"Chef Zane. Andito ka na pala." Sabi ni Rio
"Oh, bakit?"
"May ipapagawang cupcakes si Mrs. Gil. Parating kasi mamaya ang anak niyang si Sir Enrique. Ngayon kasi ang welcome party ni Sir dahil siya na ang papalit kay Mrs. Gil bilang General Manager dito sa hotel." Aniya.
Nagloading ang utak ko dun 'ah. 2 months lang ako nagvacation leave pero di ko alam magreresign si Mrs. Gil.
"Ganun ba? O sige pupuntahan ko nalang si Mrs. Gil sa opisina niya." Sabi ko para mapuntahan si Mrs. Gil para sa karagdagang detalye.
Dahil mag-a-alas otso na punuan ang pagsakay ng elevator na for employees only. Pumila pa ako. Halos 20 minutes na akong naghihintay.
Nang ako na ang papasok, bigla akong itinulak nung lalake.
"Pasensya na Miss. Malelate na kasi ako." Nung lalake. Sabay sara nung pinto ng elevator.
Grr... Langya! Isang tao nalang ang kulang sa elevator eh! Ako na sana yun! Pag nagkita kami nun! Makikita niya!!! Nanggagalaiti na ako sa inis. Pulang pula na ang aking mukha.
Tinulungan na ako ng mga kasamahan na makatayo. Mukhang bagong empleyado yun. Makikita talaga niya! I composed myself to be okay.
"Zane, Ang gwapo nung tumulak sa'yo ha!" Sabi nung iba. Kinikilig pa nilang sabi.
"Oo, nga. Ang bango pa." pagsang-ayon ng iba.
Umiling nalang ako. Ayokong makipagtalo sa kanila.
----------------
Nasa 8th floor ako ngayon kung saan ang opisina ni Mrs. Gil. Kumatok na ako sa may pintuan.
"Good Morning po Ma'am!"
"Zane, maupo ka." with her smile
Mid 60's na ang edad ni Mrs. Gil at kahit senior citizen na siya pero mag-aakala lang nasa 40's pa ito. Maganda ang katawan niya. Halatang nagzuzumba. Di rin maipagkakaila na maganda siya nung kabataan niya.
"Pinatawag n'yo po ako, Ma'am?" sabi ko.
"Yes, gusto ko sanang magpa bake ng mga cupcakes. Alam mo naman siguro na ngayon ang welcome party ng anak ko. At gusto ko rin na ikaw ang mag-organize sa food." Aniya.
"Po? Pero ma'am?"
"You hear me right, Zane. Wala ng pero pero."
" Wala po akong background sa pagiging organizer."
"It's okay. Don't worry my son will help you." Aniya.
"Ho?" Nagloading pa rin ang utak ko.
At doon iniluwa sa pintuan ang isang lalake. Naka-aviators pa ito. Animo'y isang model ng isang clothing line. Ang gwapo niya!!
Nung tinanggal niya ang shades niya.
"Ikaw?" sabi ko
" Huh? Anong ako? iritang sagot niya.
"Ikaw yung bumunggo sakin sa may elevator." Inismiran ko siya.
"Ikaw ba yun? Sorry ha di ko sinasadya." Pa cool niyang sabi.
Kumulo na ang dugo ko.
"Anong di mo sinasadya? Itinulak mo ako You pushed me!" Medjo tumaas na ang boses ko sa galit. Nakalimutan kong andito sa Mrs. Gil.
"Oh, Don't make a big deal out of it. I said I'm sorry. I will said it again 'sorry po!'." Sarcastic niyang sagot with matching chichay mode.
"Ehem. Ehem." Mrs. Gil cleared her throat.
"I'm sorry for the act of my son earlier. Medjo rude kasi ito. I want to introduce the two of you formally. Anak, this is Zane May Salvador, our pastry chef here in hotel. Zane, this is Enrique Jerome Gil, my son and the new GM of this hotel. So you will be helping with each other para sa food mamaya. Sige, gawin nyo na ang ipagagawa ko." Aniya with her sweetest smile at lumabas sa opisina nito.
Naglahad ng kamay si Walang Modo este si Sir Enrique pala sa akin. Tinanggap ko yun.
"Nice meeting you, Ms. Zane."sabi nito.
Ang gandang pakinggan ng pangalan ko sa kanyang labi. At ang lambot pa ng kamay nito. Tsk. Erase. Erase. Kaaway siya.
"Nice meeting you too, Sir Enrique." Nangingiming sagot ko. Ano ba yan. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. He has a long eye lashes na bumagay sa mapupungay niyang mga mata. Saktong tangos ng ilong. Mapupulang labi na kay sarap halikan. Parang nakita ko na siya. He's very familiar.
"Miss Zane, yung laway mo." Sabi niya. Dun ako natauhan. Binitiwan ko na ang kanyang kamay. Pinahid ko sa kamay ko ang aking labi.
"Wala naman ah!" Napahiya ako dun. Para na akong kamatis ngayon. I saw him smiling.
"Nagdo-drool pa sakin. Tss!" Parinig niya sabay iling.
"Anong sabi mo?" Sabi ko. Tumaas ang isang kilay ko.
"Talo ang bingi, Miss Zane. HAHAHA!" Pinagtawanan ba ako?!!
Lintik na lalake toh! Antipatiko talaga!
"Okay, Mister. Simulan na nating e. organize ang welcome party MO!!" padabog kong sabi.
----------------
Nagsimula na kaming mag brainstorm sa mga pagkaing lulutuin. Char! Brainstorm talaga?! As if naman tumutulong siya. Panay tango lang siya sa mga sinasuggest kong mga putahe
Halos maubos ang laway ko sa kakasuggest. Parang hindi siya interesado. Panay text siya sa kanyang cellphone.
"Ahm, Miss Zane. Pwede bang ikaw na lang ang gumawa niyan. I know you are the best on your field. So I supposed alam mo na ang gagawin natin. Ikaw na ang bahala sa food. Magpatulong ka nalang sa ibang chef's dito. May gagawin pa kasi akong mas importante."
Sabay tayo at labas sa opisina.
Hala! Grrrr!! Napaka antipatiko talaga nung lalake na yun. That Jerk is getting on my nerves now! Siya pa tong tinutulungan siya pa ang walang pake. Di bale na lang magpapatulong na lang ako nina Glenn at Justin.

BINABASA MO ANG
If you could see me now
Teen FictionDahil sa aksidente nangyari ang lahat.When Zane May Salvador woke up, everything has changed. Even herself hindi na niya kilala. Paano kung sa isang aksidente rin maalala niya lahat? Na bubuo sa kanyang pagkatao. Will she be brave enough to face the...