5. Family Bonding

41 1 1
                                    

Dahil Sunday ngayon, sabay-sabay kaming nagsimba. Habang nakikinig ako kay Father, marami akong na realize. Kahit may amnezia ako, binigyan pa rin ako ni Lord ng ikalawang buhay after kong na-comatose.

I should thank Him for another life and I know he has a purpose in giving trials to each of us. I know may purpose itong nangyari sa akin.

"Peace be with you." Sabi ni Father.

"Peace Ma, Kuya Rian, Kuya Jake." sabay beso at yakap ko sa kanila.

"Peace, Bunso." sabi nila.

Nakipag "peace be with you" na rin ako sa mga tao sa paligid ko. Napako ang tingin ko sa isang lalake. He whispered the word "Peace" sabay kindat at ngiti sakin.

Kinilabutan ako. The nerve of that guy! Hindi niya ba nakikita na pareho kaming lalake. Baka bakla siya. Bakla nga siguro iyon.

Natapos na ang misa. Sumakay na kami sa kotse ni Kuya Jake. Nagmamadali akong makapasok dahil feeling ko sinusundan ako nung lalake.

"Baby, Bakit ka nagmamadali?" sabi ni Mama

"May sumusunod sa akin." sabi ko.

"Sino yung lalake?"

"Oo. Nakita mo, Ma?" Gulat na gulat ako.

"Yes. Infairness, gwapo siya anak! Nakita kong kinindatan ka niya. Hehe!"

"Mama, naman. Lalake na ako ngayon." Galit-galitan ko.

"Sus, ikaw naman. Di na mabiro. Joke lang nak! Ikaw kaya ang pinakagwapo sa mga anak ko. Hahaha!"

Natawa na lang ako. Si Mama talaga. Parang bata. Nawala na sa isip ko yung lalake kanina.

"Andito na tayo!" Sabi ni kuya Jake.

Hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng "Liciang's Restaurant". Isa ito sa iilang branch ng restaurant namin. Nagsimula ito sa isang karinderya ng aking Lola Licia.

At nagboost ito dahil sine-serve namin ang mga finest Filipino Cuisines na hanap hanapin mo talaga. Isa na ito sa may pinaka maraming branch hindi lang dito sa Cebu kundi sa Manila at Davao rin.

Sila kuya Jake at Kuya Adrian ang namamahala nito. Hindi na kasi kayang magtrabaho ni Mama.

Bumababa na kami sa sasakyan at pumunta sa VIP room nila. May isang mahabang table. May nakahain na rin na iba't-ibang mga putahe. Buffet style. May nakaabang na mga waiters. Nagutom ako bigla.

"Kainan na!!" Sabi ko.

Kumain na rin kami. Ito talaga ang namiss ko. Ang sabay-sabay kaming kumain at nag kukwento tungkol sa aming trabaho. At ngayon, kinukwento nila ang mga laro namin nung mga bata pa kami. Ang mga kakulitan namin.

Inaalala ko lahat ang mga sinasabi nila. Himala! I remember it all.

Pagkatapos, nag-family bonding pa kami. Pumunta kami sa Ayala Mall. We watch "She's dating the Gangster". Ito kasi ang gusto ni Mama. Pampabata daw. Kahit ayaw naming tatlo ay di na kami pumalag.

Gusto sana namin panourin yung "Hercules: The Thracian Wars" o di kaya yung "Dawn of the Planet of the Apes".

Sa tuwing makikita si Daniel Padilla, tilian lahat. Halos mga teenager kasi ang nanonood. Pati si Mama tumitili na rin. Kapag may kilig moments ay inaalog pa niya ako. Si Mama talaga. Hay naku!

Tahimik lang ako nanonood. Ang mga kuya ko naman ay panay text sa kanilang cellphone. Halatang nabo-bored. Si mama naman walang pakialam. Engross na engross sa pinapanood.

Tapos na ang movie. I could say maganda ito kahit hindi ako mahilig sa Filipino movies. Umuwi na rin kami.

"Salamat mga Anak. Pinasaya nyo ako. Kahit minsan lang tayo magkasama, you give time for me. I love you mga anak!" sabi ni Mama.

"We love you too, Ma!" Sabi naming tatlo. We hugged her.

Pumunta na rin kami sa mga kwarto namin. Kahit may mga condo na kaming magkakapatid, paminsan-minsan sa mansyon kami natutulog.

I smile while lying on my bed. This is one of the best family bondings we had. Kahit wala si Dad. I know he's happy for us.

I know kapag maalala ko na lahat, I will now be complete.

----

Author's Note :

Tanong ko lang.

Meron bang bumabasa nito? Parang feeling ko, Wala. hehe ^_^

Thanksmuch.

Luvlots :)

If you could see me nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon