"Hoy Isaiah, ano? Yung utang mo sa lupa."
"Saglit lang naman Ella, kita mong gipit na ako oh."
"La? Ang daya nama-"
"SHHHHHHHHH!!!!" Sabi ng maraming estudyante sa amin, nag piece sign si Ella sa kanila at sinimangutan si Isaiah. Nasa library kami at naglalaro ng Monopoly na dala-dala ni Ella. Sabi nya daw kasi para di daw boring yung klase, nagdala sya at pinapunta kami sa library, knowing na maingay yung larong ito.
"Nakakatamad nang maglaro, tara gala tayo!!" Inayos ni Ella ang board game at saka kami umalis sa library, kwento ng kwento sa amin si Ella about sa buhay nya. She always talk about her passion as a painter, kung ano ano mga gusto nya idrawing, at ang pinaka wish nya daw na i paint ay isang Blue Butterfly tapos may mga tao na masayang magkakasama, binilang nya hanggang 8.
Habang naglalakad kami sa hallway, nagulat kami, wala si Ella, pagtalikod namin, nandoon sya na para bang may nakita syang iba.
"Ella, tara na, late na tayo." Sigaw sa kanya ni Sydney. Nabigla sya at saka sya ngumiti. "Ay sorry hahahaha may nakita lang tara!!!" At saka sya tumakbo papalapit sa amin.
Uyy, alam nyo ba yung nagiisang wonder ng Frayville College?
Yung ano? Yung may namamatay tapos may tanong na nakalagay sa pader?
Sabi nga daw ng iba, yung dugo mo raw mismo ang ginagamit bilang panulat
Ano tawag mo dun?
Ano, ah, Death Test!!
"Ella, ano yung mga tsismis na naririnig namin?" Tanong ko habang nakaupo kami sa aming desk sa classroom, ang ingay nila pero na curious ako.
"Ahh yung Death Test? Ano kasi, nakakatakot syang i kwento pero konti lang ang alam namin." Sagot ni Ella.
"Paano? Wait, ano ba yun?"
"Yung Death Test, nagsimula daw ang gulo nung 1974, isang babae na nagngangalang Vanessa ay nag-aaral dito, sa totoo lang, hindi daw college ang gusali dito, isang catholic school, tapos, ayon sa mga balita, nagpakamatay daw si Vanessa ng may iniwang sumpa, ang hindi makasagot sa kanyang mga tanong ay papatayin nya. "
"May nangyari na bang insidente?"
"Sabi daw oo, nung 1980, 6 years after gibahin yung gusali at ginawang College, may namatay mismo sa classroom, nahati daw ng elisi ng electric fan nung makakita sya ng tanong."
"Ano yung tanong?"
"Sino, ang pumatay sa akin." Tumaas ang mga balahibo sa katawan ko. "Teka, kung pinatay ni Vanessa ang sarili nya, bakit pa sya nagtatanong ng ganun?"
"Naniniwala ako na sa bawat bersyon ng kwento ay isang fragment lamang ng katotohanan." Sabi nya. Biglang nakaramdam si Sydney ng kilabot.
"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, natakot lang ako." Tapos ngumiti sya sa akin.
"May isang gusali daw dito na hindi giniba mismo nung nirenovate ito." Sabi sa amin ni Isaiah. Lahat kami napatingin pati si Ella sa kanya. "Hoy, totoo ba yun?" Tanong sa kanya ni Ella.
"Bakit? Kailan ako nagsinungaling sayo?"
"Sabagay, tell me big guy, saan yung kwarto na yun?"
"Nandoon sa 1st floor, pagkalabas nyo, dadaan kayo sa likuran, tapos may makikita kayong maliit na gusali, nilamon na to ng halaman pero mahahalata mo yun, tapos pagpasok mo doon, may daang pababa. Sabi ng iba, nandoon daw ang kaluluwa ni Vanessa, naghihintay ng tamang oras para gumising muli."
"At simulan, ang Death Test." Sabi ni Ella ng pabulong. Nagkatinginan kaming dalawa ni Sydney na para bang sila-sila lang ang nagkakaintindihan. "Tara puntahan natin!!" Sabi ni Ella.
"Ella, h-hindi ba delikado yun? What if totoo yung balita?" Nanginginig na pagkakasabi ni Sydney sa kanya.
"Hindi yan, maniwala ka sa akin."
"Pero Ella-"
"Luh? Sige na please? Kahit isang beses lang?" Nagmamakaawa na sa kanya si Ella, napatingin sa akin si Sydney tapos kay Isaiah, napabuntong hininga na lang sya dahil kahit ako, curious na makita kung ano ba tong sinasabi nila. "Sige, pero dapat umalis na agad tayo." Sabi nya. Napangiti si Ella at niyakap sya. "Tara!!! Punta na tayo doon." Sabi ni Ella. Sakto walang professor, bumaba kami mula first floor, dumaan kami sa likuran, tapos napadpad kami sa isang abandonadong lugar ng eskuwelahan, mga nilamon ng mga puno at halaman ang nakikita namin sa mga gusaling di na ginagamit hanggang sa napahinto kami at nasa harapan namin ang isang simbahan na hindi giniba.
"Ito na ba yun Isaiah?" Tanong ko.
"Oo, ito na nga, ang Frayville Catholic Church, dahil sa mga bali-balitang nagpaparamdam si Vanessa, hindi na nila ito ginalaw." Sabi ni Isaiah. Bigla akong nakaramdam ng takot, ano kaya ang makikita namin pagpasok namin sa loob? Andoon kaya sya? Magpaparamdam ba sya? Maya-maya nakaramdam ako ng kamay sa aking kaliwang kamay, pagtalikod ko, nakahawak sa akin si Sydney. "Hey, ok lang, andito kami." Sabi ko sa kanya at ngingitian ko. Kawawang dalaga, matatakutin.
Binuksan ni Ella ang sirang pintuan na gawa sa kahoy, at nakita namin, isang crucifixion na nilamon na ng mga halaman, at mga basag na salamin na may imahe ni Hesus at ni Maria. "Wow, after 44 years, matibay pa rin ang gusaling ito." Sabi ni Ella.
Umiikot ang aking paningin at pinagmamasdan ko ang lugar na ito, nakakmangha ngunit, nakakakilabot. Akalain mo, may nangyaring masama mismo sa simbahan na naging ugat ng misteryong pagpatay sa eskuwelahan, o ayun ang nabalitaan ko.
Sydney's POV
Nakakatakot dito, naririnig ko ang sigaw ng babae sa loob ng simbahang ito, isang sigaw na ginagahasa at pinapatay, kailangan na naming umalis dito. Pagtalikod ko, nakita ko si JC, ngunit sa kanyang likuran... Hindi..
Isang babaeng nakasuot ng lumang uniporme
Nakatingin lamang sya kay JC, at... Bakit hindi ako makasigaw? Nakatingin lang ako kay JC, punong puno ng takot.
"Sydney, ok ka lang?" Tanong nya sa akin.
"Wag kang lilingon." Sabi ko, puno ng panginginig.
Maya maya, hinawakan ng multong babae ang balikat ni JC. Diyos ko, biglang nangisay si JC!! "Ella!!! Isaiah!! Si JC!!" Sigaw ko sa mga kasama ko, napatingin sila kay JC at nilapitan, sinubukan naming pigilan ang pangingisay nya subalit patuloy pa rin sya, maya maya, ang mga mata nya, naging pula at tinignan kami ng limang segundo at maya maya...
Hinimatay sya...
Ano ang ginawa ng babae sa kanya? Hindi kaya, ang babaeng sumanib kay JC, ay si Vanessa?
To Be Continued..
BINABASA MO ANG
Death Test: REmake (On-Hold)
Kinh dịSa bawat papel ay may mga tanong na kailangan sagutan, minsan kailangan ng solusyon, minsan hindi na, pero may mga ilang tanong sa papel na hindi dapat sinasagutan lalo na kapag ang tanong ay makakapagbigay ng sagot sa iyong kamatayan. Isang simpl...