Isa akong estranghero.
Dala ko'y pagtulong at kapahamakan, saglit akong mag paparamdam sa buhay mo pero agad ding lilisan.
Tanong ko lang.Naalala mo ba ako?
Tumatak ba ako sa isipan mo noong araw na ang landas natin ay nag tagpo?Inaamin ko.
Ako ang taong nagbigay sa iyo ng pera para maibsan ang gutom mo.
Ako ang taong tumulong sa iyong buhatin ang mabibigat mong mga dala.Ako ang taong nabangga mo pero nginitian lang kita.
Ako ang taong nagligtas ng buhay mo, ngunit ako din ang taong hindi mo puwedeng bigyan ng tiwala.Isa akong estranghero.
Minsan ay mabuti.
Minsan ay masama.
Minsan ako ikaw.
Minsan ako sila.**✴️**
BINABASA MO ANG
Ang Malaya Kong Pagsulat
Poetry"Ang malaya kong pagsulat." Mga tulang na isulat ko dahil sa inspirasyon sa iba. Naglalaman ng mga katagang nagpapahiwatig ng aking pakiramdam, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga simpleng likha ng aking isipan. Mayroong kinalaman sa buhay, oras at...