Ito ang Reklamo Nang Tagasundo.
Napakagandang pamagat sa hinaing ko. Sisimulan kong magsulat sa pamamagitan ng katagang.
"Para sa mga tao"
Halos araw-araw, halos minu-minuto, lagi ko kayong sinusundo. Minsan ang titigas pa ng ulo ninyo, ayaw nyo pang magpasundo.
Sabagay, sino ba ang may gusto na sunduin ka ng kamatayan? Pero hindi naman madali ang trabaho ko.
Bilyon-bilyon ang namamatay sa mundo ni ayaw ninyo akong pagpahingain, nahihirapan din naman ako. Gusto ko rin ng araw nang pahinga, pasko, bagong taon, mga linggo.
Ang masakit pa naglalakad lang ako mabuti pa ang mga buhay mayroon silang tinatawag na "Company Car"
Ano nagtitipid tayo?
Hindi dahil kaya kong maglaho o sumulpot kahit saan ay hindi ko na pinangarap na makasakay sa sasakyan.
Hindi naman ako galit, hindi naman kasalanan ng mga taong namamatay sila, kung puwede ngalang wag nalang sana,
Pero parte talaga ito ng buhay wala na tayong magagawa.
Ang nais ko lang naman mabigyan ako ng kahalagahan, mahirap bang gawin iyon? Gusto ko lang ng bakasyo kunting promotion at trabahong hindi na gaanong pahirapan.
Pero sa sitwasyon ko ngayon? Hindi ko maiwasang humiling...na sana may sumundo rin sa akin.
Sana maka abot ito sa kataas-taasan na hukuman, sana mabigyan ako ng karapatang magpahinga. Dingin sana ng mga tao ang masidhi kong kahilingan.
Ps.
Paki iwasan ngang mag pakamatay. Susunduin ko naman kayo...huwag masyadong atat...dahil busy ako.
**✴️**
BINABASA MO ANG
Ang Malaya Kong Pagsulat
Poésie"Ang malaya kong pagsulat." Mga tulang na isulat ko dahil sa inspirasyon sa iba. Naglalaman ng mga katagang nagpapahiwatig ng aking pakiramdam, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga simpleng likha ng aking isipan. Mayroong kinalaman sa buhay, oras at...