Apat na M lang ang tanging makakapag-describe sa akin. First, Maganda ako. Second, Matapang ako. Third, Mataray ako. Fourth, Mayaman ako. Walang sino man ang pwedeng maka-angat sa akin.Dahil ako si DEVIN WAYNE CORTEZ at Ako lang ang original! Ako lang ang sikat! Ako lang ang reyna ng buong campus!
"Wahhh.. Andito na si Allen! Tara lapitan natin!" sabi nung mga kireng mga babae sabay labas sa kanilang mga room. Makakita lang ng gwapo akala mo mamamatay na eh. Mga feelingera naman, akala naman nila magkakagusto sa kanila ang Allen ko e sakin lang naman siya patay na patay.
Umupo si Allen sa may hagdan habang ine-entertain siya ng mga feelers kong mga classmate at batchmates. Tinatanaw ko lamang siya, dahil baka pag-lumapit ako eh mahimatay si Allen sa ganda ko.
"Ang gwapo mo talaga kuya Allen..." sabi nung mga babae sa tabi niya. Kung maka-kuya naman 'tong mga nene na 'to feeling close sila ni Allen. Kung makadikit pa parang mga linta sa palayan eh. Kadiri!
"Sorry girls but I need to go, andyan na ang girlfriend ko..." sabi ni Allen sabay tayo. Tumingin siya sakin at binigyan ako ng napaka-gwapong ngiti. See? Lalapit siya sakin at sabay hahawakan ako sa beywang at sasabihin kung gaano niya ako kamahal sa harap ng mga malalanding second year na yun.
"Hi Grace!" nabingi ata ako nung sabihin niyang Grace. Hindi naman Grace ang pangalan ko ah? Sh*t Hindi pala ako ang ngini-ngitian ng mokong na 'to. Tumitig ako kay Allen na papalapit na sakin, pero wrong again! Nilampasan niya lang ako. Napatingin ako sa likuran ko, nakita ko ang isang babae na mukang white lady sa puti ng muka.
"Hi Allen, tara kain tayo..." sabi nito sa Allen ko. Bakit ba sobrang daming panget na babae ang lumalandi kay Allen? Habulin ba siya ng mga panget except from me? Hay nako!
"Sige, sweetie!" sabi ni Allen sa white lady niyang girlfriend. Sweetie? Ang corny! Napaka-jejemon. Hindi sila bagay, puro tigidig pa ang muka ng white lady na yon! Nakakainis.
"I love you baby..." sabi nung white lady with matching hawak hawak pa sa makinis na muka ni Allen. Grave na ito! Hindi ko na mapapalampas talaga ang bagay na 'to. Sobra na! Sobrang nakakadiri na talaga. Biglang tumingin sakin yung white lady at nginitian ako ng nakakaloko tapos dinala na niya si Allen papunta sa kung saan.
Talagang inaasar ang ng babaeng yon! Sige lang magpaka-saya kana dahil bukas wala ka na sa school na 'to. Babagsak ang company ng tatay mo at lulubog ka sa utang. Gagawin ko lahat para mapaalis ang babaeng yon sa campus, maghintay lang siya!
--
Kinabukasan.
"Huy girls... Did you hear the news?".
"Alin yung nabaon daw sa utang si Grace dahil sa devil princess?".
"Tama... Yun na nga. Kahit kailan talaga nakakatakot siya. Pinagsabihan ko na kasi yang si Grace na wag kalabanin si devil princess e, kaso mas pinili niyang sagutin si Allen. Ayan, nawala lahat sa kaniya".
"Kaya nga eh alam naman ng lahat na si Allen ay para lang kay devil princess at walang pwedeng makisawsaw".
Ganyan ang bulungan nung dumaan ako sa room ng mga fourth year students. Yan ang masarap pakinggan lalo na pag-umaga, yung mababalitaan mong may naghirap at may nabaon sa kahihiyan dahil sayo. Masaya ako, wala na ang karibal ko sa pag-ibig buti nalang mayaman ako.
"Hoy! Devin Wayne Cortez!" tawag ng isang boses babae mula sa aking likuran. Grabe siya makatawag... Buong buo talaga ang pangalan ko. Anyway sanay na ako.
Hinarap ko ang tao sa aking likuran. Nakita ko ang isang taong na isang naghihirap na nilalang na ngayon at laman ng bulung-bulungan.
"Yes... Grace?" nginitian ko siya ng nakakaloko katulad nung pagngiti niya sakin kahapon. Halata sa muka niya ang pagkainis at matinding galit pero wala akong pakealam. Dahil mas masarap siya ngayong pag-masda.
"Napaka-sama mo! Dapat sayo pinapatay!" sigaw niya. Nagtinginan sa kaniya ang mga estudyante habang may ngiting nakasilay sa kanilang mga labi.
"Mauuna ka..."sabi ko sabay talikod at lumakad na papalayo. Hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil ayoko lang patulan ang isang taong helpless na. Ganiyan talaga ang buhay, pag-maganda ka at sikat ka marami kang haters.At tanggap na tanggap ko na iyon.
"Hoy! Hindi pa ako tapos!" narinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin. Maya-maya pa'y bigla ko nalang naramdaman na may humila sa buhok ko.
Kinaladkad ako sabay inihiga sa maduming sahig at pinag-sasampal. Hindi ako maka-iwas pero hindi rin naman ako papatalo. Tinulak ko siya saby dinag-anan ko siya at sinabunutan. Nalagas ang buhok nito pero di ko parin siya tinantanan. Kinalmot ko ang muka niya at agad iyong nagdugo.Tapos sinuntok ko siya sa ilong, dahilan upang mabali ang buto niya sa kaniyang pekeng nose.
"Akala mo ha! Papatalo ako sa isang gaya mo na baon na baon na sa utang!'' sigaw ko sa duguan niyang muka. Paulit ulit ko parin siyang sinampal hanggang sa may umawat na sa amin. Pilit akong itinayo ng isang lalaking ewan ko kung sino.
"Ayos ka lang ba Grace?" narinig ko ang tinig ni Allen na alalang-alala sa babaeng ginulpi ko. napatigil ako sa pagwawala nung makita ko kung gaano siya nagaalala sa hudas na babaeng yon. Ako na nga yung sinaktan ng hampas lupa niyang girlfriend ako pa yung hindi niya tinanong? Grabe talaga! nakaka-init ng ulo.
"Anong masakit sayo Devin?" tanong ni George. Siya pala yung umaawat.
"Bitawan mo nga ako!" kainis. Tumakbo ako papunta sa kung saan. Ayokong makita ang kahit na sino ngayon! Bwisit! Bwisit! Bwisit talaga!
Nakarating ako sa rooftop ng building at doon ako nag-wala. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa nakita ko kanina.
"Ako na yung nasaktan Allen pero siya parin yung nilapitan mo! Nakakainis ka!" nagwala ako habang sumisigaw. Kahit nakaganti ako sa babaeng yon pakiramdam ko talo parin ako! Pakiramdam ko ako parin yung kawawa at nasasaktan. Bakit ba ganon? Ako mahal na mahal ko ang lalaking yon simula nung mga bata palang kami siya na ang gusto ko! Pero hanggang ngayon hindi ko parin siya makuha! Hanggang ngayon pinag-mumuka parin niya akong tanga! Bwisit siya!
"Baka naman kasi hindi pa alam ni Allen na gusto mo siya?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ang si George na nakapamulsa at may ngiti sa kaniyang labi. Inirapan ko nalang ko siya sabay punas sa aking natuyong mga luha.
"Alam mo... Kalimutan mo nalang si Allen... Andito naman ako diba, magkamuka naman kami. Kakambal niya ako kaya pwede mo din akong magustuhan" sabi niya. Ang kapal ng muka niya. Wala akong pakealam kung kambal sila o galing sila sa iisang pamilya. Basta si Allen lang ang gusto ko wala ng iba.
"Umalis ka na nga dito! Hindi kita kailangan" lumapit ako sa kaniya at sinamaan ng tingin. Tinulak ko siya sabay takbo papalayo sa kaniya. Leche!
Humanda ka Allen! Maghaharap tayo bukas!
BINABASA MO ANG
Stalking Allen Dela Ceda(completed)
RomantikKung mahal mo ang isang tao, wag na wag kang susuko para makuha siya. Because if you do, baka mamaya maagaw pa siya ng iba. Ang love kasi para yang isang math problem ih. Kahit anong gawin mo di mo masasagutan kung hindi mo susubukang isolve. Kahit...