Allen's POV
"Bro, sinabi mo na ba sa kaniya na mahal mo siya" tanong ni George. Paano ko naman masasabi sa babaeng yon na mahal ko siya eh, kahapon nung hinalikan ko siya biglang nanghina ang mga tuhod ko. Everytime na makikita ko parang na-totorpe ako kaya nga lagi ko nalang siyang inaasar eh.
"Hindi pa... Na-totorpe ako eh.." sagot ko. Nakakainis kasi siya eh, bigla biglang nagagalit sakin wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Nagpapa-pansin lang talaga ako sa kaniya. Nung araw na ipinagsigawan niya na gusto niya akong maging boyfriend, gustong gusto ko na nga ding ipagsigawan na 'Yes Devin... I want you to be my girlfriend' Pero ang ending, bigla akong kinabahan at hindi ko na naisip ang mga sasabihin ko sa kaniya. Biglang kumabog yung dib dib ko ng sobra eh. At sising sisi din ako nung araw na iyon.
"Ang tanga mo talaga! Eh pano mo siya i-i-invite sa party bukas? Naghanda ka pa naman ng sobra sobra para sa kaniya tapos masasayang lang pala..." masyadong affected ang kapatid ko ah? Baka naman siya ang may gusto kay Devin, hindi kaya?
"Eh, kasi naman nahihiya talaga ako eh. Bukas nalang pag nakita ko siya bigla ko siyang hihigitin para sapilitang sumama sakin" alam ko kasi di yon sasama dahil sa nasabi ko sa kaniya kanina nung nasa school kami. Pagkakataon ko na sanang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko pero naunaha ako ng takot na baka i-reject niya ako.
"Hay nako Allen, gumagawa ka ng mga katangahan. Bahala ka na nga diyan. Basta di kita tutulungan diyan. Bahala ka!" sabi nito sabay alis sa tabi ko. Nasa labas kasi kami ng bahay nagpapahangin.
Sana maging maayos ang lahat! Sana po Lord bigyan ninyo ako ng lakas ng loob upang harapin siya bukas nang masabi ko na ang pag-ibig ko sa kaniya. I just want her to be mine. Siya lang po ang unang babaeng minahal ko at tanging mamahalin ko sa buong buhay ko. Promise ko po iyan.
--
Dumating na ang gabing pinakahihintay ko, ang pagtatapat ko ng pagibig ko kay Devin. Sana hindi niya ako i-reject. Sana po sabihin niyang mahal parin niya ako. Please! Please! Nasa tapat ako ng room para buksan ito.
"Allen, andito ka lang pala..." napalingon ako sa harapan ko and I saw Alexa wearing black gown. She's stunning at hindi ko maitatanggi iyon. Bestfriend ko siya simula nung elementary, naging kami nung first year ako. Pero ngayon friends nalang kami.
"Bakit Alexa may kailangan ka ba?" tanong ko. Masaya ko siyang nginitian.Biglang tumulo yung luha niya. Hala! Anong problema niya?
"Alexa... Bakit?" lumapit siya sakin at bigla akong niyakap. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinaplos ko nalang yung buhok niya. Nagbabaka sakali na mapapatahan ko siya.
"Allen, ako nalang ulit... Ako nalang ulit ang mahalin mo. Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon, ikaw parin yung gusto kong makasama... Please!" humagulgol na siya, pero wala akong nagawa kundi ang manahimik nalang. Iniangat niya ang tingin niya sa akin.
"Please Allen.... I'm begging you... I need you. Allen... Please wag na siya.... Ako nalang gagawin ko lahat para lang makalimutan mo siya! I want you back please!" she begged. I want to comfort her in a friendly way pero baka kasi ma-miss interpet niya ang gagawin ko. Naawa ako sa kaniya pero hindi ko siya pwedeng gustuhin dahil iisa lang talaga ang laman ng puso ko at si Devin yun.
"I'm so sorry Alexa pero-" bigla niya akong hinalikan. She pushed me and napasandal ako sa pader. I tried to push her in a way na hindi ko siya masasaktan.
"Allen..." nakita ko si Devin na nakatitig lang samin ni Alexa, may nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. Tinulak ko si Alexa at tinangkang lapitan si devin pero pinigilan ako ni Alexa. Nakita ko si Devin na tumatakbo paalis sa lugar na ito.
"Devin wait! Magpapaliwanag ako... Sandali lang" sabi ko. Pero hindi siya huminto at dire-diretso siyang tumakbo paalis ng building.
"Allen, wag mo na siyang sundan... Dito ka na lang please. Be with me... Ako nalang piliin mo, gagawin ko lahat para lang sayo... Please stay!" hindi niya binitiwan ang braso ko. Kahit ano pang sabihin niya si Devin lang ang tanging tao na iibigin ko at mamahalin ko sa buong buhay ko.
"Alexa, I'm so sorry... Kailangan kong habulin ang babaeng pinakamamahal ko. Matagal na tayong tapos and wala ng susunod pang chapters para sa atin. Siya lang ang gusto ko, kaya Alexa bitawan mo na ako" sabi ko sa kaniya. Pero umiling uling lang siya at mas hinigpitan pa ang kapit sa braso ko.
"No! No! Allen!" she said. Kung ayaw niya akong bitawan pwes ako na mismo ang babawi sa braso ko. Kahit masaktan pa siya wala na akong pakealam. Basta susundan ko ang mahal ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at tumakbo palabas ng building, hinanap ko siya sa pinagdarausan ng party pero wala siya doon. Hinanap ko siya sa lahat ng dako ng school pero walang kahit na anong hint na naandito pa siya.
"Nasaan ka Devin!" damn it! Bakit di ko siya mahagilap. Nasaan na ba ang babaeng yon? Nakita ko si Hillary na nakatayo lamang kaya nilapitan ko siya at tinanong kung nasaan si Devin.
"Nasa garden... Yata..." sagot nito. Tumakbo agad ako sa sinasabi niyang lugar. Baka nga naandoon si Devin. Ang babaeng yon talaga di muna ako hinintay na magpaliwanag nakakainis.
Nang makarating na ako sa school garden, I found her sitting on the bench. Muka siyang umiiyak. Agad ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likod. Ipinatong ko ang ulo ko sa kaniyang shoulder.
"Devin I'm so sorry..." I whispered. She suddenly pushed me away. Tinignan nya ako ng masama habang tumutulo ang luha niya mula sa kaniyang mga nagnining-ning na mga mata.
"Sorry? Sorry your face! Ayokong makita ka!" sabi niya sabay takbo na naman. Nakakainis naman eh! Lagi nalang ba niya akong tatakbuhan? Buwisit! Pag talaga siya nahuli ko, hahalikan ko tatalaga siya! Asar!
BINABASA MO ANG
Stalking Allen Dela Ceda(completed)
RomansaKung mahal mo ang isang tao, wag na wag kang susuko para makuha siya. Because if you do, baka mamaya maagaw pa siya ng iba. Ang love kasi para yang isang math problem ih. Kahit anong gawin mo di mo masasagutan kung hindi mo susubukang isolve. Kahit...