🌸14: Naguguluhan Ako

4K 71 0
                                    

Fourteen,
Naguguluhan Ako

Fae

"Mahal din kita. Clayton."

Pagkasabi ko non, naramdaman ko syang nagulat at tiningnan ang aking mukha. Mukha syang baliw na hindi makapaniwala. Hindi sya makapagsalita. Todo kapa lang sya ng mukha ko.

Hinawakan ko naman ang kanyang mukha. "Miss na rin kita, Clayton," nalulungkot kong sabi.

Nakita ko namang may mga butil na tumutulo sa mata nya habang titig na titig sa akin. Pinahid ko iyon, at pinagmasdan siya.

"Clayton? Alam mo bang ang saya ko nang nakita kita? Akala ko hindi mo na ako pupuntahan. Inakala ko pababayaan mo nalang akong nagdudusa," sabi ko sa kanya habang may luhang namumuo sa aking mata.

"Clayton??? N-naririnig mo ba ako?"

Bigla nya naman akong niyakap ng mahigpit. Humagolhul ako, ganon din sya.

Miss na miss ko na sya. At ngayon nandito na sya sa harapan ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Natutuwa ako, akala ko hindi na nya ako matutunang mahalin. Himalang nandito sya sa harapan ko, kayakap ko at nagsabi na mahal nya din ako.

Kumuwala naman sya sa pagkayakap at muli akong tiningnan.

"B-buhay ka Fae. Hindi mo ako iniwan. Buhay kayo ng baby natin. Akala ko hindi na kita makikita! Ang saya ko."

Napangiti naman ako. "Tandaan mo Clayton. Kahit anong mangyari, andito lang ako palagi sa tabi mo, kami ng baby mo. Hindi ka namin iiwan. Ngayon pang nalaman kong mahal mo ako? Ngayon pang may halaga na kami sayo ng anak mo? Ngayon pang nagsisisi ka na?" masaya kong sabi at tumulo muli ang luha sa aking mata.

Pinahid nya ito. "Thanks God. Buhay ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sayo."

"Wag mong sisihin ang sarili mo okay."

"N-narinig mo ba sinabi ko? Ang mga sinasabi ko?"

Muli naman sumilay ang aking ngiti.

"Paano ko hindi maririnig kung gising naman ako?"

"What???"

Napatingin naman ako sa sumigaw. Si Khienh pala habang takip bibig pa.

"Is that true?" Tanong naman ni Anne.

"Pero, ang sabi ng doctor--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin Khienh.

"2 months na akong gising."

Nakita ko naman ang pagkagulat nila. Even si Clayton, ganon din.

"But--" 

Tinapat ko ang second finger ko sa bibig ni Clayton.

"Shhh, patapusin nyo muna ako."

Tumango naman sila. Kinuha ko na ang aking kamay.

"Nacomatose talaga ako, mga 2 months din. Pero nangg mag 3 months nagising ako. Tinanong ng doctor kung sasabihin nya ba daw sa inyo. I answered him that wag muna. Ayokong makita nyo kong hindi pa maayos ang paghinga. Nahihirapan ako noon. Narinig nyo ba ang mga sigaw ko? Then hindi ba obvious na nahihirapan ako? Yes, very. Kaya naisipan kong ilihim sa inyo. Nang nag 4 months na. Hindi ko natiis ang pangungulila sa inyo or should I say sayo," turo ko kay Clayton. Nakita kong namula sya. "Kaya sinabihan ko na ang doctor. Sana hindi kayo nagalit sa disesyon ko. Ginawa ko lang para hindi na kayo mag-alala," mahaba kong pahayag.

"Pero hindi tama yon. Alam mo bang nawawalan na kami ng pag-asa? 4 months had past. Alam mo bang nasisiraan na kami Ng utak? Kahit anong mangyari sayo nandito lang kami. Ganyan ka namin kamahal, Fae. Hindi ko maiwasan magalit sayo. Sobra sobra na ang pangungulila ko," nalulungkot na sabi ni Clayton.

The Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon