🌸15: Makakaya Ko Ba?

3.4K 77 2
                                    

Fifteen,
Makakaya Ko Ba?

Clayton

Nang akoy nakalabas sa ICU, dali-dali akong naglakad papuntang labas. Ayoko kasing may makarinig na ibang tao, lalo na sina Fae, Allen, Anne, at Khienh. Nararamadaman ko kasing parang may mangyayari, dahil tumatawag lang pamilya ko kapag may importante.

Alam na ba nila ang nangyari kay Fae? Sana naman hindi, may pakiramdam kasi akong hindi maganda. 

Nang nakalabas na ako sa hospital, pumasok ako sa kotse ko. Doon ko lang pinindot ang accept.

"H-hello?"

(Son,? Ikaw ba Yan?) - my mother Valerie Enriquez

"Y-yes, mom. B-bakit kayo napatawag?"

(Kinakamusta ka lang namin ng daddy Clayron mo, at may gusto rin kaming malaman.)

Naginginig ako, Hindi ako makapagsalita. Alam na kaya nila? 

(Son? Are you still there?)

Hindi ako makasagot. Puno ng kilabot ang nararamdaman ko. Paano kung nakarating din sa papa ni Fae? Anong gagawin nya? 

"Y-yes mom, I'm still here. Can I talk to dad?"

(Sure, oh ito ibibigay ko na sa daddy mo. Kayo na lang mag-usap. Lalaki sa lalaki. Magdidilig lang ako ng mga flowers natin sa baba.)

"Okay mom, I love you."

(Love you too, son. I miss you.)

"Miss you too Mom"

(Son!!!)-My father Clayron Enriquez

"D-dad?"

(Totoo bang sinasaktan mo raw si fae? Totoo bang may sakit si Fae? Totoo bang may iba kang babae? Ha? Tell me son! Now!!! At nabalitaan ko ring nag-aagaw buhay si Fae?!!!)

Lumakas tibok ng puso ko, pinagpapawisan ako. Pinipigilan ko ang sarili na umiyak ngunit ngayon, tumulo na talaga ang luha ko. Alam na nga nila.

(Tell me now son. Siguro totoo no? Bakit mo yon ginawa? Wala baman kaming pagkukulang sayo diba? Sana nagpadivorce na lang kayo, kung ganun man, kung sasaktan mo lang naman pala siya!!! Hindi kita tinuruan maging ganyan Clayton. Mabait kang bata, hindi ka katulad sa half brother no na jerk, walang pinag-aralan, bastardo, mabisyo. Maraming babae. Pero nagkamali ako, mas gago ka pala kay Clinton!!! Anak ko ba talaga kayo? Bakit hindi kayo nagmana sa akin? Ipa-divorce mo na yan, kung hindi mo mahal si Fae!! Kasi kapag nalaman ni Fred na ang kanyang unica ija ay binaboy mo, baka sya na ang gumawa ng paraan upang maghiwalay kayo!!!)

Nahulog ko ang aking cellphone. Tinadyakan ko ang aking kotse. Galit na galit ako, habang tumutulo ang luha ko. 

Now?!! Just what the fuck did I do to my life?!

Hindi ko kayang magdivorce kami ni Fae!!! Ngayon pang mahal ko na sya? I love my wife and my baby! Hindi ko kayang mawala sila!!!

Kinuha ko ang aking cellphone at nilagay sa tenga ko.

(Bakit mo binagsak ang cellphone mo? Hindi ka naman ganyan Clayton!!! What is wrong with you?)

"Wala. Wala ng mali sa akin ngayon. Nagbago na ako, Dad. Nabalik na si Clayton na ginusto Mo. Dad please wag nyo naman kami ipadivorce. Mahal ko 'ho sya. At ang magiging baby namin," nagmamakaawa kong sabi.

(What??? Buntis si Fae????)

"Y-yes, Dad."

(Tas nagawa mo syang ipagpalit kay Thanya? Akala mo hindi ko malalaman?!!! Anne. Your sister told me. Lahat, kung anong ginagawa mo dyan -- all the details pero hindi nya sinabing nabuntis mo si Fae!!!)

"What?!! Anne told you?"

(Oo, inutusan ko sya. Akala ko hindi totoo ang mga sinabi ng kapatid mo. Pero now!!! Now I know that your sister was saying the truth! Kung minahal mo talaga sya, why did you choose Thanya?)

"Naging indenial pa kasi ako noon. I thought na si Thanya talaga ang mahal ko. Pero mali pala ako. Dahil minahal ko na pala si Fae."

(Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kay Fred. Alam mo naman kung gaano nya kamahal ang anak nya. Sa oras na malaman nya ito, hindi na kita matutulungan. Ikaw ang nagkamali. Dapat ikaw ang magtama.)

"Pero dad--"

(Sa oras na malaman nya ito, gagawin nya ang lahat magkahiwalay lang kayo. Sinabi ko na sayo. Wag kang magpapadalos-dalos. Ngayon, nagsisisi ka? Kung haharapin ka ni Fred, dapat may reason ka. Kahit nagmamahalan pa kayo, ilalayo't ilalayo nya ang anak nya sa ayaw at sa gusto mo. Bakit mo kasi ginawa yon?!)

"Dad, please pakiusapan mo naman si Tito Fred. I love her daughter very much. At hindi ko kayang mawala sya," ang sabi ko habang walang tigil ang pagtakas sa aking luha.

(Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko son. Sana kasi inisip mo muna kung ano ang maiidulot nito. Diba valedictorian ka? Anong nangyari sayo? Bakit parang ikaw na ang pinakabobong tao na nakilala ko?)

"D-dad. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako."

(Wag mo munang isipin ito. Ang isipin mo ang kalagayan ni Fae at ang batang nasa sinapupunan nya.)

"I'm a fucking idiot Dad!!!"

(Yes you are. Ang gago mo Clayton. Ang gago mo. Bobo ka na!!! Saan na ang Clayton na matalino kong anak? Clayton na mabait at masunurin?)

"Dad, I'm sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko."

(Bakit? Mababalik ba ng sorry ang pagkakamali mo?)

"Hindi."

(Son, mahal ko kayo ng kapatid mo. Minahal ko kayo ng mommy nyo! So why did you do that!?)

"Hindi ko alam Dad. Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

(Magpakatatag ka. Kung mahal mo talaga si Fae, don't let her Dad ruin your relationship. Lumaban ka, gaya ng paglaban ni Fae para sayo. Wag kang sumuko, gaya ng hindi pagsuko ni Fae sayo, kahit binababoy mo na sya. Mahalin mo sya ng buong buo, gaya ng pagmamahal nya sayo. Wag mo na syang iwanan, gaya ng hindi nya pag iwan sayo. Kahit hindi nya na kaya.)

Bawat salita ni dad sa akin, tumatatak sa puso ko. Pakiramdam ko ang bigat na nito. Mas lalong tumulo ang luha ko.

Bakit hindi ko naisip ang idudulot nito? Bakit ang tanga ko? Bakit? Ako na siguro ang pinakabobo sa lahat ng tao. Bakit kasi ang manhid ko?!! Kung sana hindi ito nangyari, masaya siguro kaming kumakain sa bahay ngayon kasama ang anak namin. Pero hanggang sana na lang yon. 

Ngunit hindi ako papayag na kukunin ni Tito Fred si Fae. Ayaw kong mawalay sya sa akin at sa maging baby namin. Lalaban ako hanggang sa kamatayan. Gaya ng paglaban ni Fae sa buhay nya na parang kamatayan at ito'y dulot ko.

Sa oras na malaman nya.

Ipapakalung nya ba ako? Papahirapahin?

Mas okay lang siguro yon. Tatanggapin ko yon basta wag lang nyang ilayo ang mag-ina ko. Kahit ama sya ng ASAWA ko, lalaban ako.

Pero kung si Fae na mismo ang magsasabing tama na, wala na akong magagawa.

Paano kung sasabihin yon ni Fae? Na pipiliin nya ang ama nya? Kontra sakin na sinaktan at pinamukha syang tanga?

Makakaya ko kayang tanggapin na mas pinili nya ang kanyang ama?

O

Hindi ko tatangapin, at ipaglaban sya?

Nang naisip ko yon, parang may bala ng baril ang tumama sa aking puso.

What should I do?

Should I let her?

Or 

Should I fight for her?

🌸

The Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon