Alexander's POV
Nasa plano ko talaga matutulog ako sa sofa pero dahil sa nakita kong kislap ng mga mata ng mga hinayupak na yun ay nagbago na ang isip ko.
Gising pa ako ng yumakap ako sa kanya pero ewan ko ba kung bakit naging komportable para sakin ang posisyon ay dahan dahan akonh nilamon ng antok ang huling naintindihan ko ay yun umayos ako ng higa at hindi niya ako paaalisin.
Grabe ang tuwa ko kaya ginawa ko ang laging ginagawa ko sa kanya kung natutulog kami, yung yumakap sa balakang niya habang yung ulo ko ay nasa tyan niya.
'I missed this'
Kinaumagahan maaga akong nagising dahil ang sarap ng tulog ko. Gusto kong magtatalon sa saya pero sa halip ay pumunta ako ng office ni dad at naghalungkat ng naluluto doon at bumalik para hintayin siyang magising.
Nilapag ko lang ang tray sa side table at humiga ulet sa tabi niya at pinakatitigan ang mukha niya.
Yung pilik mata niya. Ang Light brown niyang mata. Matangos niyang ilong. Ang magandang labi niya na nakakagigil at ang malashopao niyang pisngi. Sinusundot sundot ko pa ang pisngi niya.
Kaya napaigtad pa ako ng gumalaw siya. At lumitaw ang maganda niyang leeg.Syet ! Lumayo ka sakin hayup na temptation ka! Pero fudge.
Hindi. Aamuyin ko lang. Promise yan.
Andrea's POV.
Unti unti akong nagising ay may nakikita akong likod. Kaya napabaling ako sa tabi ko.
"Kyah! Ano ginagawa mo?" Igik ko ng may parang kinurot ang leeg ko.
"Nothing. Just marking you" sabay kindat nito at umupo. Anong ginawa niya ?
"Tara kain na tayo" masigla niyang sabi ay kinarga pa ako papunta sa mahabang sofa at may nilagay na tray na may fried rice. Hotdog. At hindi ko nanaman alam ang iba.
"Eto ay fruit salad. Dinamihan ko ang gatas para mas matamis, kagaya ko" nakangisi na sabi niya at kinuha ang kutsara kumiha doon
"Say aahh" alok niya.Ngumanga naman ako at sinubuan niya. Masarap niya siya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak
"Masarap"
"Alam ko" agad na sabi niya na sumeryoso bigla.
"Paano naman"
"Paborito mo yan" Ow. Paborito ko pala to. Kaya pala parang pamilyar yung pagkakrema ng gatas.
"Salamat" sagot ko at binaba ang hawak konh plato. Yayakapin ko sana siya dahil sa malaking malaking tulong niya sakin.
Minsan naiisip ko ano kaya ang buhay ko noon ?"Ano yan?" Tanong niya matapos kumain din nung salad
"Yayakapin kita, halika" masiglang sabi ko habang naka open arms sa kanya.
"Teka" kumain nanaman siya ng salad.
Ibababa ko na sana ang mga kamay ko ng agad siyang yumakap pero nagulat ako sa ginawa niya.
"Open you mouth" napa ha? Ako pero humalik siya sakin ng napakadiin at ramdam ko ang malambot na bagay na gumagala sa bibig ko.
Ang tamis. Nalalasahan ko rin ang krema ng salad muna sa kanya.
At dahan ng napapikit ang mata ko.
Alexander's POV.
Score ! Hahaha. Matapos ang halikan namin sempre ako ang tuwang tuwa. Pulang pula naman si andrea pero hindi na niya ako sinampal at ginantihan pa ang halik ko. San kapa?
"Ehem. I just want you to taste the cream" sabi ko at tumayo sasapakin ko muna sarili ko sa gilid dahil sa hindi ako makapagpigil
"Ah-Ga-Ganun. O-Okay" hihihi. Ang cute niyang magmadaling kumain.
"Dahan dahan lang marami ka pang oras" sabi ko at may kinuha sa mink ref niya.
"Inumin mo to pagkatapos" sabi ko at nilapag ang yakult sa mesa niya. Actually isa yun sa hinalo ko sa salad maliban sa allpurpose at evap. Kahit papaano malapit na sa paborito niya. Inaral ko lang din kasi yun. Honestly marunong akong mag timpla. Wag mo lang ako palutuin. Nanununog ako ng bahay.
"Salamat" sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain. Tumabi lang ako at tinignan ang nilagay ko sa leeg niya.
Hahahaha ano kaya reaksyon ng nga hunghang na yun kung makita nilang may kiss mark si andrea. Tss sana naman lubayan na nila ang asawa ko.
Dahil konting konti nalang makakasapak na ako. At wala akong pakialam kung anak ng doktor yung mga yun.
Nabwibwisit ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger
RomanceNaranasan mo na bang, yung feeling na may nakatingin sayo. Ako. Ngayon lang. At ang nakakagulat. Ang ganda niya. Isa siyang gwapong maganda. Sino lang ba ako para habul habulin niya. Maliban sa makapal na lens ng eyeglass ko ay wala na. Eto ang kwen...