"Basurang Balot Ng Ginto"

15 0 0
                                    

May kilala akong tao, napakatapang nya, mataas ang lipad at ayaw mag paabot sa iba. Hinubog sya ng mundong maging matigas ang puso kahit sarili ay hindi nya kilala.

Nagigising nalang sa kalat na nilikha nya na hindi nya akalaing magagawa nya. Minsan nakatingin sya sa salamin, habang hinuhugasan ang dugo sa mga palad nya.

Napapatingin sya sa sarili nyang repleka, nakatatak sa mukha nya ang mga bagay na sa mundo lang makikita.

Pera, kapangyarihan, pangalan, katanyagan, madadala ko ba sa hukay 'yan?

Alam nya ang sagot sa mga tanong sa isipan nya pero ipinagsasawalang bahala na lang nya. Hindi sya umaasang may taong hihila sa kanya paalis sa kamunoy na kinasadlakan nya.

Dahil sino ba?

At kung mayroon man mukhang abala pa sya sa mga bagay na mas mahalaga.

Ramdam nya na napakaliit nya pero pinag mamayabang nyang mas mataas sya. Alam nyang napakadumi nya pero pinanagutan nya kung sino sya.

Takot sya sa sarili nya dahil ang tanging sarili lang nya ang hindi pa nya napapatumba. Dahil ganito na sya.

Isang taong Basurang Balot Ng Ginto.

Ang masakit, tinanggap nalang nya.

**✴️**

Ang Malaya Kong PagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon