Para sa'yo madame. Ever supportive mo sa story na 'to. HAHAHA. Ikaw lang yata nagbabasa nito. :) Thanks for reading.
*****
Umalis ako sa opisina. Na bobored ako eh! Kahit sinabihan na ako ni Mama na ako na ang mag manage sa Hotel, pero di pa rin ako ready. May kailangan akong hanapin, si May. Ang ex- girlfriend ng aking kapatid. Alam kung kaya na iyon ni Chef Zane. Marami na ring nakakapansin na masyado akong aburido nitong nakaraang buwan. Ewan ko ba. Ganito ako pag may di mahanap o di makuha.
Nagtext na rin si Nate, yung private investigator ko. Nahanap na daw niya si May. I called him.
"Hello Nate."
"Yes, Sir. Nahanap ko na po si May. Lahat ng detalye Sir."
"Salamat Nate. Pumunta ka na lang dito sa hotel." I ended the call. Napa buntong hininga ako. Sa wakas makikita ko na rin siya.
----------------
Malapit na kaming matapos sa mga food na ihahain mamaya. Tinulungan ko na lang sina Justin at Glenn at iba pang taga hot kitchen. May alam rin naman ako sa mga appetizer at main course.
"Zane, Ang gwapo pala ni Sir Rique noh!!" tili ng bakla.
"Gwapo siya pero antipatiko at mayabang naman." I rolled my eyes.
"Na meet mo na si Sir?!!"
"Oo, Mayabang siya Glenda." At sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina.
"Kahit na, agree ka naman na gwapo siya. Hehe."
"Ewan ko sayo ha! Haluin mong mabuti yan. Tikman mong sauce. Baka sobrang matamis." Sabi ko.
Kasalukuyan kasi siya nagluluto ng menudo.
"HAHAHA! Hay naku Girl. Kesa naman maalat sabihin pa nila bitter ako."
"Ewan ko sayo!"
"Alam mo Zane. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagiging babae ka ulit. Pero mas mabuti na yun eh sayang naman ang ganda mo girl."
Alam na rin nila na babae na ulit ako. Lalake na rin ang gusto ko. Alam na nila except sa gabing yun. Hindi ko yun pinagkakalat. Nakahiya lang kay Rose ko lang nasabi lahat.
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Thanks for accepting me for who I am now, Girl." I hugged him.
"Wala yun. Ang drama natin ngayon ha. Sige na tignan mo na bi-nake mo sa kabilang room."
4:30 na pala kailangan ko nang matapos ang cake.
----------------

BINABASA MO ANG
If you could see me now
Teen FictionDahil sa aksidente nangyari ang lahat.When Zane May Salvador woke up, everything has changed. Even herself hindi na niya kilala. Paano kung sa isang aksidente rin maalala niya lahat? Na bubuo sa kanyang pagkatao. Will she be brave enough to face the...