Noong ako'y umiiyak, naroon sya.
Noong akoy tumatawa, naroon sya.Noong akoy malungkot, naroon sya.
Noong ako'y nagdaramdam, naroon sya.Halimaw.
Maaaring alam nya ang lahat sa akin ngunit wala akong alam sa kanya. Pinapakinggan nya ang aking mga hinaing ngunit kahit kaylan hindi ko sya narinig na magsalita.
Halimaw. Ang Aking Kaibigan.
Madalas ko syang makita sa salamin. Tahimik sya at galit, umiiyak sya at nalulungkot, nagwawala at na nanakit.
Naroon sya kahit saan.
Naroon sya sa dilim.
Naroon sya sa ilalim ng aking kama.
Naroon sya sa aking aparador. Naroon sya sa CR at sa pinaka sulok ng aking kwarto.Naroon sya, kung saan naroon ako. Dahil repleka sya ng sarili ko.
**✴️**
BINABASA MO ANG
Ang Malaya Kong Pagsulat
Poetry"Ang malaya kong pagsulat." Mga tulang na isulat ko dahil sa inspirasyon sa iba. Naglalaman ng mga katagang nagpapahiwatig ng aking pakiramdam, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga simpleng likha ng aking isipan. Mayroong kinalaman sa buhay, oras at...