Pagkatapos nun umalis na kami papuntang restaurant ng tita nya. Hindi naman kalayuan doon sa may simbahan, mga 30mins na byahe. So yun after nun nakadating na kami. And wow! Ang ganda ng restaurant, dinaig pa ang 5 star resto na kilalang kilala dahil sa daming decoration sa loob at sa labas, at infairness madami talagang kumakain.
"Welcome Sir, Mam." Sabi ng isang lalaking nasa pintuan. Meron akong narinig na boses papalapit samin at ang sabi "Iho! Kamusta na? Buti napasyal ka?" Sabi ng isang babae na sa pagkakaalam ko na ito yung tita nya na may ari ng resto.
"Ahh eto ayos lang po tita, gusto lang po naming kumain ng kaibigan ko, gusto daw po nya kasing matikman yung pagkain dito." Sabi ni Paolo habang nakangiti.
"Ahhh. Kaibigan mo to? Akala ko naman Paolo girlfriend mo." Sabi nya habang tumatawa. Di ko alam kung maiinis ako dahil naiingayan ako sa tita nya o kikiligin dahil napagkamalan nya kaming majowa.
Di ko nalang pinansin at pinaupi na kaming dalawa sa isang table for two. Parang date namin dahil may romantic na kanta, champagne at nakapuwesto pa yung table namin sa gitna as in gitna.
"Hey. Wag kang kabahan treat ko to kasi ako naman yung nagaya nato diba? Kaya relax ka lang dyan ha?" Sabi nya sakin habang nakangiti at nakahawak sa kamay ko.
Hay. Akala ko mahihimatay ako sa ganda ng boses nya. Super ganda kasi ng boses nya ang sarap sa tenga, para kang minememe, tsaka nakahawak pa sya sa kamay ko, parang eksena sa isang pelikula.
"S-sige." Pagkatapos ng eksena namin nayon dumating na yung handa and wag ka! Mahihiya ang fiesta sa dami ng mga putahe na nakahain sa harap namin. (yung totoo date o eating contest?)
"Umhh.. Paolo? Sa tingin ko sobra-sobra ata to satin, sobrang dami mo namang inorder." Sabi ko sakanya kasi nahihiya ako. "Don't worry, ako naman magbabayad ng lahat ng ito. So kain ka lang dyan ha." Well ano paba magagawa ko edi fight na!
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"