"Ano ka ba, Zane? Ayusin mo naman ang sarili. Tatlong araw ka nang ganyan ha!" Sigaw sa akin ng kaibigan kong si Rose. Nandito kami sa kwarto ko.
"Parang binagyo 'tong kwarto mo!" Dagdag pa niya.
"Eh, ayokong maglinis!" galit na sabi ko.
"Ano bang problema?"
"Break na kami ni Rey." Luhaang sabi ko.
"May iba na siya?"
"Oo, Sinayang niya ang lahat. Ang pagmamahal ko!"
At sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari.
Alas 5 ng hapon.
Habang palabas na ako sa gate ng aming unibersidad. May nahagip ang aking mga mata.
Si Rey! May kahalikan. Medyo liblib ang aking dinaraanan at may mga puno pa. Napahinto ako. Nagtago ako sa isang puno ng 'di kalayuan sa kanila. "I should think for the right thing to do." nasa isip ko. Pero wala. Sadyang di gumagana ang utak ko. Ang tanging nangibabaw ang GALIT! Sumugod ako sa kanila.
"Walang hiya ka, Rey!" at sinampal ko siya ng ubod na lakaa na naging dahilan sa pamumula ng kanyang mukha.
"How dare you?!" Sabi pa niya.
"At ikaw pa ang galit?" sabi ko.
"Nakita mo naman, di ba? No need to explain. WALA NA TAYO. TAPOS!" Sabay walkout nila..
Nakatunganga lang ako. Agad na bumuhos ang mga luha ko. Mga walang hiya sila pa ang may ganang mag WALKOUT!!
Binuhos ko ang aking luha sa aking unan. Kawawang unan. Napagtripan ko! I reminisce all our memories together. First meeting. First monthsary. Fifth monthsary. Sayang di kami umabot ng 1 year. Binigay ko naman lahat! (expect saking pagkababae). Pagmamahal. Pag-aaruga. Siguro hindi kami para sa isa't isa.
Hindi kami para sa isa't isa.
Hindi kami para sa isa't isa.
Hindi kami para sa isa't isa.
Nakatulugan kong iniisip ito. Halos isang linggo rin akong parang baliw sa kakaiyak. Buti nalang anjan c Rose.
"Anong gagawin mo?" sabi ni Rose.
"Eh di, wala." sabi ko. Hindi naman ako martyr tulad ng iba na ipagpipilitan ang sarili para lang bumalik ang kanilang minamahal.
"Wala kang gagawin? sabi pa niya.
"Sabi ng wala! Paulit-ulit? Tanggap ko naman na hindi na niya ko mahal.
"Ang akin lang teh, dapat ipaglaban mo siya. Baka mahal ka pa nun at natukso lang sa iba. Zane, it's not everyday that you gonna fall in love, maybe you'll find someone to love but it will never be the same as you feel today"
" Alam ko naman iyon pero kung mahal niya ako, di niya ito paabutin ng isang linggo. Susuyuin niya ako. Pero wala. I guess this is where my first love goes." Naiiyak na naman ako. Who would have thought that it will never be a happy ending. I guess I had to move on.
BINABASA MO ANG
If you could see me now
Teen FictionDahil sa aksidente nangyari ang lahat.When Zane May Salvador woke up, everything has changed. Even herself hindi na niya kilala. Paano kung sa isang aksidente rin maalala niya lahat? Na bubuo sa kanyang pagkatao. Will she be brave enough to face the...