Devin's POV
Ilang buwang sakit sa damdamin ang naranasan ko mula nung araw na sinaktan ako ni Allen. Naging mas matapang ako, naging mas mataray sa mga taong nakikita at nakakasalamuha ko sa tabi tabi. Hindi na ako yung dating Devin na nakikita pang nakangiti. Ngayon, kahit minsan di na ako nangiti, ganito pag broken hearted. Kahit pilitin kong maging masaya at tanggaping wala na talaga akong pagasa hindi ko parin magawa. Dahil mas sumisiksik lang sa utak ko na gusto ko siyang gantihan. Para fair!
"Hi Devin..." nakasalubong ko si George sa daan papunta ng cafeteria. Nakakagutom kaya. Ilang buwan din ako nag-skip sa pagkain dahil wala talaga akong gana. Grabe ang naging epekto sakin ng hinayupak na yon. Damang dama ko.
Umupo kami sa royal table na para lang sa mga mayayaman talaga. May sarili kaming waiter at kahit anong gustuhin namin na kainin binibigay nila. Maliban sa alak. Sosyal kami, because we are the royalties. As simple as that. Sampu lang kaming royalties sa loob ng campus, ako ang unang royalties dahil ako ang pinakamayaman sa lahat. Sumunod si George at ang kambal nitong si Allen. Tapos yung pito di ko na alam at wala akong pakealam.
"Naka-move on ka na ba Devin?" tanong ni George. Napaka-usisero eh sobrang epal.
"Ofcourse. Bakit ba? Manliligaw ka?" sabi ko. Deretsuhan na aba, wala na akong time para makipaglaro pa sa lalaking 'to.
"Ibabalita ko lang sana na... Meron ng girlfriend si Allen. Nabalitaan mo na ba?" sabi nito. Parang biglang nagkagulo ang mga hormones sa katawan ko nung marinig ko ang sinabi ni George. That man! Nakuha pa talagang makipagrelasyon. Malamang hindi maganda ang babaeng yon. Humanda siya di ako papayag na maging masaya sila.
"Anong pangalan? Kailan naging sila?" tanong ko kay George na busy na sa pagkain ng kaniyang favorite salad. Muka talaga siyang pagkain.
"Five minutes ago? Maybe. She's Alexa Driven Forteza, siya na nga ang bagong member ng royalties eh. Mayaman kasi at napaka-talino pa" sabi ni George na para bang pinamumuka sakin na mas higit pa sakin ang babaeng yon.
"Oh okay... Asan sila ngayon?" usisa ko. Tumitig sakin si George at ngumiti ng nakakaloko. Kung hindi ko nga lang ba kailangan ng information baka naliligo na siya ng dugo eh. Buwisit as buhay!
"Bakit ba ha? Susundan mo... Eh sabi ko naman kasi sayo ako nalang tutal kamuka ko naman si Allen..." ang kadiri niya. Kahit kailan di niya mapapantayan si Allen, dahil si Allen. Matalino, gwapo at halatang may gustong marating sa buhay. Eh itong si George pa-easy easy lang at walang pakinabang. Sa mga chismisan lang magaling eh.
"Kadiri ka. Sagutin mo nalang ako pwede ba?" masungit kong sabi na may kasama pang batok para matauhan siya.
"Ang sama naman. Anyway, nasa garden sila. Sa likod ng fourth year building" sabi ni George. Agad akong tumayo at lumabas ng cafeteria. Susundan ko sila kahit saan pa sila magpunta. Gagawin ko lahat para sirain silang dalawa.
"Hoy Devin saan ka pupunta? Bayaran mo 'to!" sigaw ni George. Hindi ko na siya pinansin. Ano siya hilo. Bakit ako magbabayad ng kinakain niya, hindi naman niya ako bangko ano!
Nakarating ako sa garden na sinabi ni George, nakita ko si Allen pati yung kasama niyang babae, Alexa ata pangalan ng haliparot na iyon. Nagtago ako sa isang puno na medyo malapit sa kanilang dalawa. I witnessed the sweetness between them. Binigyan niya ng white rose yung babae and he kissed her on the forehead. Damn it! Nakakaramdam ako ng selos. Nakakaramdam ako ng inggit.
"Hindi ko 'to mapapalampas!" nasuntok ko yung puno na pinagtataguan ko. Gagawa ako ng paraan para mapaghiwalay silang dalawa. Hindi ako makakapayag ng ganito. I was born to fight and win and not to lose any battle. Kahit alam kong talo ako sa pagibig pag-dating kay Allen. Alam ko parin sa sarili ko hindi ako magpapatalo. Guguluhin ko sila!
BINABASA MO ANG
Stalking Allen Dela Ceda(completed)
RomansKung mahal mo ang isang tao, wag na wag kang susuko para makuha siya. Because if you do, baka mamaya maagaw pa siya ng iba. Ang love kasi para yang isang math problem ih. Kahit anong gawin mo di mo masasagutan kung hindi mo susubukang isolve. Kahit...