Anak.Kasing ganda ng mahaba mong buhok ang ganda ng iyong mga bulak-lak, kasing bango mo rin ang mga ito. Malulusog at nag mumukadkad katulad mo.
Anak.
Ang ating hardin ay napaayos ko na araw-araw ito ay aking binibisita. Alam kung mahilig ka sa Paru-paro at napakarami nila dito, silay parang ikaw. Makukulay at malaya.
Lagi kitang naaalala pero wag kang mag-alala dadalawin kita.
Dadalhin ko sila sa iyong libingan ng saganoon Paru-paro'y ikay puntahan.
Maaakit sila sa ganda ng iyong bulaklak.
Ang Bulaklak Ni Rosa.
Ang mahal kong anak.**✴️**
BINABASA MO ANG
Ang Malaya Kong Pagsulat
Poesie"Ang malaya kong pagsulat." Mga tulang na isulat ko dahil sa inspirasyon sa iba. Naglalaman ng mga katagang nagpapahiwatig ng aking pakiramdam, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga simpleng likha ng aking isipan. Mayroong kinalaman sa buhay, oras at...