Alexander's POV
Hindi ako mapakali habang kumakain kami sa isang mamahaling restaurant.
Dinig na dinig ko ang paghihiwa ko sa steak. Isali mo na rin ang kaba ng dibdib ko.
Kahit kasama ko ang mga magulang ko at ang asawa ko hindi pa rin mababago nun na hindi pa rin ako pinapatawad ni tito havier. Mas lalo na si tita.
Huhuhu maiiyak nanaman ako sa treatment nila.
Dahil kung gano kagalit si tito mas triple ang kay tita kahit hindi siya magsalita. Iba ang tingin niya sakin. Nanlilisik to sa inis.
Ni lunok hindi ko magawa, kung wala lang lagi sa tabi ko andrea ay baka binuburol na ako ngayon.
"Gusto ko to" nguso ni andrea sa isang menu doon na hindi ko magets.
"Excuse me" tawag ko sa waiter.
"Yan ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya, nakangiti naman siyang tumango sakin kaya napangiti din ako.
"Isa ni--"
"Anong halo ng ingredients niyan?" Putol ni tita sa sasabihin ko at mataray na tinignan ang waiter.
Mukhang natakot ang waiter dahil sa pahinto-hinto niyang pagsasalita.
"And a dried lobster for garn--"
"My bun. Please pick another one. Bawal ka sa lobster" sabad ni tito na nakatingin sa menu na hawak ni andrea. Yah katabi niya to.
"Pick this greeny one" sabay turo nito sa salad na pununo ng brocolli
"No way. Eto po gusto ko. Tanggalin niyo lang po ang mga seafood jan lalo na ang lobster. Thank you!" At isinara ang menu at malawak na nginitian ang mga magulang.
"Same old andreanne. Nako kumare etong anak mo na to. Ang talino! Nakalimo't na't lahat matalino parin" tuwang tuwa na kwento ni mommy kay tita. Totoo naman. Dahil kahit nalaman niyang anak mayaman siya ay nagsusulat parin to sa notebook at nagbabasa ng libro.
"Nako naman saan pa yan nag mana kung hindi sa ina" nakangiting sabi ni tita and playfully flip her hair.
"Maka mana naman to. Sa akin nag mana ng talino si andrea sweety" banat ni tito at nagkulitan na silang apat habang tahimik lang kami ni andrea na nakikinig.Ganyan sila kung mag usap parang hindi mafia o mayaman na tao.
"Nako kumpadre. Kung nakita mo lang ang mukha ni alex ng nakita si andrea na nakadress. Nako matatawa ka! Nadulas pero dahil mayabang ang hinayupak na to pasimpleng umupo na parang walang nangyari tinarayan pa ang andrea" siguro tatlong pulgada na ang habang ng nguso ko. Binubuking ako ng sarili kong ama! Waaaa!
"Tss. Pasalamat ka xander matalik kong kaibigan tong ama mo dahil hindi ako makakapayag na makasal ang unica hija ko!" sabi nito at pinagtataga ang salad. Nakakatakot si tito kung si andrea ang pag uusapan. Mas lalo na si tita. Woo ! Kung gagawin kong mga hayup kami ay sila yung lobo. At ako ang pusa
Pusa nga pala ang tawag sakin ni andrea minsan dahil kung makayakap ako wagas. Pake ko ba.
"Ay dad. Bukas pala may lakad ako kasama ang dalawa kong kaibigan" masayang kwento ni Andrea sa ama. Tumango to at binalingan si tita
"Matanda na ang anak mo sweety para pabantayan natin... let her enjoy" seryoso pero ngumiti rin kalaunan si tita.
"Honey wala namang boys diba ?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang natirang salad.
"Nope. Kami lang tatlo nina gale at primy" masayang saad niya. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain. Bukas na rin dadating si travis.
Sana malaman na niya ang kinaroroonan ng gunman.
KINABUKASAN
Umaga palang ay nakahanda na si andrea at bihis na bihis ng nagising ako.
Yeah dito na ako namamalagi sa room niya at dahil wala lang. Gusto ko siyang yakapin habang natutulog kami. Hmmmm... sasabihin ko ba to ? Tss. Gusto ko na siyang mabuntis
Agad kong sinampal ang sarili ko at napahiyaw sa sakit. Gulat namang napalingon sakin si andrea.
"Lah?! Wala namang lamok dito bat mo sinampal sarili mo?" Namimilog ang mata nitong tanong sakin na napatigil sa pag trensas sa isang bahagin ng buhok niya.
"Waaaalllaaaaaa.." mahabang sabi ko at nagtalukbong.
"Nga pala. Mga 10am alis na ako. Sa office nalang ni tito Carlo magkita. Pupunta rin sina dad. Ikaw na ang pumunta para satin ha?" Sabi niya at nagmamadaling ayusin ang sarili.Buti hindi litaw ang legs niya dahil naka pants naman to. Mabuti mabuti.
"Anong oras ka uuwi honey?" Antok kong tanong at tumayo sa higaan at hinila siya papunta sa kama.
"Mga 3?" Patanong pa talaga. Yumakap ako sa kanya at binagsak ang katawan namin sa kama. Ayoko siyang umalis. Kinakabahan ako lagi kung napapalayo siya sakin.
"Wag ka ng umalis honey!" Suyo ko at nakangusong yumakap sa kanya. Bahagya naman niya akong nilingon dahil patalikod akong yumakap sa kanya at pinalupot ang mga paa sa hita niya.
"Nag promise ako na mag shopping kami. Saglit lang naman kami eh." Sabi niya at pilit na kumakawala sa pagkakapalupot ko. No!
"Isa" ngumuso nalang ako dahil nag bilang na siya. Sign na yun para tumigil na ako dahil hindi na siya natutuwa. Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod sa kanya.Naramdaman ko namang umalis siya dahil sa pagsara ng pinto. Nakakapagtampo ! Ni hindi nagpaalam! Hmp!
Pero naisip ko. At napangisi... naka score na ako eh.
Hahahahahahaha. Hihintayin ko nalang kung may mabubuo. My god. I can't help but to smile. Sooner magiging daddy na ako at may tatawag na saking daddy. Yiieeee.
Nagsusuntok ako sa ere at masayang humiga at niyakap ang unan ng babaeng nag iisa lang sa puso ko.
At yun ay si Andreanne Sia Montero.
To death to us part. I will not leave you either you leave me.because I won't let you honey
I love you
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger
RomanceNaranasan mo na bang, yung feeling na may nakatingin sayo. Ako. Ngayon lang. At ang nakakagulat. Ang ganda niya. Isa siyang gwapong maganda. Sino lang ba ako para habul habulin niya. Maliban sa makapal na lens ng eyeglass ko ay wala na. Eto ang kwen...