Pagkatapos ng usapan namin ni mama naligo na ko para saktong 12:30pm nakabihis nako. Pagtapos kong maligo nagbihis nako alam kong wala na sila mama at papa. Bumaba na ko at meron akong nakitang pera at isang kapirasong papel sa taas ng tv.
Nakalagay dito "Nak ingat ka sa date mo ha :) iloveyou nak." Natuwa ako at sinabing "Si mama talaga."
12:50pm ay naglalakad nako para magabang ng taxi papunta sa simbahan. Nakita ko ulit yung lalaking nakita ko nung isang linggo. Pero hindi ko ulit pinansin at ibinaling ang atensyon sa karsada para magabang ng taxi.
Ng may nakita kong isang taxi pinara ko ito at sinabing "Sa may simbahan lang ho" Sagot naman ng driver "Osige" pumasok na ko pero nagsalita yung lalaki at sinabing "Dun kadin ba sa may simbahan pupunta?" Tanong sakin nung lalake. "Oo bakit?" Tanong ko naman.
"Sasabay na sana ko kasi dun din naman ang punta ko." Sinabi nya habang nakangiti. "Osige ikaw bahala." Pumasok sya at umupo na para makaalis na kami.
Habang papunta na kami sa simbahan ay kumukuha ng pangbayad ang lalake pero biglang nalubak at nabitawan nya yung pera. Syempre tinulungan ko sya, habang aabutin ko na bigla kong nahawakan ang kamay nya.
Habang hawak ko yung kamay nya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Ay sorry." sabay alis ng aking kamay. (Bakit ganun? kapag lang naman katext,kausap at kapag naiisip ko si Paolo tsaka lang bumibilis yung tibok ng puso ko)
Nakababa na kami at nagsimula nakong maghintay. Habang naghihintay ako biglang nag ring yung cp ko. Si Paolo tumatawag, "Hello?"
"Andito naki sa simbahan nasan kanaba?" tanong nya sakin.
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"