[37]

63 4 0
                                    

Lance's POV


Naluluhang nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit
"Pano kita makakalimutan. Ikaw lang ang nag iisang naging kaibigan kong babae. Andrea"


Sobrang tuwa ko dahil sa wakas dininig ang panalangin ko.


"Pagpasensyahan mo na kung ngayon lang ako. Kritikal ang kondisyon ko ng inuwi ako ni mommy. Isa at kalahating taon akong nasa ospital. Nagdadalang tao din ako sa oras na yun kaya mas doble ang pag iingat sakin dahil sa kemikal na pumasok sa katawan ko"


Kwento niya habang yakap yakap ko parin. Nag iiyakan kami habang nakayakap sa isa't-isa.


"Tara dadalhin kita kay xander. Matagal ka na niyang hinihintay" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. 

Namayat si andrea at makahaba na ang buhok nito pero litaw na litaw parin ang angking ganda nito. Kung hindi ko lang kilala si xander ay niligawan ko na to.


"Kamusta na ang lagay niya ?" Tanong niya habang naglalakad kami


"He's doing better. Baka nga magiging maayos na siya dahil makikita kana niya"


"Nalaman ko ang kondisyon ni xander nung isang buwan kaso hindi ako pinayagan ni mommy"


"Yung baby mo pala?"


"Na kay daddy. Dalhin ko na daw lahat wag lang ang apo niya" parang natatawa niyang kwento. So 2 years old na ang baby nila. Nakakatuwa naman.


"Hindi naman siguro kayo hiwalay ni xander diba?" Paniniguro ko. Dahil sa kakaiyak ni xander noon ay laging niyang sinasabi na wag siyang hiwalayan ni andrea.


"Tulog ako ng nag file sila. Pero ng nalaman nilang buntis ako ay binawi din nila. Mabait naman sina mommy at daddy eh. Masyado lang nila akong mahal kaya kahit si xander ay hindi nakapalag"


Nasa harap na kami ng kwarto ni xander
"Pasok kana. Laging sa bintana ang tingin niya. Isang tanong isang sagot din kung magsalita siya." Paliwanag ko sa kanya. Tumango siya at yumakap ulet.


"Salamat dahil ilagaan mo ang asawa ko lance. Maraming salamat nakilala kita" maluha luha niyang sabi. Pinahid ko ang luha niya at ginulo ang buhok at nginuso ang pinto.


"Pasok kana. Hinihintay ka niya"


Binuksan ko ang pinto at nasa bintana nga ang tingin ni xander. Dahan dahang lumapit si andrea sa kama niya habang nakabantay lang ako sa may pinto.


"Xander??" Mahinahong tawag ni andrea.
Napaiktad ng bahagya si xander at dahan dahang lumingon sa kinatatayuan ni andrea.


At kitang kita ko pano kimislap ang mga mata niya at nagsimulang umiyak habang nakatingin lang kay andrea.


"H-Hindi naman to pa-panaginip na-nanaman di-diba?" Nahihirapang tanong ni xander habang dahan dahang inaabot ang mukha ni andrea. Hindi ko rin mapigilang maluha.


Sa wakas...


"Hindi mahal ko. Nandito ako para sunduin ka xander. Hinihintay na tayo ni baby sa sicily" nakangiting saad ni andrea at niyakap ng mahigpit si xander.


Bago ko isinara ang pinto ay nakita ko pang ngumiti sakin si xander habang patuloy na tumutulo ang luha sa kanyang mukha.


'Ok na. Magiging ok na ang lahat'


Thank god.  

Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon