5: Nightmare

5.4K 108 2
                                    

Five,
Nightmare

Fae

Napamulat ako nang marinig ang huni ng ibon.

Teka... Nasaan ako? Bakit nakahiga ako sa damuhan?

Hindi ko naman natatandaan na pumunta ako dito... pero familiar ito.

Ang ganda ng paligid, magagandang kahoy, iba't ibang klase ng bulaklak at tirik na tirik ang haring araw.

Napangiti ako dahil sa nakita ko. Tiningnan ko ang aking damit. Namangha ako dahil sa ganda nito, kulay puting bistida.

Napag-isipan kong mag lakad-lakad. Hanggang sa di kalayuan may nakita akong babae at lalaking nakaupo.

Sumilay ang ngiti sa akin. Nilapitan ko sila, pero nang nasa harapan na ako, nagulat ako ng makita si Clayton at...

At ako na may dalang bata.

Wait! Patay na ba ako? Bakit ko nakikita ang kapalaran ko?

Gulong-gulo ang aking isip.

Biglang binigay ng babaeng kamukha ko ang bata sa lalaki. Hindi ko mawari pero parang tumambol ang puso ko.

Hindi nila ako nakikita sa harapan nila. Hindi ko naririnig ang boses nila na kahit idikit ko ang sarili ko.

Nasaan ba ako?

Nang biglang tumingin sa akin ang babae. Maputla sya, parang mamamatay na sya. Pero ang pinagtataka ko bakit kami magkamukha?

Nang ngumiti sya sa akin, pumikit ang babae at may luhang tumulo sa kanyang mata.

"Gumising ka na, Fae."

Ang huli kong narinig na nagmumula sa babaeng kamukha ko.

++---++

Nabalikwas ako ng bangon. Pinapawisan ako. Ang lakas ng tambol ng puso ko.

"Salamat! Nagising ka na din!" Maluhang sabi ni Khienh at niyakap ako.

Napatingin naman ako sa kanya, at pagkatapos sa higaan ko.

"N-nasaan ako?"

"Dinala ka namin sa ospital," boses ni Allen ang sumagot.

"A-akala ko, p-patay na ako."

"A-ate bakit hindi mo sinabing may sakit ka?"

So alam na pala nila. Nginitian ko sila. "Huwag nyo kong alalahanin. Salamat talaga at nadala nyo ko sa ospital," nalulungkot kong sabi. "Akala ko talaga, mamatay na ako."

Kumawala na sa pagkayakap sa akin si Khienh at umupo sa kam. Si Allen naman ay nakatitig pa rin sa akin ng serysoso.

Iniwas ko ang aking mga mata kay Allen. Nilalamot nya kasi ang mga mata ko. Pakiramdam ko nagwawala ang sistema ko.

"A-anong sabi ng doctor? Okay lang ba kalagayan ko? A-ang baby? Anong nangyari sa baby?"

Hindi naman sila kumibo.

What if... hindi ko mapanganak ang anak ko? What if... mamamatay ako at ang anak ko?

Pero anong ibig sabihin ng panaginip ko? Yon ba talaga ang aking kapalaran?

"A-ate... A-ate k-kasi, sabi n-ng--"

"10 months... 10 months na lang ang buhay mo, Fae."

Napatulala ako.

10 months?
10 months?
10 MONTHS?

Tumulo ang luha ko.

Pero kahit ganon, napangiti ako. 10 months? 10 months? Siguro may kaunting panahon pa akong bantayan at agalagan ang anghel ko. Akala ko hindi na ako aabot.

"Hahahaha... A-ang i-iksi n-nalang ng b-buhay ko," tumatawa ako habang lumuluha pa rin.

Yayakapin ko na sana sya nang makita ko ang nakakabit saking kamay.

Ngumoso naman ako at pinunasan ang luha. "K-kailan d-daw a-ako m-makakalabas dito? G-gusto ko nang u-umuwi g-gutom n-na ako."

"Dinalhan ka namin ng pagkain, Fae."

Napatingin ako kay Allen. Lumapit sya sa akin at pinunasan ang luha ko.

How I wish, na sana si Allen na lang ang nakilala ko.

Pero! Hindi eh! Napunta ako sa isang lalaking manhid pa sa bato.

Kumusta kaya sya. Hinahanap kaya nya ako?

Ngumiti ako kay Allen at hinawakan Ang kanyang kamay. "Ilang araw ba ako nandito?" Tanong ko kay Allen.

"5 weeks."

"What?!! 5 weeks akong natulog? Siguro mabaho na ako. Okay na naman ako kaya umuwi nalang tayo please."

"Pero hindi pa pwede," sabi ni Khienh.

"Allen please," puppy eyes ko kay Allen.

Namula naman sya. Ayy ang cute nya. At dahil na ang cute nya. Pinisil ko ang dalawang pisngi nya.

"Aray!!! Tama na.mm Fae!!! Ano ba," hiyaw ni Allen.

"Pfff... Hahahahhaah," natatawang sabi ni Khienh.

"Ang cute cute mo kasi eh. Ginigigil mo si ako," natutuwa kong sabi at napangiti.

Inalis naman ni Allen ang kamay ko at pinitik nya ang noo ko.

"Aray! Bakit mo yon ginawa?" Pout kong sabi. "Ang sakit kaya."

"May sakit kaba talaga? Kung makapanggigil ka parang ang sigla sigla mo pa."

"Oo nga ate."

"Gusto ko munag sumaya. Gusto ko munang hindi isipin ang lahat ng sakit. Gusto kong makalimot, tsaka hindi nyo ba gusto?"

"Siyempre ate gusto namin kahit limang araw lang tayo nagkasama . Pakiramdam ko ang gaan-gaan ng loob ko sayo. Ate wag mo kaming iwan ah! Ate magpatatag ka. Kung ano mang nangyari sayo ng iyong asawa. Sapat na sa akin na malamang nagsacrifice ka. "

"Hindi ko mapapangako yan. Dahil 10 months na lang... ang natitirang buhay ko. Kaya pakiusapan mo na ang doctor Khienh at Allen na lalabas na tayo dito. Para saan ang pamamalagi ko dito kung mamamatay naman ako? Kaya susulitin ko na ang buhay kong makasama kayo."

"Sabagay... Pero pupunta pa rin tayo dito tuwing sabado para magpacheck-up. At wag na wag mong kalimutan ang gamot mo ahn" papangaral na sabi ni Allen. Hindi ko mapigilang mapangiti.

Ang sweet naman nya. Walang-wala si Clayton sa kanya. Ang swerte siguro ng babaeng seseryosohin nya.

"Yes sir," sabi ko at nagsalut sa kanya.

"Hahhahahhaha. Ang sweet nyo talaga. Bagay-- Este, ang cute nyo."

"Hindi kami ason" sabay naming sabi ni Allen.

Napahawak naman si Khienh sa kanyang tyan...

Kaso... Nararamdaman ko na naman ang pagkahilo. Sumandal ako sa katawan ni Allen. Hinawakan ko ang aking ulo.

"Ahhhh.... Ang sakit! Ang sakit...!!!" Sigaw ko habang sinabunutan ang aking buhok.
Ang sakit na naman ng ulo. Ang sakit, parang mawawalan ako ng hininga sa sakit.

Dali-daling tumayo si Khienh at nag-aalalang tumingin sa akin. "Tatatawagan ko ang doctor ate," at lumabas.

Niyakap naman ako ni Allen. "Please huminahon ka Fae, dadating din Ang doctor," sabi ni Allen.

Nakahinga naman ako ng maluwag at tiningnan sya. Pero bigla akong nagulat ng si Clayton ang nakita ko sa mukha nya.

"Clayton?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

🌸

The Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon