Chapter IX

51 4 0
                                    

Since mamayang tanghali pa ang start ng klase namin, naisipan namin pumunta ni Sydney ang bahay ni Jeanne at tanungin sya regarding sa lupa na kinatatayuan ng Frayville College. Pagpunta namin doon, isang maliit na bahay lamang sya, nakatayo sa maingay at maduming komunidad. Kumatok si Sydney sa pintuan at di nagtagal, bumukas ang pintuan at nandoon si Jeanne, nakapang bahay.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Jeanne sa amin. "Jeanne, may itatanong lang kami sa iyo, ok lang ba? kahit mga 20 minutes?" Tanong ni Sydney. Tumingin sa akin si Jeanne na may pagdududa. "Seryoso ba?" Tanong nya but this time, hindi kay Sydney, kundi sa akin, tumango ako ng ulo. Nagbuntong hininga na lang si Jeanne as if wala syang choice, binuksan nya ang pintuan, giving us the permission na pumasok sa loob ng bahay nya.

"Pasensya na kung madumi ang loob ng bahay namin. Wala pala sila mama nasa Siquijor, kumuha lang ng mga enchantments and stuff." Sabi nya sa amin at umupo sa sofa, umupo na rin kami.

"Witch din ba mama mo?" Tanong ko sa kanya. "My family is a lineage of witches, nagkataon lang na pumunta dito si mama dahil may nangyaring di maganda sa Siquijor. Madami kami, my sisters were in their covens, practicing and enhancing their gifts." Sabi nya sa amin. Napatingin kami sa isa't isa kung ano ba talaga si Jeanne.

"Jeanne, anong klaseng witch ka?" Tanong ni Sydney. "I'm a witch of Clarity, meaning nakikita ko ang kasaysayan through mediums at the same time, nakakakita ako ng mga bagay na hindi nyo nakikita." Sagot nya. "Ang lola mo din ba, isang witch?" Tanong ko.

"Si lola, yes, isa syang witch, but she chose not to embrace it. Tingin nya isa itong kapangyarihan ng demonyo. Remember, isa syang madre ng Frayville Catholic Church bago iyon ginawang Catholic School for girls." Sabi nya sa akin.

Inexplain ko sa kanya na nakita namin ang pangalan ng kanyang lola doon sa librong nakita namin sa library at tinanong namin sya kung ano ang nalalaman nya sa lupang kinatatayuan ng Frayville College. "1920 ng dumating si lola sa simbahan ng Frayville may naramdaman na syang hindi tama sa loob doon. She feels like may something doon sa lugar na yun, something dark, something sinister, something na kailangang sugpuin agad." Sabi nya sa amin.

"You said about a rift between sa mundo natin at sa mundo ng mga demonyo, what is that?" Tanong ni Sydney sa kanya. "Ahh, yung soul rift. Pagitan ng mundo natin at ng mundo nila. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano nabuksan yun doon. Sa lahat pa ng lugar, sa simbahan pa talaga nagbukas. Lumakas daw ang kapangyarihan ng kadiliman sa simbahan ng dalawin tayo ng mga Hapon noong World War II at ginamit daw yung simbahan as a Prostitute places ng mga sundalo doon, and God knows what kung ano ang nangyari doon. I guess yun yung naging reason kung bakit lumakas ang Soul Rift." Sabi nya, and then tumayo si Jeanne at may kinuha sa drawer, isang sigarilyo, kumuha sya ng posporo at sinindihan ito.

"May nalaman kayo regarding kay Vanessa?" Tanong nya sa amin. "Actually nakita namin yung yearbook noong 1974, wala sa itsura nya ang pagiging masamang to, in fact kabaliktaran sya ng mga kwento tungkol sa kanya." Sabi ko sa kanya.

"Have you ever heard of the name Lilith?" Naguluhan kami. Sinong Lilith? Nagkatinginan tuloy kami ni Sydney, akala namin nababaliw na sya. "Sino sya?" Tanong ni Sydney sa kanya. Jeanne puffed a few smokes from her cigarettes and crossed her legs, nagmukha syang donya sa posisyon nya. 

"Narinig na natin ang kwento ni Adam and Eve, and from the story itself, Eve was the first lady in the creation, but not Lilith. You see, there is a hidden story about her that before Eve, Lilith was created at the time nung nakatulog si Adam and God crafted her upon Adam's rib. Then, when she was created, naging 'ultimate helper' ito ni Adam, but as time goes on, the couple argued a lot. Lilith wants to be the same level as her husband pero hindi pumayag si Adam and she should stay submissive. Dahil doon, iniwan ni Lilith si Adam and left the Garden of Eden, God commanded his angels to call her and bring her back to Eden, if not, 100 of her children will die. Knowing na si Lilith ay isang perfect fertile mother, with that curse mapipilitang bumalik si Lilith sa Garden of Eden with Adam. When the angels saw Lilith on the Red Sea, she told them na kaya lang sya nabuhay is to kill innocent babies, bago sya lunurin mismo sa Red Sea, she made a deal na kung sino man ang magsusuot ng Amulet with the name of the angels na nakakita sa kanya ay hindi mamamatay ang kanilang mga anak. At dahil dyan, we, the witches are wearing the said amulet with the angel's names on it para sa ganun, wala syang madadamay na sanggol." Sabi nya sa amin. 

"Ano naman ang connection ni Lilith kay Vanessa?" Tanong ko.

"She was used as a vessel to bring her back to life." Sabi nya, and from that moment, nanigas ang aming mga buto. "Lilith was not just a baby killer, she's a succubus. I remember from the story of a detective during those times bago sya nadeclared as dead, may insignia daw sa kanyang tiyan and she was sacrificed by those people na hanggang ngayon, nasa Frayville College pa rin, nandoon nagtuturo." Sabi nya.

"Ibig sabihin kilala mo sila? Bakit di ka nagsasabi?" Tanong ni Sydney sa kanya, rinig ko sa tono nya na galit na galit sya. 

"I know them but not in their names. It was confirmed na yung naglagay ng insignia kay Vanessa according to that detective are engaged in some kind of cult to bring the end times of the world. By reviving Lilith, is also the ascension of the Antichrist. Lilith has the tendency to copulate sa isang lalaki and bear a monstrous baby that will destroy the world, and si Vanessa ang perfect candidate for that. She is pure, innocent and full of hope. Once na nakapasok sa kanya si Lilith, the men who sacrificed her will try to have sex with her para mabuo ang isang nilalang na hindi dapat mabuhay. And knowing the risks and the dangers of that, naniniwala ako na nagpakamatay si Vanessa habang hindi pa pumapasok si Lilith sa katawan nya. And because she succeeded on killing herself, the Succubus returned to hell." Sabi ni Jeanne.

"Pero sabi ni Isaiah, nagpakamatay sya ng may iniwang sumpa?" Tanong ko sa kanya. The Revelations are way too hard to handle. "That's not her, its the cult. Let me tell you something, bago pa kayo makarating sa Frayville College, my sisters visited the school nung bakasyon. Ang aming leader, si Supremo, has detected a dangerous spell that would bring harm to the students, at the same time, it was also used as a way to bring Lilith back to life, by sacrificing pure innocent human beings, she will be brought back to this place and bring shitty things to the world." Sabi nya.

"The Soul Rift was declared closed by our coven and the institute of Catholic Churches, but not before nung tinaliwas si lola ng Catholic Institution for unknown reason, at mas lalo pa itong lumakas sa pagbukas ng dumating kayo. Something in you JC that opened the rift more than before doon sa simbahang iyon. I don't know but something is wrong with you JC, you awakened the soul of Vanessa which I said earlier, may kinalaman kay Lilith and I fear na baka ikaw ang maging reason ng kaguluhan, if may mangyari man." Sabi nya sa akin, I can't help but felt anger, how could she judged me like that? How dare her? Tingin nya sa akin like I'm some kind of monster na may kadiliman sa aking katawan? "I think it's time to go." Sabi ko kay Sydney.

"Ha? Hindi pa tayo tapos may itatanong pa ako-" 

"No, we have enough information, let's go." Tumayo ako sa kinauupuan ko at umalis sa bahay nya. Naiwan na lang doon si Sydney, siguro intayin ko na lang sya dito. Something is wrong with me? Like hell, anong kinalaman ko sa ganun? I know I'm not crazy but the things na nangyayari these past few days? If there really is a demon, I need God's help for this. We are facing an entity that is capable of ending the world.

Author's Note: Hi guys, so nandito na lahat ng revelations so be prepared sa susunod na chapters dahil it's going to get more intense and plot-twisting twisters hahahahaha. So ayun, mae-expand ko pa ang world of Death Test at madami pa kayong makikilang mga entity that is entirely based upon the Christianity, Jewish, Babylonian Mythology regarding sa dark forces and the End of the World mythologies, ayun lang!! Happy Weekend everyone.

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon