Chapter XV

58 1 0
                                    

7:00 PM

Walang tao sa loob ng Frayville College kaya madali kaming nakapasok sa loob ng university, kasama ko ngayon sina Sydney, Isaiah, Ella at Jeanne. Si Jeanne ang nangungunang maglakad sa amin dahil alam nya yung alternative portal sa Soul Rift at may dala syang flashlight para madali namin makita ang dadaanan.

Umakyat kami sa pinakahuling floor ng school which is 6th floor sa room 609. "Storage room ito ng school pero ayon sa mga kwento ng mga estudyante dito, ito raw yung orihinal na classroom ni Vanessa." May kinuha si Jeanne sa kanyang bag at ito yung mga equipments nya for witchcraft. May mga jars na ang laman ay patay na dahon, mga buhangin na iba't ibang kulay at mga liquid na bagay na mayroon ding iba't ibang kulay. Nasa gilid lang kaming apat habang inaayos ni Jeanne ang portal.

"Me Infire, La Valery Consas, Finna um sol m'terate." Pagkatapos nyang bigkasin yung spell, tinawag nila kaming apat. "Dyan kayo sa gitna ng bilog. Tandaan nyo, mayroon lamang kayong 5 minutes sa loob ng Soul Rift pero since kailangan ninyong malaman ang katotohanan, ginawa ko ang makakaya ko na mag stay kayo within 20 minutes sa ilalim ng protection ko, pag sumobra kayo sa oras, wala na ang proteksyon ninyo at doon kayo maiiwan sa loob ng Soul Rift habangbuhay, at please, wag kayong magtitiwala sa mga kaluluwa doon." Tumango kami ng ulo.

"Sydney, alam mo na yung spell." Tumango si Sydney at naghawak-hawak kami ng kamay. "Pumikit kayo at wag na wag kayong didilat hangga't di ko sinasabi, at magiingat tayo doon ok? JC." Tinawag ako ni Sydney at napatingin sya sa akin. "Wag kang malululong sa makikita mo." Kinakabahan ako sa sinasabi ni Sydney, na parang ito na yung huling pagkikita namin. "Natutuwa ako na nakilala ko kayo sa journey na ito." Sabi ni Ella sa amin. "Sorry guys kung nagkwento ako pero para na rin ito sa kaligtasan ng school natin." Sabi ni Isaiah.

"Isaiah wag mong sisihin ang sarili mo, once na nalaman natin kung sino ang nagpasimuno ng sumpa na ito alam na natin kung paano ito tanggalin." Ngumiti sa akin si Isaiah at tumango. "Magiingat tayo lahat doon, walang iwanan." Sa huling ngiti, magbabago na ang buhay namin.

"Ok, pikit ang mga mata." Utos ni Sydney sa amin. "Goodluck, ako magbabantay sa inyo." Sabi ni Jeanne sa amin. Nagkaroon ng kaunting katahimikan ng biglang nagsalita si Sydney. "Come to me Eligma, Father of the void, Cosmic Soul Realm, be with us as we travel to the place of sorrow. N'ferati, Colminuet, Fraivillor, Strangulera, Soules un me e'tat, neas condas, neas condas..." Ito na.

"NEAS CONDAS!!" Sigaw ni Sydney at maya maya nakaramdam kami ng matinding pagbagsak, pakiramdam ko parang maiiwan ang mga lamang loob ko sa sobrang bilis ng pagkabagsak. Ramdam ko ang matinding presensya ng iba't ibang espiritu habang paparating kami sa Soul Rift.

"Buksan nyo na ang mga mata ninyo." Rinig ko ang utos ni Sydney kaya, pagkadilat ko. Ito na, nandito na kami, Ang Soul Rift, tirahan ng mga masasamang espiritu, lugar ng mga mapait at delikadong pangyayari ng nakaraan. Isang depiksyon ng impiyerno.

Nasa classroom kami ni Vanessa ngunit madilim, mga pinturang naagnas sa pader, mga butas butas na kisame, lapag at hindi maayos ang itsura ng mga upuan, sa bintana ay walang tigil na ulan at kulog at gabi. Ito yung nakita ko nung nasa corridor ako nung kausap ko ang Principal. "Okay, hanapin na natin si Vanessa, kakausapin natin sya at the same time, ire-release natin ang kaluluwa nya para manahimik na sya." Sabi ni Sydney. Kailangan naming magingat dito.

Lumabas kami sa classroom at naglakad sa hallway na parang matagal nang iniwan, bawat sulok ng eskwelahan maririnig mo ang iba't ibang sigaw at pagmamakaawa ng espiritu dito. Malungkot mamuhay dito sa mundong ito. Hindi ko aakalain na totoo pala ang mga ganito. Ang tirahan ng mga demonyo. Napatigil kami sa paglalakad ng tinutok ni Sydney ang flashlight nito sa harapan at nakita namin ang isang babae na duguan at nawawala ang isa nitong mata, umiiyak sya ng dugo at inabot ang mga kamay nito ng parang nagmamakaawa. 

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon