Devin's POV
Naglalakad ako papunta sa room ko nang makita ko si Alexa na nakaupo sa may flower pot. Ang pangit pangit niya kaya, mas maganda parin ako. Nilapitan ko siya at tumabi sa kinauupuan niya.
"Kayo ba ni Allen?" tanong ko. Obvious ba Devin? Ano bang klaseng tanong yan? Hay nako! Ang tanga ko naman magtanong.
"Ha- Ano kasi-" pinutol ko na siya sa pagsasalita. Alam ko na naman yung sagot eh.
"Anyway obvious naman. So eto lang maipapayo ko. Alam mo ba na masama ang ugali nun. Masyadong mayabang at sadista ang isang yon. Dapat di lumalapit sa taong yon. I-break mo na siya agad! hindi kayo bagay, pinaaalalahanan lang kita girl. Baka kasi isang araw magsisi ka. Ikaw den" sabi ko.
"Alexa..." biglang dating ni Allen. Ang dami ko pa sanang paninirang sasabihin about sa hudas na ito eh kaso nakatunog ata. Sayang. Pero nasabi ko naman ang kailangan niyang malaman ayos na yon.
"Sige girl. Ingat ka nlang. Wag mo kakalimutan yung sinabi ko ah! Ang dami ko pa sana sasabihin sayo kaso biglang may asungot na dumating nawalan tuloy ako ng gana. Bye!" sabi ko then binangga ko siya.
"Paharang harang naman ih!" sigaw ko. Nakakairita kayang makakita ang pagmumuka nung lalaking yon. Ewan ko ba naman kung bakit lagi kong nakikita kahit saan ako magpunta. Nakakainis.
Nagpunta na ako sa aking room at doon natulog. Wala naman pakialam ang mga teachers eh, dahil busy sila sa pag-aayos ng mga kwarto at mga booth para sa gaganaping valentines party bukas ng gabi. Party party pa eh puro pangit naman ang mga may syota. Nakakinis.
"Hoy Devin, nakita ko si Allen naghahanda ng bongga para siguro sa valentines party bukas. Para siguro kay Alexa yun..." napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si George. Paano napapunta ang lalaking 'to dito? Eh hindi naman siya second year ah. At saka room namin 'to, bawal kaya ang mga fourth year dito.
"Ano bang ginagawa mo dito ha?...Teka anong sabi mo... Si Allen naghahanda para sa party bukas... At para kay Alexa yun? Sure ka dyan?" sunod sunod na tanong ang lumabas sa aking bibig.
"Oo nga aba. Silipin mo pa.... nasa room namin siya" sabi ni George. Tumayo agad ako para pumunta sa fourth year building. Let's see kung gaano pinaghahandaan ang plano niyang surprise para sa haliparot niyang girlfriend.
"Teka saan ka na naman pupunta ha?"sigaw ni George nung palabas na ako ng room. Nilingon ko siya.
"Saan pa ba? Edi sa room nyo!" sabi ko.
"Ano, i-stalk mo siya? Stalker ka nga siguro, nakita ko yung mga pictures ng kakambal ko nung pinasok ko ang kwarto nung isang gabi, nakita ko din yung favorite na brief at favorite boxer niya sa drawer mo. At isa pa nakita ko din yung pabango niya na dati pa niya hinahanap nasayo lang pala! Ikaw ha" sigaw nito. Grabe, ipagsigawan daw ba ang secret ko! Balasubas na bata eh. Siya yata ang stalker eh.
"Hoy di yan totoo! Bastos!" binato ko siya ng libro pero nakailag. Dumiretso yung book sa bintana dahilan upang mabasag ito. Pero di ko na pinansin yun. Tumakbo agad ako sa 4th year building para tingnan ang ginagawa ni Allen.
Pagdating ko sa tapat ng room nila, sarado na. Wala na ding tao sa building na iyon. Kasi mag-pa-five na meaning uwian na. Tiningnan ko ang loob ng kwarto sa pamamagitan ng bintana. Sarado nga kasi yungpinto kaya di ako makapasok.
I saw boquet of flowers, white and pink roses ang nakapaligid sa bawat sulok ng kwarto. Tinakpan ng pulang kurtina ang blackboard at punong puno ng lobo ang kwarto. I envied that girl, pinaglaanan talaga niya ng effort ang babaeng iyon. Nagawa pa niyang gumawa ng mga ganitong ka-cornihan. Mahal niya nga siguro ang babaeng iyon. Ang hirap tanggapin. Grabe!
"Nagustuhan mo ba?" napatingin ako sa likuran ko and saw the most handsome man on the eart. Nakita ko yung taong iniiyakan ko at hanggang ngayon mahal ko parin. Yes inaamin ko galit ako sa kaniya pero di ko maitatanggi na mahal na mahal ko parin siya!
"Sino bang sinasabi mong sadista ha?" inirapan ko siya at akmang aalis na ng bigla niyang iharang ang mahahaba niyang braso sa daraanan ko. Nakulong ako sa loob ng dalawang braso. Inilapit niya yung muka niya sakin habang ako umaatras.
"Bakit mo naman ako sinisiraan sa ibang tao? Para ano... Para makaganti ka dahil sa ginawa ko sayo ilang buwan na ang nakakaraan? Is that your mission..." He lowered his face to mine at para ngang hahalikan na niya ako eh. Pero he stopped moving. Paghinalikan niya ako, dadamhin ko muna bago ko siya sasampalin.
"Ang tawag mo ba sa misyon mo ay STALKING ALLEN DELA CEDA? Ganon kana ba ka desperada para lang mapansin kita? O para lang makakuha ng halik mula sa akin?" ang kapal niya ha! Hindi ako dsperada!
"Get out of my face! Hindi ako-" he suddenly crushed his lips on mine. Naputol tuloy ako sa pagsasalita ko. At first nakamulat ako, pero unti unting pumipikit ang mga mata ko dahil sa kakaibang pakiramdam na pumapasok sa katawan ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking likuran and I can't explain! O my goodness! His lips were soft like cotton. God! Sana di na matapos 'to. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang labi ni Allen na nakadikit sa labi ko.
"Now, nakuha mo na ang gusto mo... Siguro naman pwede ka nang mawala sa buhay ko" he broke the kiss. Medyo nakarecover na ako sa ginawa niya. Naalala ko yung sinabi ko na sasampalin ko siya after the kiss.
"Bastos!" I slapped him on the face saka ko siya tinalikuran. Aalis na sana ako pero biglang nagregister sa utak ko yung sinabi niya kanina.
"Oh, Hindi ako desperada Allen. And from now on, sana ikaw ang umalis sa buhay ko!" sabi ko sa kaniya sabay takbo paalis. Hindi niya alam kung gaano ako nasasaktan sa sinabi niya sakin. Napaka-manhid niya kasi. Napaka tanga! Nakakainis talaga siya!
BINABASA MO ANG
Stalking Allen Dela Ceda(completed)
RomanceKung mahal mo ang isang tao, wag na wag kang susuko para makuha siya. Because if you do, baka mamaya maagaw pa siya ng iba. Ang love kasi para yang isang math problem ih. Kahit anong gawin mo di mo masasagutan kung hindi mo susubukang isolve. Kahit...