Nung ako'y nag-aaral dito sa eskuwelahang ito, akala ko nagbago na ang buhay ko.
Pero hindi pala.
Sinira, winasak at pina-piraso ang pagkatao ko simula ng marinig ko ang mga yapak ng isang guro.
Ano ba ang tinatago ng eskuwelahang ito?
Ano ba ang pagsusulit na gusto nilang makuha mula sa sagot namin?
Bakit parang kailangan naming mabuhay?
Ano ba ang katotohanan ng paaralang ito?
Hindi ko inaakala.
Na sa unang araw ko ng eskuwelahan.
Patayan na ang nagaganap.
At sa oras na narinig namin ang tunog ng isang bell.
"Welcome to Frayville College."
Ito na naman ang boses na naririnig mula sa mga bibig nila.
"Finish or not finish..."
Nanginginig, kinakabahan, pinagpapawisan. Naririnig ang mabagal at maingay na tunog ng sapatos mula sa hallway.
At sa pagbukas ng pintuan, ito na ang katapusan namin.
Isang madugong pormal na damit, mukha'y naghahanap ng buhay para patayin.
At nang makita kami, sya ay ngumiti at nagsabi.
"Pass your paper."
October 1, 2018

BINABASA MO ANG
Death Test: REmake (On-Hold)
УжасыSa bawat papel ay may mga tanong na kailangan sagutan, minsan kailangan ng solusyon, minsan hindi na, pero may mga ilang tanong sa papel na hindi dapat sinasagutan lalo na kapag ang tanong ay makakapagbigay ng sagot sa iyong kamatayan. Isang simpl...