8: I'm The Reason

5.2K 99 0
                                    

Eight,
I'm The Reason

Anne

Ang manhid niya!!! Ang manhid manhid niya na hindi ako napansin kahit ginawa ko na ang lahat. Lahat lahat binuhus ko na, lahat ginawa ko na! Ganon ko kasi siya kamahal! Ganon ko sya kamahal na kaya kong magpakatanga.

Mahal ko sya higit sa melyong-melyong perang natatanggap ko. Mahal ko siya higit pa sa mga magulang ko. Mahal ko siya higit sa pa sa kuya ko. Mahal na mahal ko sya higit pa sa buhay ko.

Tanga na kung tanga! Ganyan naman talaga kapag mahal mo ang isang taong hindi ka kayang mahalin dahil nga kapatid lang ang turing niya sa akin.

Oo, tinago ko sa kaniya. Oo, hindi ko sinabi sa kaniya na mula pa noong bata pa kami mahal ko na siya.

Natatakot kasi akong iwasan niya ako, natatakot akong mareject niya. Pero mas masakit palang marinig sa kaniya ang katotohanang hindi ako ang mahal niya, kundi si Ate Fae.

Ano bang meron siya, na wala ako?
Ano bang meron siya, na hindi ko kayang ibigay?
Ano bang meron kay Ate Fae at hindi ako kayang mahalin ni Allen?

Ang sakit eh! Ang sakita Para akong mawawala sa sarili. Bakit ba ang swerte ni Ate Fae? Mahal sya ng taong mahal ko na hindi ako mahal.

Nakaramdam na ako ng saya noong natulala sya at gumulo ang kanyang isip sa aking sinabi pero nawala ang saya ko ng lumabas ang doctor na tinulaktulak ang nakahigang si Fae.

Noong nakita ni Allen si Ate Fae soon bumuhos ang luha ko. Ganon lang ba yon? Para akong tanga dito. Sinabi ko na nga pero ng makita niya si Ate Fae parang nawala lahat parang hindi nag-eexist ang mga sinabi ko.

Siguro ito na ang karma ng ginawa ko. Karmang ginawa ko! Ako lang naman ang puno at dulo! Ako dapat ang sisihin. Ako dapat! At hindi si kuya Clayton. Hindi siya ang dapat sisihin kundi ako!

Kasi ako ang dahilan.

Flashback

3 years ago.

"Anne! Anne!!!" Tawag sa akin ni Allen.

Napatingin naman ako sa kaniya. "Oh bakit, Allen?" Tanong ko sa kaniya.

Andito kami sa viranda. Nakaupo ako sa upuan habang may round table sa aking harapan. Lumapit naman si Allen at umupo. Magkaharap kami.

Masaya yata si Allen ngayon? Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

Nang nagtama ang aming mata, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may nagsasayawang paru-paru sa tiyan ko. Kapag nasa malapitan or magkatagpo ang aming mata hindi ko alam ang aking gagawin.

"Anne! Magpapakasal na kami ni Fae," maligayang sabi ni Allen.

Para akong nabagsakan ng langit at lupa. Nakatulala ako. Biglang tumigil ang oras ng sinabi nya yon.

"Magpapakasal na kami ni Fae."
"Magpapakasal na kami ni Fae."
"Magpapakasal na kami ni Fae."

Ang paulit-ulit na tumatak as utak ko. Gustong-gusto ko ng umiyak at magmakaawang wag syang magpakasal pero hindi ko magawa dahil ayaw kong magalit siya sa akin. Imbis na gawin ko yon, ngumiti na lang ako ng pilit.

"P-pero diba, n-nasa Manila na s-si F-fae?" Nauutal kong tanong.

"Oo, pero napag-usapan ng pamilya ni Fae at pamilya ko na ipaarrange marriage kami. Uuwi sya dito sa BOGO City at dito magdiriwang ng 18th birthday niya at sa oras na yon doon din iaanounce ang kasal namin."

Bumagsak naman ang balikat ko. Dito na lang ba talaga ako? Aasa na naman ba ako? Magiging tanga na naman ako?

Hindi ko alam pero nasabi ko ang mga salitang hindi ko akalaning masasabi ko.

"Paano kong irereject ka niya? Paano kung hindi ka nya mahal? Masasaktan ka lang. So better stop it! Alam kong ikaw ang humiling nito ni Tito Fred(Fiona's father) na pakasalan si Ate Fae".

"Ano bang sinasabi mo Anne! Hindi ka ba masaya para sa kuya Allen mo na ikakasal na sa babaeng mahal niya???"

Kuya? Kuya??? So that means kapatid lang ang turing nya sa akin. All this time, kapatid lang pala ako para sa kanya.

"O-oo naman masaya ako pero inaalala ko lang ang nararamdaman mo. Alam mo namang the more you hate the more you love diba? May gusto si kuya Clayton kay Ate Fae habang si Ate Fae may gusto kay Kuya Clayton," pagsusumamo ko.

Mukha naman syang naniwala at biglang na lang may takot ang kanyang mata at sakit.

Napangiti ako ng kubum. Ganyan! Ganyan nga. Hindi naman talaga gusto ni kuya Clayton si ate Fae eh! May girlfriend na kaya si kuya at alam kong mahal nya ito pero anong magagawa ko? Sinabi ko na eh.

Bigla naman syang tumayo, tumalikod at tumakbo ng mabilis. Gusto ko syang habulin, gusto kong bawiin ang kasinungaling sinabi ko pero hindi ko magawa. Ayoko kong magalit sya sa akin. Hindi ko kaya.

Kaya nang saktong pagkaalis ni Allen, nakita ko namang palapit si kuya Clayton kaya nagdrama akong umiiyak.

Nakita naman ako ni kuya dahil nilapitan niya ako. Yumakap ako sa kanya at humagulhol.

"Princess, what is going on?" Concerned na tanong ni kuya Clayton.

Mas lalo akong umiyak. Kumuwala Naman ako sa pagkakayakap sa kanya at lumuhod. "K-kuya, please help me."

"Ano yon Princess? Sabihin mo at gagawin ko. Kinakabahan ako sayo eh."

"Talaga kuya?!" Nagdiwang ang aking loob.

"Yes, anything. Basta wag lang umiyak ang Prinsesa ko."

Napangiti ako at tumayo. "Magmakaawa kang hindi pakasalan ni Allen si ate Fae dahil mahal nyo ang isa't Isa. Sabihin mong ikaw na lang ang magpakasal kay Fae. Sabihin mong mahal na mahal mo si Fae ipakasal siya sa iyo," ang wala sa sarili kong Sabi.

Nagulat si kuya. "What?!!! Are you crazy?!!!"

Nagalit naman ako sa kanya. "Oo baliw na ako!!! Baliw na baliw na ako sa pagmamahal kay Allen!"

"Princess, alam mo namang hindi ko sya gusto. Alam mo namang ayaw kong magpakasal sa babaeng yon dahil si Thanya ang babaeng mahal ko at papakasalan ko."

"S-sabi mo kaya mong gawin lahat," tumulo ang luha ko. "Please kuya! Please. Nagmamakaawa ako please sabihin mo kay Allen na ikaw nalang ang magpakasal kay Fae. Magpapakasal ako kuya pag nagpakasal sila," pananakot ko.

"P-princess, I'm so--"

Hindi ko na pinataas ang sasabihin ni kuya dahil may nahagip akong kutsilyo sa lamisa at tinutok ko ito sa leeg ko. "S-sige ituloy mo kuya. Dahil mamatayan ka ng kapatid," sabi ko at didiinan na sana sa leeg ang kutsilyo ng pinigilan ako ni kuya at nagsabing,

"Stop. I will do it."

End of Flashback

Oo ako na ang baliw, tanga, selfish. Bakit? Mali bang mahalin siya ng ganito?! Ganito ko siya kamahal na kaya kong maging baliw para sa kanya pero nasasayang pala ang lahat ng effort ko kasi kahit ikinasal na sila ate Fae at kuya Clayton, hanggang ngayon hindi niya pa rin ako mahal.

🌸

The Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon