaaaaaaaaah! Ang Gu-Gwapo nila!" Sigaw ng mga babaeng nadadaanan namin sa hallway. Totoo nga sabi ni Azazel, mag kakagulo talaga dito sa school syempre sa subrang Gwapo ko. Hahahaha

"Kuuuuuuya anakan moko! Mga sampo!" Rinig kong sabi nung isang babaeng mataba.

"Siguro mga models yan! Ang Gu-Gwapo nila!" Dag dag pa nung isa.

Ang ingay nila subra parang mabibingi nako sa mga tili nila hayst. Ganito ba talaga dito sa mundo ng mga mortal? Pag nakaka-kita sila ng Gwapong katulad ko ay nag titili'an sila? Hayst mahirap pala maging Gwapo dito sa mundo ng mga mortal.

"Mga Kuuuuuya anakan nyo ako!" Sabi ng babae.

"Kuuuuya ako din!" Dag dag pa nung isa.

"Gusto kong mag ka anak tayo ng madami!" At dumag-dag pa yung isa.

"Kahit isang kiss lng galing sa inyo, mabubuntis nako!" At yun yung pina ka matindi. Mabubuntis daw sya pag hinalikan namin sya? Haaanuuudaw!? Hahahaha.

"Girls, easy lng kayo? Mamaya ko na kayo aanakan at hahalikan, cuz right now we're going to our rooms kasi firstday of school ngayon ayaw naming malate eh. Hehe" sabi ni Azazel.

Aba aba? Akala talaga ni Azazel ay sya yung tinutukoy ng mga babae na gwapo? Hahaha ako yung tinutukoy ng mga babae kaya sorry nalng sya. Hahaha

At ayun nag simula na kaming mag lakad papunta sa mga classrooms namin.

"Master, dba sabi ko sa inyo mag kakagulo talaga sa school nato pag nakita nila tayo eh. Hahaha." Sabi ng mukong, which is totoo namn. Hahaha

"Oo nga eh, siguro ngayon lng sila naka kita ng lalaki na kasing Gwapo ko, Hahahaha." Sabi ko kay Azazel.

"Syempre ako din master Gwapo din ako kaya nagkakagulo silang lahat. Hahaha." Sagot ng mukong. Hahaha syempre idol nya ko kaya ginagaya nya ko sa pagiging gwapo. Pero syempre mas gwapo ako. Hahaha

"Tabi ka nga dyan! Ang panget-panget mo pa harang-harang ka sa daan!" Rinig kong sabi ng isang babae sa likoran ko, at tinulak nya ako ng bahagya kaya napa tigil ako.

"HAHAHAHA! Master panget ka daw sabi nung babaeng yun oh! HAHAHAHA!" Sabi ni Azazel habang tawa ng tawa dun sa sinabi ng babae.

"Tss! Do you wanna die Azazel?" Bulyaw ko.

Sa tanang buhay ko di pako nasabihan na panget ako.

Mag babayad yung babaeng yun sa sinabi nya sakin.

Ako panget? Baka si Azazel yun! Hayst lagot sakin yung nababaeng yun.

Pero may naramdaman ako kanina nung tinulak nya ko, kakaiba yung pakiramdam ko kanina, parang nakaka sense ako ng presence ng isang Angel.

Di kaya Angel yun? Pero paanu? At bakit dito? Guni guni ko lng siguro yun. Hayst

Pero lagot talaga sakin yung babaeng yun! Humanda sya! Tss

The Devil Is A Good Kisser (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon