Chapter VII

51 4 0
                                    

Author's Note: Hi everyone, I just wanted to apologize regarding doon sa Chapter VI it was supposed to be like the climax of the story but the way I delivered it, is poor (Pasok Catriona Gray HAHAHAHAHA), kasi habang kino-construct ko sya, ang daming complications and plotholes kung paano ko sya isusulat and I just wanted to apologize kung kinulang kayo and I will revise it as soon as this chapter is posted, thank you guys for sticking with me, next year will be my 5th year sa wattpad.


Akala ko magiging normal ang buhay ko pero hindi pala, akala ko na kapag nagsimula ulit ako sa umpisa, magiging ok na lahat, yun pala, ang akala ko, ay hindi pala totoo. Nasa loob kami ng isang kwarto, isang ilaw lang ang nakabukas pero kitang kita ko sa loob ng kwarto ang walang kulay na pader kundi grey. Nakaupo ako sa silya na may lamesa sa aking harapan, sa aking gilid ay isang salamin pero naniniwala ako na may mga tao sa likod ng salamin na iyon, hindi nagtagal may pumasok na isang babae dala-dala ang folder.

"Hello JC, ako si Detective Denise and I was assigned to this case. No pressure, I just want to know what happened ok lang ba yun?" Tanong sa akin ng babae. She was wearing glasses, mahaba ang kanyang buhok, naka formal dress sya with a pencil skirt and high black heels. I can tell na isa syang professional detective. Tumango ako sa kanyang tanong and she opened the folder. 

Oh God, yung mukha ng dalaga, pag nakikita ko yung mukha nya di ko mapigilang makaramdam ng suka na gustong gusto nang lumabas sa bunganga ko. "Her name is Danica, a College Student sa Frayville College, kilala mo ba sya?" Tanong nya sa akin.

"No, di ko sya kilala." Sabi ko sa kanya.

"Kung ganun, paano mo sya nakita doon sa C.R? May kasama ba sya? Is she involved into some illegal activities?"

"I don't know pero, late na akong nakapasok sa school, nasa 3rd floor yung room ko and narinig kong may sumigaw doon sa C.R ng mga babae, lalapit sana ako ng biglang may nagsara sa pintuan."

"Interesting, may tao ba doon bukod sa kanya?"

"I think wala, class hour kasi yun at mag-isa lang sya doon."

Tumango ng ulo ang dalaga at napatingin sya sa salamin at may sinenyalas sya ata and then tinanggal nya ang salamin at nilapag ito sa lamesa. "JC, right?" Tanong nya sa akin at tumango ako ng ulo. "You may not know this pero there is something wrong with your school. Nag-aral na ako dyan and believe me, lahat ng sasabihin ko sayo is out of your imagination."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"20 years ago, yung father ko, isa syang detective dati, before maging College school ang Frayville College, isa syang Catholic School for Girls only, may isang dalaga ang namatay and they identified her as Vanessa, according doon sa report ng autopsy it was stated na nagpakamatay daw sya but on further analysis for the 2nd time, may napansin silang hindi tama."

"Ano yun?"

"May insignia doon sa tiyan nya na para bang minarkahan sya. May gumamit ng mainit na metal at dinikit sa tiyan nya. The insignia is indecipherable, di namin alam kung ano yun pero, the way na kung paano sya idescribe, is hideous, may latin words with inverted star and eyes na iba ang tingin pag tinignan mo. Then, 3 weeks later, nabaliw ang tatay ko, he experienced some kind of psychosis, he killed my mother and my little brother, at ako na lang ang naiwan, I was hiding in the closet and naririnig ko ang tatay ko, sinasabing "Become as One." It's fucking weird to be honest. Nung nakita nya ako, sasaksakin nya sana ako when suddenly, nawala sya sa wisyo na para bang bumalik yung tatay ko, then, he was screaming, sumisigaw sya na wag daw "nya" akong sasaktan, and without knowing the truth, tumalon sya sa bintana and died."

"Oh my God."

"I know right, so, ayun, naging ampon ako and 6 years later, giniba na yung Catholic School na yun and ginawang Frayville College, I took Criminology and I heard nga na may 7 wonders ang Fraville College and one of them is the Death Test. An inescapable curse for those who encountered it. And on that same year, may namatay na isang estudyante but the weird thing is that, yung insignia doon sa report ng father ko is the same as the one na naka imprint doon sa pader."

"Ano po itsura ng Insignia?" Tanong ko sa kanya, may kinuha sya sa kanyang bulsa and there it was, nakakatakot at ibang-iba sya na para bang isang kulto ang gumawa nito sa kanya. "JC, this case has been around for 20 years and ever since that girl died, it remained mysterious, and ngayon, nabuhay na naman ulit ang pangyayaring ito. Many students will die kapag di natin na solve ang case na ito. I know na yung killer na pumapatay sa kanila is not a human, it's a being, isang nilalang na hindi natin nakikita and we need to stop it, kaya, I'm asking you a favor."

"Ano po yun?"

"Help me stop 'her' bago pa sya may mapahamak na iba." Tumango ako ng ulo at ngumiti sa akin si Detective Denise, may kinuha sya ulit sa kanyang bulsa and its a calling card, with her name and her number. "Tawagan mo ko if you discover something, and also if you encounter her, close your eyes and be brave." Tumayo na sya at iniwan nya ako sa loob ng kwarto, di nagtagal dumating ang iba pang pulis at inescort ako at dinala ako sa Main Hall ng Police Department na kung saan andoon sina Isaiah, Ella at Sydney, hinihintay ako.

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon