"Dati Kong Kilala"

38 0 0
                                    


Susungkitin ko ang buwan para sa'yo.
Itatakda ko ang ating hinaharap na tayo lamang ang magkasama habang yakap ang ating pamilya.
Mamahalin kita hanggang tayo'y mawalan ng hininga.
Hindi kita iiwan magpakaylanman.

Naubos naba ang iyong mga salita kaya iniwan mo akong mag-isa?

Nagtataka ako.
Sino ngaba ang nagbabago?
Ang pag-ibig ng mga tao o ang mismong mga tao?

Kung gaano ka kasaya noong una mo akong nakilala.
Ganoon din kalungkot noong ikaw ay lumisan na parang isang bula.

Sapaglipas ng oras ako'y muling bumangon.
Sapaglipas ng panahon ako'y muling nakapag simula.
Sapaglipas ng taon ako'y muling nakangiti.

Dala ko ang ala-ala mula sa 'yo malungkot man o masaya, kung sakaliman muli tayong magkita.
Wagkang mag-alala, ngingitian kita.

Dati kong kilala.

**✴️**

Ang Malaya Kong PagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon