Chapter XIII

25 6 0
                                    


Sydney

Di ako makapaniwala na hinalikan ako ni JC. I know I love him pero, may napansin lang ako sa kanya, hindi sya yung tulad ng dati nung una ko syang nakilala. Unti-unti syang nababaliw sa nangyayari sa kanya. I know di gagana ang logic sa nangyayari pero its too much. If wala akong magawa para tulungan sya, then hahanap ako ng paraan.

Madaling araw na at nasa bahay ako ng tita ko. Kinuha ko yung cellphone ko at may tinawagan ako sa phone ko. 

Si Jeanne.

I need answers, kailangan kong tulungan si JC, he's starting to lose himself. hinanap ko si Jeanne sa contacts ko and nung nakita ko, di ako nagdalawang isip na tawagin sya. "Hello?" Sagot nya sa kabilang linya.

"Jeanne, matutulog ka na ba?" Tanong ko.

"Nope, hindi pa, bakit?" Tanong nya.

"Pwede ba kitang bisitahin? We need to talk." Di sya nagsalita ng mga ilang segundo, maya maya bigla syang pumayag at binaba na nya yung phone. If we're going to stop something as big as this, I need a help of a witch.

------ A Few Hours Later ------

Nasa kwarto kami ni Jeanne, nakaupo kami sa kahoy na lapag na may mga kandilang nakabilog sa amin, inaayos ni Jeanne ang kanyang mga ingredients to do something. "Anong gagawin natin Jeanne?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto mong tulungan si JC di ba?" Tanong nya at tumango ako. "Then this is the only way, papasok tayo sa Soul Rift, pero babala, wag kang magpapauto sa kanila, once na nalulong ka nila sa kanilang kabaliwan, doon ka na habang buhay." Sabi nya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. "Ang lugar ng Frayville College ay dating kinatatayuan ng isang simbahan, ayon sa lola ko, yung lugar na iyon ay naglalaman ng kadiliman despite the fact na isa itong simbahan. Madami nang namatay sa lugar na iyon, dumagdag pa nung nagstart ang isang cult ang kanilang ritwal to open the soul rift." Sabi nya.

Wait, may nabanggit sya ng isang cult, could it be connected ito sa nangyari kay Vanessa? "My sister witches fought them, including their leader to stop them, eventually nasara ng mga sisters ko ang rift but one year later, a failed ritual was conducted, that eventually led to their demise. Our demise, at yun ang kinakalaban natin ngayon. Ang sumpa ng Death Test." Sabi nya.

Then, may kinuha syang isang jar na laman ay buhangin, kumuha sya at inilapag nya sa isang bowl, tapos kumuha ulit sya ng isang jar na ang laman ay patay na dahon, dinurog nya ito sa kanyang mga kamay at ihinalo doon sa jar, kumuha sya ng pandurog at dinurog nya ito sa bowl hanggang sa maging buhangin sila. Nang madurog, kinuha nya ito sa kanyang mga palad at iniihipan sa akin. "Jeanne ano ba yan, bakit mo ko inihipan?" Tanong ko.

"For your protection, I'm a very powerful witch, pero sa case mo? Nangangalawang ka na." Sabi nya. Anong nangangalawang? Does it had to do with my past? "Anyway, hawakan mo ang kamay ko, we're going to the soul rift. What is your objective?" Tanong nya.

"Pupunta tayo sa lugar ni Vanessa before she died and then I'll try to remember kung ano ang itsura ng mukha nya." Sabi ko sa kanya and she smiled at me, yung ngiti na parang proud sya sa akin. "Same as always." Sabi nya. Maybe someday, tatanong ko kay Jeanne kung ano ang nalalaman nya sa akin.

"Ready ka na?" Tanong nya sa akin. Kinakabahan ako oo, pero for JC's sake, I have to do this. Tumango ako at pumikit sya, at ganun din ang ginawa ko.

Nanginginig ang mga kamay ko pero hinigpitan ni Jeanne ang pagkakahawak nya sa akin na parang ina assure nya ako na sya ang bahala sa akin, and then, nagsabi na ng spell si Jeanne.

"Come to me, Eligma, Father of the void, Cosmic Soul Realm, be with us as we travel to the place of sorrow. N'ferati, Colminuet, Fraivillor, Strangulera, Soules un me e'tat, Neas Condas, Neas Condas, NEAS CONDAS!!!!" Sigaw ni Jeanne ng biglang nakaramdam ako ng pagbagsak, ng parang isang elevator na bumababa at naiiwan ang mga laman-loob ko sa katawan, ito na, we're travelling to the soul rift.

"Nandito na tayo." Pagdilat ko, nasa ibang dimension kami, nasa isang school kami pero gabi, lahat gawa sa kahoy, may mga naaagnas na pintura mula sa mga pader, makalat ang lapag, punong puno ng alikabok. It was a depiction of eternal hell.

"All right Sydney, saan tayo?" Sabi nya sa akin. "May nabanggit sa akin Leonora, ang kambal ni Vanessa na right from this very corridor, nagusap daw sila ni Leonora at yung guro ng may pagnanasa sa kapatid nya. Jeanne, if may alam kang spell to reverse a particular set of time, makikita natin kung sino." Sabi ko sa kanya.

Nagbuntong hininga sya. "Good thing walang restrictions sa Soul Rift, but be warned, baka madetect tayo ng mga demonyo sa mundong ito." Sabi nya sa akin. Tinutok nya yung kamay nya sa corridor at pumikit. "Infinitas Timeria!!" Sigaw nya, then suddenly, lahat nagreverse, ang mga nalaglag na posters ay bigla na lang bumabalik, ibang klase si Jeanne, she's a powerful witch. When everything is back in motion, doon namin nakita si Leonora, God, she look the same as her sister, magkambal sila, suddenly, dumating yung guro.

"Lumayo ka sa kapatid ko, nagmamakaawa ako sayo." Sabi ni Leonora sa kanya. "Darling, she's the perfect instrument of bringing our Queen into this world." Sabi ng guro sa kanya. "Nababaliw ka na, lubayan mo sya at wag mo syang lalapitan sa kahit anong oras!!" Sigaw nya sa lalaki.

"Darling, it was not her that I set my sight upon, its you. Leonora." Sabi ng lalaki. Wait, parang hindi ito yung narinig ko sa kwento ni Leonora, she never stated na sya yung gusto ng lalaki, rather it was Vanessa, pero bakit iba? Anong nangyayari, I looked carefully sa lalaki ng biglang hinawakan ako Jeanne. "Sydney, umalis na tayo dito." Sabi nya sa akin. "Ha? Saglit di ko pa sya namumukaan." Sabi ko, ng bigla akong nakaramdam ng mabigat na presensya sa likuran ko, pagtalikod ko. Holy Shit. Pagtalikod ko, isang demonyo ang bumungad sa akin.

"LUMAYO KA!!!" Maya maya biglang may lumabas na malakas na apoy at nasunog ang demonyo, yung corridor bumalik na ulit sya sa dati pero, ang kinatatakot ko, anong nangyari sa demonyo? Bakit bigla na lang sya nasunog? "J-Jeanne, a-anong nangyari? Paano? H-how? Ano ako Jeanne, ano ako?" Tanong ko pero niyakap nya lang ako."I'll explain everything later pero sa ngayon, we have to leave now." Sabi nya sa akin at tumango ako sa sinabi nya.

Inangat nya yung kamay nya sumigaw sya ng "Infinitas Timeria!!" At sa ilang saglit, nasa kwarto na kami ni Jeanne pero inabot kami ng umaga.

Maya-maya, nakarinig kami ng malakas na pagkatok sa pintuan galing sa baba, na parang binabalibag yung pintuan, bumaba kami sa kwarto nya at unti-unti kaming lumapit sa pintuan, ng buksan ni Jeanne nagulat kami pareho. It was JC pero, he's in the worst condition,ang putla nya at halata na yung eyebags sa mata nya. "Help me." Sabi ni JC kay Jeanne. Oh God...

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon