Chapter III

84 4 1
                                    

"Wag nyo po akong patayin nagmamakaawa ako sa inyo"

"Wag kang maingay puta!!!!"

"Please!!! Lahat po gagawin ko wag nyo lang po akong patayin!!"

"Emna Ol, Sundenna, AVAVAGO!!!!"

"WAAAAAG"

"AHHHHHHH!!!!" 

"JC!!! JC Uminahon ka, relax, kami to." Nawala ang takot ko ng marinig ko ang boses ni Ella, nakita ko na nandoon din si Sydney at si Isaiah, inikot ko ang paningin ko at nalaman kong nasa clinic ako.

"God JC, akala ko kung ano na nangyari sayo." Sabi ni Isaiah sa akin. "A-anong nangyari sa akin?"

"Bigla kang nangisay tapos hinimatay." Sagot ni Sydney na may halong kaba.

"Ano ba nangyari sayo? Akala naming lahat sinapian ka." Sabi ni Ella. Ramdam na ramdam ko yung irita pero alam kong nagaalala lamang sya sa akin.

"May, may nakita ako." Nagsilapitan ang tatlo na para bang gusto nila malaman kung ano ba ang nangyari. "Nakita ko ang isang babae na parang gagahasain ng mga lalaki tapos, may sinabi silang ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan nun, tapos biglang umitim ang paningin ko at nagising na lang ako dito." Sabi ko.

"Yung kwento mo, hindi kaya, nakita mo ang buhay ni Vanessa? Ang babaeng nagmumulto sa eskwelahang ito?" Tanong ni Isaiah.

"Hindi ko alam pero sigurado ako na sya yumg babaeng nakita ko." Maya maya, may narinig kaming nagbukas ng pintuan at mahinang bulungan, sa ilang saglit may lumapit na babae kay Sydney, nagbeso at niyakap. "Guys, ito si Jeanne, kaibigan ko." Sabi ni Sydney sa amin, kumaway sya sa amin at ngumiti at ganun rin ang ginawa namin sa kanya.

"Ako si Jeanne, HRM ako dito sa Frayville College, and also I got a hobby when in terms of witchcraft and spirit stuffs." Sabi ng dalaga sa amin.

"Paano ka napadpad dito?" Tanong ko.

"Nakaramdam ako ng mabigat na presensya sa loob ng clinic, I hate to say this pero gusto kong malaman kung bakit kayo pumasok lahat sa simbahang iyon." Tanong nya at halata sa boses nya na naiirita sya.

"Wait, sabi mo kanina mahilig ka sa witchcraft right? So may kakayahan ka na gumawa ng spells?" Tanong ni Ella na para bang ngayon nya lang narinig ang mga bagay bagay na hindi madalas pinaguusapan ngayon.

"Uhm, hindi naman pero alam ko kung paano gumana ang mga spells. Now, regarding sa sitwasyon mo JC, mukhang ginising mo ang kaluluwa ni Vanessa." Kinabahan ako bigla sa mga sinabi nya.

"Ang simbahang pinuntahan nyo ang naglalaman ng kadiliman, alam ng Diyos kung ano ano ang mga nangyari doon sa gusaling iyon. Alam nyo ba na dating simbahan ito? Bago itinayo bilang Frayville College?" Tanong nya sa amin.

"Ako oo, narinig ko to sa mga kwento ng mga estudyante dito." Sagot ni Isaiah.

"Exactly, kilala yung simbahan bilang Frayville Catholic Church when in fact, may tinatagong sekreto ang simbahang iyon." 

"Kanino mo nalaman ang kwentong ito?" Tanong ni Ella.

"Sa lola ko, isa syang madre bago sya taliwasin ng Catholic Institution. Kwento nya, may nagbukas ng portal dito sa mundo natin at sa mundo ng mga demonyo, ang tawag nila doon, Soul Rift. Pagitan ng mundo natin at ng mundo nila."

"Bukas pa ba iyon?" Tanong ko.

"Oo, at hanggang ngayon hindi pa rin malaman kung nasaan ang Soul Rift, at yun ang number one concern namin dahil di natin alam kung ano at sino pumupunta sa mundo natin." Sabi nya sa amin, bigla syang nanahimik at tumingin sa bintana na nasa likuran ko lang, tumingin rin ako pero wala akong nakita. 

"Ano meron?" Tanong ko.

"Ah, wala. Anyways, isa lang ang maipapayo ko sa inyo, wag na wag na kayong babalik doon. Ang lugar na ito, ay punong-puno ng madilim at nakakalungkot na nakaraan." Pagkatapos nun, kinausap nya muli si Sydney at umalis na sya. 

"Napaka weirdo ng kaibigan mo." Sabi ni Ella kay Sydney.

"Ganun lang talaga sya, lumaki kasi sa isang relihiyosong pamilya, sya lang yung may lakas na loob na tumaliwas at maging witch, or, yun ang pagpo-proclaim nya sa sarili nya." Sabi ni Sydney.

"Pero, totoo kaya yung sinabi nya?" Tanong ko dahil hindi pa rin ako naniniwala sa mga bagay bagay na yan.

"Simula pa lang ng pagpasok natin sa simbahan, alam kong may demonyong pumapalibot sa amin." Sabi ni Isaiah, nakaramdam ako bigla ng pagtaas ng balahibo.

"Seryoso ka dyan?" Tanong ni Ella.

"Oo, ewan ko, pero ngayon ko lang to sasabihin sa inyo ah, Ella, naalala mo pa ba yung pagpasok natin sa gate ng eskuwelahan?"

"Oh? Ano naman?"

"May nakita kasi akong babae na nakasuot ng black na dress at nakaharap lang sya sa isang poste sa loob. Akala ko nga professor pero nung humarap."

"Ano?"

"Isa palang multo."  Bigla kaming nagulat sa sinabi nya.

"Nanahimik na lang ako tapos, pag umuuwi ako sa bahay, pag matutulog akong magisa sa kwarto, may naririnig ako takong na umaakyat sa hagdan, tapos pakiramdam ko, sa may bintana ay may mga pulang mata na nakatingin sa akin."

"Siguraduhin mong totoo sinasabi mo."

"Oo, seryoso ako, tapos pakiramdam ko din, may nakahiga sa ilalim ng higaan ko. Totoo yung sinasabi ng kaibigan ni Sydney. Ang eskuwelahang ito, ay punong-puno ng kademonyohan, kailangan lang natin hanapin ang Soul Rift para hindi na manggulo ang mga di dapat nanggugulo."

Napaisip kaming lahat sa sinabi ni Isaiah. Kung totoo nga na may mga espiritu at mga demonyong umiikot dto.

Kailangan namin ang tulong ng Diyos.


(Hi Guys, so its the end of the Introduction Arc and since papasok na ang halloween, get ready sa Chapter 4 hanggang katapusan dahil dito na magsisimula ang pinaka core theme ng Death Test, very happy ako to see some of my readers, especially nung 2013 na bumalik para basahin ang remake. I'll be the first to say this but this book has 8 series, this is the first one, the 2nd one, ire-remake ko which is Infinite 8 dahil iikutin natin ang buong Universe ng Death Test, happy halloween guys and get ready sa susunod na chapter.)

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon