Matapang ako!
Kaya kong harapin ang takot ko.Matapang ako!
Kaya kong pigilan ang galit ko sa pamamagitan ng luha ko.Matapang ako!
Kaya kong ngumiti kahit nasasaktan ako.Matapang ako!
Kaya kong sugatan ang sarili ko at maglaho sa magulong mundong ito.Matapang ako!
Matapang Na May Takot.
Hindi ako takot sa dilim pero takot ako sa kung ano ang mayroon sa dilim.Hindi ako takot sa matataas pero takot akong mahulog mula sa taas.
Hindi ako takot na gawin ang lahat para magtagumpay pero takot akong matalo.
Hindi ako takot na sabihin sa iyo kung sino talaga ako pero takot ako sa kung anong iisipin mo.
Hindi ako takot magmahal pero takot akong masaktan.
Isa akong, matapang na may takot na nagpapatunay na marami na akong naabot.
**✴️**
BINABASA MO ANG
Ang Malaya Kong Pagsulat
Poezja"Ang malaya kong pagsulat." Mga tulang na isulat ko dahil sa inspirasyon sa iba. Naglalaman ng mga katagang nagpapahiwatig ng aking pakiramdam, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga simpleng likha ng aking isipan. Mayroong kinalaman sa buhay, oras at...