"Nasan naba yung mga yon! Sabi nila 7:30pm pero 8:00pm wala paren. Kukutusan ko talaga sila pagdating nila!" Bulong ko sa sarili habang naghihintay.
"Jessica!" Isang malakas na boses na nanggaling sa likuran.
"Parang pamilyar yung boses na yon?" Sabay tingin sa likod. Sila na nga, yung mga lukaret na pinaghintay ako ng matagal.
"Kanina kapa dyan?" Tanong ni Abby na parang nangaasar pa.
"Hindi naman. mga KALAHATING ORAS lang akong naghihintay dito!" pasigaw kong sabi.
"Sorry kung nalate kami natraffic lang kami eh. Sorry babes (babes tawagan naming magkakatropa).
"Oo na, ano tara na?" Pagmamadali kong tanong.
"Tara na!" Sabay sabay nilang sinabi. 8:39pm na kami nakapunta sa destinasyon namin, isang mall na medyo kaliitan pero ayos samin para may mapaglibangan.
Huminto kami sa isang fastfood chain para kumain, umorder na sila at ako naman ay naghihintay sa pwesto na inagaw namin sa papaupo nang costumer. Habang umoorder sila may naalala ako. Dito nga din pala ko dinala ng boyfriend ko nung unang monthsary namin. Pero matagal nayun, tsaka nakamove on nadin ako.
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"