Ang iba kong kasamahan ay umuwi saglit para makapagpalit ng damit. Pero ako hindi na umuwi, wala rin naman akong susuotin. Alam ko namang pasusuotin nila ako ng dress. Para formal daw kasi babae ako. Eh Formal naman polo shirt ko. Kebs nalang.
The party went well. Nasa Grand Ballroom kami nung hotel. May sitting capacity na 1,500 na katao. Halos mapuno ang mga upuan.
Kilala kasi ang pamilyang Gil. Sila ang may pinakamaraming hotel chains dito sa Pilipinas. May mga politiko at iilang artista rin ang nandito. Pink at violet ang motiff.
Tapos na ang 18 roses. The debutant was wearing a violet dress na fit na fit sa katawan niya. May curves pa sa bandang dulo nito She's looks like a princess.
Nag speech na si Mrs. Gil sa may stage.
"Good evening, everyone!" Halata ang saya ni Mrs. Gil.
"Thank you dahil nandito kayo sa pinakamahalagang araw ng unica hija ko. Sweetie, kahit 18 ka na hindi pa rin pwede ang mag boyfriend ha! Alam mo yun. Usapan natin 30 ka pa dapat mag boyfriend. HAHAHA!"
Sabay tawa niya. Tumawa na rin ang iba.
"Mommy naman. Pinapahiya mo 'ko!" Sabi ni Trisha, ang debutant. Nakangiti.
"Joke lang anak. Basta tapusin mo lang pag-aaral mo at magkatrabaho. Keri na sa'kin yun." ni Mrs. Gil
Nagtawanan ang lahat sa last sentence. Medjo seryoso kasi si Mrs. Gil. Minsan lang magpatawa.
"Yun lang ang message ko sa iyo, Trish. I love you anak!" Umiiyak na siya. Tears of joy.
"I love you too, Ma." They hugged. Palakpakan lahat.
"Tapusin na ang kadramahan natin. Let's eat!" ani Mrs. Gil
Kumain na rin kami. Buffet style. Vegetable salad lang kinuha ko di pa naman ako gutom.
Nasa iisang table lang kami ni Glenn, Gel, Luis, Rio, Justin, Rona at Stephen. Sila ang mga friends ko dito sa hotel. They accept me for who I am.
"Oy, Zane. Yan lang kakainin mo?" ni Rio
"Oo, Busog pa kasi ako." sabi ko
Kumain na kami at kasalukuyang hinihiwa ang cake. Nagsikuha na rin kami ng cake at kumain.
"Ang sarap talaga ng cake mo, Zane!" ni Rona sabay tulak sakin.
"Ano ka ba? Ang sakit nun ah!"
"Masarap kasi talaga! Super!"
"Oo nga Zane!" Chorus nilang Rio, Gel, Luis, Stephen at Justin.
"Ang exagged nyo ha. Baka magtampo si Glenda nito." Napasmile ako. Glenda ang tawag ko kay Glenn.
"Aminado naman ako Girl na mas masarap kang mag-bake!" ni Glenn. Tumawa sila.
"Sapakin kita jan!" akmang susuntukin ko siya. Alam kasi nila na ayaw kong tinatawag na "Girl".
"Joke lang brad!" Pinabaritono na boses ni Glenn.
"HAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa sila.
"Di ko naman gagawin yun. Lab kasi kita." sabi ko sabay hug kay Glenn.
"Ewwww! Zane. Don't hug me. Babae ka pa rin!" Malanding sabi niya.
"Ay! Ang OA lang. Eh! Di wag! sabi ko.
Nagtawanan lang kami.
Ang tatlong couples na sina Gel-Luis, Rona-Stephen at Rio-Justin ay nagsusubuan pa ng cake. Parang may sariling mundo.
"Tingnan mo Zane. Ang sweet nila!" Sabay turo ni Glenn sa kanila.
"So? Gusto mo subuan kita?" sabi ko.
"Yuck!! Gusto ko si Rani." sabay turo niya sa kabilang table.
"Yung bagong bellman?"
"Ang gwapo talaga niya. Katawan pa lang ulam na!" Tili niya.
Umiling na lang ako ang hilig kasi niya sa gwapo. Kung sabagay mahilig rin naman ako sa maganda. It's a tie!
"Guys!" Untag ko sa kanila. Napalingon sila sa akin.
"After nito mag bar hopping tayo!" sabi ko.
"Okay ako jan! Makakakita ako ng fafa!" ni Glenn
"Ok rin samin." sabi ng mga couples.
Patapos na rin ang party kaya nagpaalam na rin kami ni Mrs. Gil at ni Ms. Trisha.
------------------------------------
Sumakay na rin kami sa mga kotse namin. Silang Rio, Gel at Rona ay sumabay na sa kanilang mga boyfriends. Samantalang si Glenn sa akin na sumabay. I texted Rose na pupunta kami sa isang bar sa Mango Avenue.
Okay I'm coming. Reply ni Rose.
Mahilig mag bar hop si Rose kaya kung minsan siya ang sinasama ko mag bar.
Nasa parking lot na kami sa Mango Square. Naglakad na lang kami patungo Clubholic medjo malayo pa kasi.
We order a bottle of tequila. Chikahan lang kami. Hanggang sa nakaubos kami ng 4 na bottle. Tipsy na sila at sumayaw na ang mga couples. Si Glenn naman nakakita agad ng kapartner. Habang ako ay mag-isa na lang sa table namin at hinihintay si Rose.
"Zane, Kumusta?" She hug me.
"Okay lang." sabi ko di pa naman ako lasing at nakikita ko pa siya ng maayos.
"I'm sorry kung di ko nasabi sayo na may amnezia ka. Dapat kasi manggaling yun sa pamilya mo. I know may kasalanan rin ako sayo, Best. In God's time, you will remember everything" ni Rose. Umiiyak pa siya.
"It's okay, Best. Sana maalala ko na lahat. I hug her. I told her about my dreams at sa events na nagfaflashback sa kin with a guy. Tahimik lang nakikinig si Rose.
"Siya yung ex boyfriend mo Zane. Si Rey. Before ka naaksidente, he broke up with you because of some other girl."
I was shocked. So yun pala totoong nagka boyfriend ako. Just a thought of it nangingilabot na ako.
"Sa panaginip ko Rose, wala siyang mukha. I can't remember him. I don't have any pictures of him." sabi ko.
"Hindi mo siya naipakilala sa family mo dahil ayaw niya. After nung break-up nyo, sinunog mo lahat ng pictures nyo at mga bagay na nakapag-alala sayo tungkol sa kanya. Pero binigay mo sa kanya ang diary mo. Yun lang siguro ang makakatulong para maalala mo lahat."
After naming mag-usap ay nagpaalam siya na pupunta sa dancefloor. Naiwan akong tulala. Inom lang ako ng inom. Dina-digest ko lahat na sinabi ni Rose.
I need to find Rey...
BINABASA MO ANG
If you could see me now
Teen FictionDahil sa aksidente nangyari ang lahat.When Zane May Salvador woke up, everything has changed. Even herself hindi na niya kilala. Paano kung sa isang aksidente rin maalala niya lahat? Na bubuo sa kanyang pagkatao. Will she be brave enough to face the...